2 years, 9 months ago by karmi alas-17 ng Marso, 2006 ika-5 ng umaga
na-windang ako.. nagising dahil sa pagsasalita at pagalog sa akin ng aking ina..
gising na kayo ni Mina, pupunta kayo ng Corpus Christi.. bihis na kayo, parating na Tita nyo.. on the way na..
windang talaga! dali-dali kaming nagbihis, ni hindi na nga ata nagagahan.. sumakay sa kotse, at layas na… ayos! ang dami ko pa namang balak gawin, tatawag pa ako sa Pinas tapos, biglang nabago ang lahat ng plano.. dahil pupunta kami ng Corpus Christi..
Corpus Christi, Texas.. 2 hours drive mula sa San Antonio.. masaya, medyo tulog nga lang ako kalahati ng biyahe.. kasi naman 12mn na ako natapos mag-computer tapos gigising ng 5am… masaya naman ung trip.. nakakahilo.. pero ok lang..
ito ay ilan sa mga pictures.. :)




overnight lang kami pero ang saya! at gudluck, ang lamig! hahaha.. beach pero naka-jacket! masaya.. masaya!
hay, dahil dyan, ang itim ko na naman! :( at ang sakit ng likod ko.. badtrip!
saya lang.. kakaibang trip! :)