… this is the first time, im gonna say I LOVE YOU…
SM Megamall…
kasama kita.. ang daming tao dahil premiere night.. di nga lang natin nakita sila Hero at Sandara.. sayang! hehehe.. alam ko ang jologs nga eh pero talagang tumambay tayo sa harap ng cinema.. may nakita ka pa ngang kakilala, babae.. kasama ung jowa nya.. ngayon ko lang naisip, di mo pala ako pinakilala pero ok lang.. :) may lalaki pa nga dun diba, o bading ata un? hehe.. bibong-bibo.. ang kulit, close kay manong guard..
kabila ng kaguluhang nangyayari sa paligid ko, di ko un pinapansin.. ang importante ay kasama kita.. alam mo kung bakit? dahil mahal na kita non at un din ung gabing iniisip ko kung ano kaya ang mangyayari kinabukasan.. dahil bukas, interview na namin sa immigration.. pano kung huling gabi na pala nating magkasama? pano kung matuloy kami? ang daming tanong pero wala akong pakialam, basta ang importate, kasama kita.. un na un!
di nga natin nakita sila Hero at Sandara kasi ever late naman.. kaya umalis na lang tayo.. di ko lang maalala kung san tayo nagpunta matapos un.. malamang kumain tayo o kung di naman, baka hinatid mo na lang ako.. malamang na nagkulitan na naman tayo.. mga ilang beses din siguro kitang hinampas at hinila ang t-shirt.. siguro inis na inis ka na pero wala kang magawa.. :) mahal mo na rin kasi ako nun.. :)
at ngayon, habang pinapanood ko ang pelikulang ito, (oo, certified jologs talaga ako) naalala na naman kita.. lalo kitang namiss.. sana kasama kita ngayon.. siguro, mas masaya.. malamang na tinatawanan mo ako sa tuwing may nakakakilig na eksena.. sa tuwing maiiyak ako.. may katabi ako na hahampasin ko sa tuwing aasarin ako.. iba pa rin talaga kapag kasama mo ung taong mahalaga sayo..
Tirso Cruz: ang importante lang, kahit na magkalayo kayo, nasasabi mo sa kanya..
Hero: ang ano po?
Tirso Cruz: na mahal mo sya..
can this be love ba pare? oo naman.. :)
ILOVEYOU!












