****matagal ko nang artik to.. ngayon ko lang naisipang ilagay dito sa blog ko.. hehehe.. (january 18,2006 2:17am to be exact).. trip ko lang i-share..****
napanood ko kanina ung the correspondents.. ung episode eh tungkol sa pagcha-chat/textchat sa TV.. naalala ko tuloy nung na-addict din ako sa ganon..
dahil na rin siguro sa nahilig akong magcomputer kaya naman na-addict ako sa pagi-internet.. as in, nakaka-addict sya.. nung umpisa eh simpleng email lang.. naitanong ko ata ang mga email address ng mga kaklase ko nun.. kolehiyo ako.. kung tutuusin nga, matanda na ako nung mamulat ako sa “cyberlife”.. nawiliw akong magsend ng mga messages.. tapos… nagsawa na rin ako.. lagi kasi akong naga-antay ng sagot mula sa mga kaibigan ko, na feeling ko eh di naman nagbubukas ng email.. nagtanong-tanong ako kung may paraan ba na makakausap ko ung tao, as in parang naguusap kau sa telepono.. saka ko natuklasan ang MIRC..
MIRC.. IRC for short.. Internet Relay Chat.. 1st yr college ako nun.. di ko inaakala na marami akong makikilala, na ma-a-addict ako.. nung una kong gamit, di ko alam kung pano.. tapos tinuruan ako ng kapwa ko kaklase.. kailangan pala eh may nickname ka.. pwede mo ring gamitin ung tunay mong pangalan pero nasasaiyo na un.. nagpasya akong gumamit ng ibang nick.. di ko na ilalagay ung nick ko, dahil malamang may makakakilala sa akin,, =) ngayon ko lang naisip, dapat pala eh maganda ung nick mo para nick pa lang, marami nang magp-PM* sayo..so aun, may nick na ko.. next, sasali ka sa room/channel.. ito ung kwarto na may mga kapwa chatters rin.. marami kang pwedeng salihang room.. mas marami, mas ok.. tapos, hahanap ka na ngayon ng matinong kausap.. naalala ko, mga almost 3 hours ang tinatagal ko sa pagcha-chat.. ang tagal oo.. nakaka-addict kasi.. marami akong natutunang salita.. mga bagong kaibigan.. at di nagtagal isa na akong OP**.. kapag may @-sign na bago ang nick mo.. parang ganito @nickmokunwari.. ibig sabihin, ikaw ang may-ari ng channel o room na un..
dahil na rin sa chat, marami akong nakilalang lalaki, naka-EB*** at nanligaw rin.. madali kasing makagaanang loob ang kausap lang sa chat.. oo nga’t delikado dahil di mo naman kilala ang kausap mo, pero mas naikukwento mo kasi ang mga bagay-bagay sa isang taong di mo kilala.. ganito kasi sa kaso ko.. ung mga lalaking nakaka-chat ko, nagiging textmates din kami at phonepals.. hanggang sa magkikita na.. madalas, di mo gusto ung tao kasi, iba ung iniisip mong itsura nya.. madalas naman na ok rin.. swertihan lang naman un..
4th yr college na ko nung tumigil ako sa pagcha-chat.. as in bigla na lang syang tumigil.. siguro dahil tinatamad na kong makipagkilala, tapos, magkikita tapos wala na.. marami pa naman akong mga nakilala sa chat na kaibigan ko pa rin hanggang ngayon..
pinakita rin sa the correspondents ung masasamang naidudulot ng pagcha-chat.. na may napapahamak, may naloloko.. ang sa akin lang naman, di lahat ng chatters ganon.. pumapangit tuloy ang tingin ng tao sa pagcha-chat.. baka isipin nila eh lahat ng chatters, ganon ang ginagawa.. di lahat! marami na akong naranasan at kakilala na naging mabuti naman ang idinulot ng pagcha-chat.. i know, may point din naman ung show kasi, mali talaga ung pakikipagusap at pakikipagkita sa di mo kilala.. siguro kasi, depende na sa chatter un.. marami kasing nagpapanggap na ganon sila pero di naman.. gets? hay..
certified chatter ako.. and im proud of it! =)
* private message
** Operator
*** eyeball



![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







