graveyard shift

Posted almost 6 years ago blabbers, buhay SATown

Computer Operations Analyst

yan na ang bago kong job title staring next week.. :) ang taray! tuwang-tuwa ako dahil sa wakas, medyo related na sa course ko ang aking trabaho.. sobrang thankful din ako dahil naging mabait sa akin si PAPA GOD.. :) basta masaya.. di na ako magtatakbo para sa mga kailangan ng pasyente.. may sarili na lang akong workstation at kaharap ang computer.. ang saya! :) siguro nakakaboring din pag nagtagal, pero aus lang, gusto ko naman ung ginagawa ko..

graveyard shift ako sa bago kong trabaho.. un kasi ung vacant slot.. aus lang! 00:15am-8:45am ang schedule ko.. marami akong magagawa sa umaga! makakapanood ako ng TV, makakagala, tapos matutulog ng mga 5-6 na oras.. pwede na un… ang saya ng graveyard shift!

kanina habang ako’y paakyat sa 10th floor ng ospital, bigla kong naisip..

Graveyard na naman ako.. parang dati sa Athena..

kaboom! naalala ko na naman sya.. graveyard kasi ung shift namin, magkasama pa kami ng team.. bigla tuloy akong nalungkot.. naalala ko na lagi ko pala syang kasabay umuwi nun.. kasama sa breakroom para kumain.. kakulitan.. ngayon, wala na.. malayo na sya.. di ko tuloy alam kung dapat pa rin ba akong matuwa dahil graveyard shift na ko.. parang kulang na.. dahil wala sya.. buhay nga naman..

graveyard shift.. napaisip tuloy ako.. kaya ayoko nang nagiisip eh.. nakakagawa ako ng mga ganitong klaseng post! wish ko lang di ako antukin.. wish ko lang! :)

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.