6:16pm
![]()
dahil sa wala akong magawa, naisipan kong bisitahin ang friendster account ko.. nag-upload ng picture at medyo may binago sa profile ko.. at matapos un, browse muna ako ng mga page ng kaibigan ko.. la lang, ubos oras lang..
ilan ang friends ko? 386.. ang dami! hahaha! :) in fairness naman, kilala ko naman silang lahat.. nabawasan pa nga yan, dati umabot na ng 500 ung friends ko.. pero un nga binura ko ung iba.. trip ko lang..
habang iniisa-isa ko ung mga profile ng mga kaibigan ko, madami akong napansin..
-
isa na rito ay ang kanilang photos.. nakakatawa lang kasi, everytime na magpapapicture na ngayon, ang bukam-bibig na eh “Uy, pang-friendster yan!“.. hahaha.. talagang mega pose, ung iba kunwari pang stolen shot pero alam naman nila.. ung iba mga paborito nilang chartoon character, banda, o kung anu-ano pa.. may iba naman mga picture nila nung bata pa sila.. meron ding collage ng pictures.. at kapag naman may jowa ever, syempre, mega post ang picture ng jowa.. :) aliw!!
-
napansin ko rin ung name.. iniiba nila ang pangalan nila, kaya naman napakahirap gawan ng search ang isang tao.. di mo alam kung ano ba ung ginamit nilang nickname.. gumagamit sila ng mga characters, o di kaya iniiba nila ang ispeling ng pangalan.. minsan nga nagugulat na lang ako sa mga bagong pangalan na lumalabas sa friendlist ko, babasahin ko muna ang profile, bago ko malalaman na kilala ko pala sya! ako? pangalan ko lang para madaling makita.. :)
-
nalalaman ko rin kung sino ang addict na laging nago-onlyn sa friendster.. ngayon lang kasi ginawang makikita kung kelan huling nag-log in.. pwedeng 24 hrs., 6 days, 1 week o di kaya more than 3 weeks.. kapag more than 3 weeks, wala na.. di na nago-onlyn un! hahaha! :) kaso, sayang naman ung account..
-
binabasa ko rin ung shoutout nila… :) hehehe.. la lang.. tamang nakikita ko lang..
-
dahil ginaya ng friendster ang myspace, naaaliw lang ako sa mga design ng page ng mga kaibigan ko.. madami ang maganda, madami rin naman ang over.. ung tipong, di ko na mabasa ung nakasulat.. lumalabas naman ang creativity nila.. :)
-
kapag nasa page na ko ng isa kong kaibigan, tinitingnan ko rin ung status nila.. kung married, single, o its complicated! hahaha.. usisera lang talaga.. la lang.. trip ko lang..
-
after ng status, tinitingnan ko rin ung testimonials.. aba! dahil sa mga testimonials, marami akong nalalaman..
1. nalaman ko na mag-jowa na pala ung 2 kong magkaibigan nung college!
2. na birthday pala ng isang tao nung isang araw
3. ang mga sekrteto ng kaibigan ko.
4. at kung ilan na ang nagte-testi sa kanila.. :)
-
matapos kong kilatisin ang page ng isa kong kaibigan, titingnan ko naman ang mga friends nya.. baka friend nya si ganito, o si ganyan.. tamang networking!
maganda talaga ang ginawa ng friendster, lalo na para sa akin.. dahil dito lang ako nakakakuha ng balita tungkol sa mga kaibigan ko.. marami na ring kaartehan ang ginagawa sa friendster..
-
meron nang chat kaso sa US lang ata gumagana.. sana sa pinas din.. :)
-
pwde ka nang kumuha ng picture ng may picture.. malalaman nga lang nila kong nakuha mo
-
malalaman mo rin kung sino ang nag-view ng profile mo..
-
may slideshow ng pictures…
-
may blog ka pa!
san ka pa! :)
*parang binenta eh no.. hahaha!*
hay naku, eto lang masasabi ko, nakaka-addict ang friendster, un lang!












