nangingilid na mga mata
nalulungkot na damdamin
pumupukaw sa isipang
ikaw ang nilalaman lagi
pilit pinipigilan ang pagpatak
ng mumunting luhang
aagos sa makinis mong pisngi
isinasalba ang papawalang
ngiti ng iyong mga labi
huwag mo sanang alalahanin
na balang araw ay mangyaring
ika’y aking lilisanin
sana malaman mong ayokong
mawala ka sa aking piling
alam mo ba kung bakit
mahigpit kitang yakapin?
yun ay dahil sa
hindi rin ako nakasisigurong
ikaw ay mananatiling akin
siguro parang pagsabi ko na rin sa ‘king sariing
nandyan ka lang sa ‘king tabi
hindi ka lalayo, hindi maglalaho
hindi magiging ’sang lumipas na panaginip
kaya sana’y huwag mong hayaang
mapawi ang tamis ng iyong ngiti
at ang tuwa sa iyong mga mata
pasasayahin kita, minamahal kong sinta











