2 years, 9 months ago by karmi tabing-dagat
palubog na ang araw, kalmado na ang tubig
hanggang ngayon ay hinahanap ang tunay na pag-ibig
isang araw na naman ang hinayaang dumaan
pero ang lalaki para sa akin ay nasaan
nakatingin sa kawalan, ikaw ang tanging nasa isip
hanggang sa pagtulog, laman ng panaginip
napakaganda ng tanawin ngunit ako’y nag-iisa
hanggang ngayo’y wala ka pa rin, nasaan ka na?
luha ko’y pumatak nang di ko namamalayan
kelan mapapawi ang aking kalungkutan?
siguro’y mabuti pang maghintay na lang ako
sa kung sino man ang mahalin ng aking puso
lumabas na ang buwan, oras na para umuwi
habang naglalakad, ako’y napangiti
nagkaroon ng pag-asa na baka bukas pagising
ika’y makilala na at habang buhay makapiling