ako? nurse? naman!

No Comments » February 21, 2006 » 1486 days ago
buhay SATown

isang paguusap…

kaibigan: musta? musta ang buhay tate?
ako: ok naman.. eto, homesick pa rin..
kaibigan: san ka na nagtatrabaho ngayon?
ako: sa ospital ako..
kaibigan: ospital? ano ka nurse?

mga ilang beses na ring naitanong sa akin yan.. siguro nga kasi kapag sinabing sa ospital ka nagtatrabaho, tapos nasa amerika ka, eh talagang iisiping nurse ka.. malamang diba? kaso hindi ako nurse eh.. utusan lang..

oo, sa ospital ako nagtatrabaho dito sa San Antonio.. araw-araw, nilalakad ko lang.. 15 min. walk naman kasi.. ni hindi ko naisip na magtatrabaho ako sa ospital.. kasi naman, sa aming magkakapatid, ako lang ang hindi na-confine sa ospital.. o diba, tapos ako ngayon ang araw-araw nandon.. anong trabaho ko kung hindi ako nurse? service aid ako.. in short, utusan.. ung tipong, ako ang bahala sa mga supply, sa mga lab, tumutulong sa mga nurse, taga-kuha ng kung ano-ano.. runner kumbaga.. mahirap din para sa akin.. dahil wala talaga akong alam tungkol sa medical field.. sobrang takot pa nga akong makakita ng dugo.. pero ngayon, la na.. immune na.. kahit mga injection, ebs ng pasyente, wiwi, spit, at kung anu-ano pa.. sanay na.. hahaha!

nung kadarating pa lang namin dito, sabi ko ok lang na magaral ako ulit kahit nursing.. pero ngayon, kinain ko ang sinabi ko.. di ko talaga linya ang pagnu-nurse, di ko kaya na mag-alaga ng pasyente, maglinis sa kanila, at kung anu-ano pa.. kaya naman hands down talaga ako sa kanila! minsan pa nga, may namatay sa unit namin, sa ICU kasi ako.. tapos nagCODE BLUE sa unit namin… (para sa mga di nakakaalam, ang Code Blue ay code sa ospital na ang ibig sabihin ay nagcardiac arrest ung pasyente.. medyo 50-50 na ung chances).. dumating ung mga doktor.. kaso un nga walang nagawa.. namatay ung pasyente.. nakakaiyak.. di ko kaya un.. nakatayo lang ako sa isang sulok at tinitingnan na umiiyak ang mga kaanak ng pasyente.. ung mga nurse at doctor naman ay kalmado lang.. ung parang walang namatay.. mahirap un! di ko kaya.. iyakin ako eh.. lagi ko ngang sinasabi, mas madali pang ayusin ang computer kesa sa tao.. diba?

dahil na rin sa pagtatrabaho ko sa ospital, nagkaroon ako ng kakaibang pagtingin dito… kasi naman, pumupunta lang ako sa ospital kapag magppax-ray, may medical exam, o kaya may dadalawin.. mas naramdaman ko na mahalaga talaga ang may alam ang mga doctor at nurse.. kasi nasa kamay nila ung paggaling ng pasyente.. kaya pala sampung taon ang ginugugol sa pag-aaral bago maging doctor.. kaya pala.. ang dami nilang dapat pag-aralan…

ang pagiging nurse o doctor ay di dapat ginagawang laro lamang.. o di kaya dahil ito ung may malaking sweldo magnu-nurse na lang ako.. dapat kagustuhan mo talaga.. di ito dapat pinipilit sa sarili.. kaya ako… di talaga! :)

mga trahedya ngayong pebrero…

No Comments » February 21, 2006 » 1488 days ago
Uncategorized

matapos ang nangyari noong ika-lima ng Pebrero sa “ULTRA/WOWOWEE Stampede”.. landslide naman sa Southern Leyte…..

sana wala nang sumunod.. sana wala nang mamatay..

panalangin.. un ang ating kailangan..

