kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with: karmi | komski | komski
*plugoo chat (opens in new window)

  • cHeRrY mAe: Maitanong lang. Sa prizes epek na 1 year domain name, ibig sabihin ba nun, after 1 year, tsugi na ang...
  • churvah: ay kumain po ako nyan,hahaha! at sakto rin ako sa tulog ng araw na nag comment ako. hahaha!wag na...
  • Aira Bongco: Wow cute contest. Very nice idea. May questions po ako. Kailangan po ba matagal na yung blog? And also,...
  • enday: waaah… haba ng mechanics.. gusto kong sumali… haha.. hanap nga ako ng problema para madrama...
  • LJ: parang masaya ito! at parang ang galing mo ring mag-market :)) EMO nga ‘tas masaya hahaha. Pero oo, masaya...
  • jeniffer: ang sweet.. malayo man.. mararating din.. parang globe lang.. piniktyur pa talaga hehehe.. :) adik nga raw...

Subscribe to my feed




bisitahin nyo ang komski quotebox.. ito ay isang quote code generator na ginawa ni komski.. henyo talaga..

isang patalastas…

mahilig ba kayong magpaganda ng inyong blog? ung tipong, maraming laman na talaga namang maaaliw ang iyong mga taga-basa? o trip mo naman ang magbasa ng kowts? tamang-tama, narito na ang komski quotebox.. kung saan marami kang pagpipilian na iba’t-ibang quotes.. mapahango sa bibliya, galing sa mga libro, love quotes para sa mga romantiko, anime para sa mga mahilig sa anime (duh!), computer and programming quotes para sa mga tulad kong computer geek at mrami pang iba..

maaari mo rin itong baguhin ang itsura para naman bumagay sa iyong current layout.. o diba? san ka pa.. kaya naman kuha na! :)

pwede na ba komski? hahaha.. :)

naaliw lang ako sa bagoing dagdag sa komski quotebox! ung mga dialogue sa Spongebob Squrepants! :) Spongebob fanatic ako.. sobra! hehehe.. nakakaaliw lang basahin ung mga lines kasi, naaalala ko ung mga episodes.. tulad nitong line na to..

spongebob

ito ung episode na 24 hours a day ang Krusty Krab.. tinatakot ni Squidward si Spongebob.. kakatuwa lang..

spongebob2

tapos ito namang isa.. kausap ni Spongebob si Sandy.. aalis si Sandy papuntang Texas.. tinanong ito ni Spongebob sa kanya..

spongebob3

tawa lang ni Mr. Krabs…

spongebob4

ito naman ay galing sa episode na parang manual.. ung tipong, kapag bagong empleyado ka sa isang restaurant o kumpanya eh ito ung pinapanood.. para lang malaman ung background ng isang establishment.. isa ito sa mga parang vision ng Krusty Krab..

spongebob5

ito naman ung sinabi ni Patrick dahil akala nya, gusto sya ni Gary.. ung pala dahil lang may cookies sya sa kanyang shorts kaya sumasama sa kanya si Gary.. :)

parang bata no! hahaha.. trip ko lang.. :) naaliw lang ako..

*ung mga image na aking ginamit ay galing sa komski quotebox.. print screen ko lang para mailagay ang mga linyang aking nagustuhan.. kuha na rin kayo ng sarili nyong quotebox… :)

April 14th, 2006 | emo daw

ang drama talaga ng buhay ng tao…

sana nandito ka.. sana makasama na kita.. sana nayayakap kita ngayon, at hindi lamang boses mo ang tanging naririnig.. gusto na kitang kulit-kulitin na magkita tayo.. gusto na kitang halikan.. miss na miss na talaga kita.. ang epal mo kasi, ano bang ginawa mo sa akin? mahal na mahal kita!!! mahal na mahal!!!

emo.. emo…

April 11th, 2006 | Uncategorized

eto ako ngayon, nasa dulong bayan, sa isang computer shop. nagkukwento habang nag-aantay madownload ng mga gameboy advance games! hehe, libre! (online charge not included) pero tignan mo, magkano ba ang isang cartridge? tapos isang laro lang, teka, magkano ba ang isang gameboy? hehe=) wala rin kasi ako, hehe.

naruto yung dinadownload ko, hehe=)

nasa likod ko ata si annamae, pero hindi ako sigurado. nakita ko lang yung screen niya, nasa crs. konti lang naman siguro ang up dito sa sta. maria at mapapadpad dito sa dulong bayan. malaki ang tsansa na siya yun. kaya lang, hindi nga ako sigurado, nakatalikod kasi, hehe.

titignan ko na lang kapag aalis na siya. hehe, medyo matagal pa yung download ko. ang dami e, pero baka tumigil din ako pagkatapos ng dalawa pa. bukas naman.

bale si joanne na lang ang hindi ko nakikita, hehe=) panigurado hindi na unaffacted ang title nun pag nagpost ako. baka, siguro.

65% na yung naruto, konti na lang. Nakakaasar kasi ang pwede lang magpa-enlist ngayon ay ang mga estudyante ng tri-college. CAL, CSSP at CS. bukas pa kami, ENG’G. Madadaya silang lahat, hehe=) sayang ang punta ko sa maynila. medyo malayo run ang nilakad ko.

76% na. gusto ko nang umuwi dahil nagugutom na ako. hindi pa ako kumakain.

hehe, wala talaga akong masabi kaya kung anu-ano na lang. oo nga pala, may ongoing project ako. check mo na lang. komski komander isang midterm project. para sa bakasyaon na ito na hindi naman talaga bakasyon dahil mag-eenrol ako ng math. wala lang. isang file manager na parang windows explorer. medyo ok lang yang gui kaya lang ay yung mga functions ang problema, yung cut, paste, move, tas open, hehe=) pero midterm lang ang project na yan. sana matapos ko sa implied deadline na ako rin ang nag-set. launching sa last week of may, hehe. ang distribution name, “komski komander”, ang korny. pero malay mo sumikat. uy, 93% na, malapit na, malapit na rin akong umalis.

sige, humahaba na itong post na ito=)

salamat nga pala sa mga bumati sa aking kaarawan, konti lang naman, tatlo=) (excluded ang mga kasambahay ko siyempre)