ipakita mo sa akin makalipas
ng mahabang panahon
isang dekada, sampung taon
ang pilit na itinatagong
pahina ng masayang kahapon
itago mong mabuti
ang mga alaala
at ito’y iyong isulat
ikwento, imulat sa papel
gamit ang isang panulat
tandaan mo ang petsa,
ang buwan at ang araw
nang ating sambitin
ang napangakuang kasunduan
dahil ako’y maghihintay
mag-aabang, mangangarap,
na sana’y ikaw ay tumupad
sa napag-usapang sampung taon