taimtim na panalangin na sana matapos na lahat ng ito…

at sana maging maayos na ang buhay ng kapwa natin Pilipino…

walang maisip na title

No Comments » February 20, 2006 » 1488 days ago
buhay SATown, homesickness

actually, la naman talaga akong mai-post ngayon, tamad-tamaran na talaga,, ewan ko ba.. parang pagod na pagod ako.. parang kulang ung 2 araw na pahinga.. parang ayokong pumasok bukas.. ganon ako katamad ngayon.. pero heto pa rin ako at nagpupumilit magpost ng kahit ano lang.. hehehehe.. addiction na talaga ito!

ano bang bago sa akin? hmmm.. araw-araw tanong yan ng mga kaibigan ko.. la namang bago.. ganon pa rin.. nakakasawa na nga eh pero lang magagawa… ganito talaga ang buhay.. 10:53pm na.. dapat matutulog na ko pero gising na gising pa rin ako.. bukas maaga pa pero, ayoko lang matulog.. basta ayoko lang…

ay may bago pala.. may IPOD Nano na ko! hahaha.. well, 1 GB lang nman… sakto na un.. aanhin ko naman ung 1000 songs.. hehehe… masaya na ko.. ang kyut nya grabe!!! ung kulay white ung binili ko.. last sunday ko lang binili… lalo kong napatunayan na impulsive buyer ako.. kasi naman…

eksena sa loob ng Apple Store sa La Cantera, mga kasabwat sa gastos: Carmelo, Stef at Yuhan (pare-pareho kasing may IPOD Video), mga tita ko at tito ko

Tita1: Carme, bili ka na ng IPOD Video mo..
Carme: Tita, ayoko po.. ayokong gumastos.. (talaga lang ha?!)
Tita2: Sige na, pera mo nama yan, gastusin mo na.. habang bata ka pa.. (tama ba ang narinig ko?)

aus, hehehe.. konting pilit pa…

Stef: This is so cute, Carme buy this one..
Tita1: Oo nga, maganda yan.. ang cute.. gusto ko nga ring bilhin yan eh.. bilhan mo ko?
Carme: (tingin naman sa IPOD Nano) ok lang… ganda.. saka ang liit..
nakita ni Melo..
Melo: Oo nga ate.. para naman may nabili ka.. si Carlo may bagong sapatos, tapos ikaw wala…

mga ilang pilitan pa ang nangyari..

Carme: Melo, ok lang ba? $150 lang naman eh… tingin mo?
Melo: Ikaw bahala ate.. wag nang Video kasi, meron na ko nun.. cge, ok na yan..

tik..tak..tik..tak..

Carme: Sige, bilhin ko na! Melo, samahan mo kong magwithdraw…

lumipad ang aking $200 ng ganon na lang.. umuwi ako sa bahay na may bag na ang laman ay IPOD ko… parang wala lang.. hahaha! at ngayong may IPOD na ko, kailangan kong bumili ng case, ung magandang earphone, mga accessories at ung speakers!!! hehehe… gudlak sa gastos!!

maiba tayo…

pansin ko lang, ung 2 huling post eh tungkol sa pag-ibig.. hay.. pag-ibig.. pag-ibig… pag-ibig…

nakausap ko sya kanina.. ok naman.. sabi nya, nabasa daw nya ung blog ni 19tanQ.. so binisita ko rin.. ka-relate! un lang.. kaya pala.. hehehe.. :) ang dami ko tuloy naalala.. sakto pa ung kanta.. –Here Without You– naman!

kita na lang tayo pare.. don’t worry di ko babanggitin ang pangalan at ipo-post ang picture mo dito! hehehe.. shy type ka pa!!! :)

pahabol lang..

kausap ko si besis.. nagsuggest sya na i-post ko kung gaano ko sila kamiss… hmmmm… miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss na miss ko na kaung lahat!!!! punta na kasi kayo dito sa San Antonio… masyadong tahimik eh.. hehehe.. guluhin natin ang pamumuhay nila dito..

antok na ko.. 11:37pm na eh..

peace awt! :)

luha

No Comments » February 16, 2006 » 1492 days ago
Uncategorized

nangingilid na mga mata
nalulungkot na damdamin
pumupukaw sa isipang
ikaw ang nilalaman lagi

pilit pinipigilan ang pagpatak
ng mumunting luhang
aagos sa makinis mong pisngi
isinasalba ang papawalang
ngiti ng iyong mga labi

huwag mo sanang alalahanin
na balang araw ay mangyaring
ika’y aking lilisanin

sana malaman mong ayokong
mawala ka sa aking piling

alam mo ba kung bakit
mahigpit kitang yakapin?
yun ay dahil sa
hindi rin ako nakasisigurong
ikaw ay mananatiling akin

siguro parang pagsabi ko na rin sa ‘king sariing
nandyan ka lang sa ‘king tabi
hindi ka lalayo, hindi maglalaho
hindi magiging ’sang lumipas na panaginip

kaya sana’y huwag mong hayaang
mapawi ang tamis ng iyong ngiti
at ang tuwa sa iyong mga mata
pasasayahin kita, minamahal kong sinta

Impostor

No Comments » February 15, 2006 » 1493 days ago
Uncategorized

kasama ko ang may-ari ng blog na ito kahapon, ta’s ngayong iniisip ko na, naaalala kong valentine’s day nga pala kahapon. masaya ‘ata s’ya nun, parang. o baka namalik-mata lang ako. gusto ko yatang nakikita na may kakaibang ngiti sa mga mata n’ya tuwing kasama ko s’ya.

ewan ko pa rin kung bakit masaya s’ya tuwing kasama n’ya ‘ko. idinadaan n’ya sa pahawak-hawak ng kamay (at minsan hindi lang kamay, malikot ang kamay ng isang ‘yun) ang pagpapakita ng kagustuhan n’yang manatili ako sa tabi n’ya. masaya rin naman ako. meron akong tagabuhat ng bag, tagalibre, tagahatid, tagacheck ng code ng mga program na ipinapasa sa klase. minsan, pag namimiss ko ang teddy bear ko sa kwarto, pwede na rin s’yang substitute. balbon na malaki ang tiyan. masarap yakapin, malambot, at hindi umaangal kahit pawisan ako. (galing kasi akong pe tuwing martes at biyernes.)

ginawan na rin n’ya ‘ko ng tula. kakaunti lang kumpara sa napakaraming naisulat n’ya (tungkol sa sari-saring mga babae), at di ko rin naman naintindihan. ‘yung isa pa nga roon, sabi n’ya, synonymous ang title sa pangalan ko. naniwala naman ako. tutal naaalala ko ang eksenang inilarawan sa tulang ‘yun, ‘yung hapong sumakay ako ng jeep papuntang pe kasi umuulan. sabi n’ya, sasama dapat s’ya sa akin, ihahatid n’ya ‘ko sa pe ko. kaso hindi natuloy kasi umulan, kaya umuwi na lang s’ya.

sabi n’ya, isinusulat n’ya sa mga tula n’ya ang lahat ng frustrations n’ya. kadalasan tungkol sa babae. (o baka hindi ko pa lang nababasa ang lahat ng mga tula n’ya.) lahat ng mga bagay na gusto n’yang mangyari, pero hindi naman nagkakatotoo. marami na siguro s’yang naipong tula tungkol sa mga babaeng hindi na n’ya makikilala maliban sa minsanang pagsulyap sa magaganda nilang mukha, sa pag-asam ng kanilang pagtingin.

pansin ko lang, hindi na s’ya nagsulat ng tula mula noong araw-araw na kaming magkasama. hindi na rin siguro n’ya gagawan ng tula ang kahapon, nung magkasama kami hanggang abutin s’ya ng paglubog ng araw. at bukas, kung kailan maaari ko na s’yang tawaging akin.

[ pasensya na kung naging madrama. pinagpost kasi n'ya ako rito, hehe. ]

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.