2 years, 9 months ago by komski eto ako ngayon, nasa dulong bayan, sa isang computer shop. nagkukwento habang nag-aantay madownload ng mga gameboy advance games! hehe, libre! (online charge not included) pero tignan mo, magkano ba ang isang cartridge? tapos isang laro lang, teka, magkano ba ang isang gameboy? hehe=) wala rin kasi ako, hehe.
naruto yung dinadownload ko, hehe=)
nasa likod ko ata si annamae, pero hindi ako sigurado. nakita ko lang yung screen niya, nasa crs. konti lang naman siguro ang up dito sa sta. maria at mapapadpad dito sa dulong bayan. malaki ang tsansa na siya yun. kaya lang, hindi nga ako sigurado, nakatalikod kasi, hehe.
titignan ko na lang kapag aalis na siya. hehe, medyo matagal pa yung download ko. ang dami e, pero baka tumigil din ako pagkatapos ng dalawa pa. bukas naman.
bale si joanne na lang ang hindi ko nakikita, hehe=) panigurado hindi na unaffacted ang title nun pag nagpost ako. baka, siguro.
65% na yung naruto, konti na lang. Nakakaasar kasi ang pwede lang magpa-enlist ngayon ay ang mga estudyante ng tri-college. CAL, CSSP at CS. bukas pa kami, ENG’G. Madadaya silang lahat, hehe=) sayang ang punta ko sa maynila. medyo malayo run ang nilakad ko.
76% na. gusto ko nang umuwi dahil nagugutom na ako. hindi pa ako kumakain.
hehe, wala talaga akong masabi kaya kung anu-ano na lang. oo nga pala, may ongoing project ako. check mo na lang. komski komander isang midterm project. para sa bakasyaon na ito na hindi naman talaga bakasyon dahil mag-eenrol ako ng math. wala lang. isang file manager na parang windows explorer. medyo ok lang yang gui kaya lang ay yung mga functions ang problema, yung cut, paste, move, tas open, hehe=) pero midterm lang ang project na yan. sana matapos ko sa implied deadline na ako rin ang nag-set. launching sa last week of may, hehe. ang distribution name, “komski komander”, ang korny. pero malay mo sumikat. uy, 93% na, malapit na, malapit na rin akong umalis.
sige, humahaba na itong post na ito=)
salamat nga pala sa mga bumati sa aking kaarawan, konti lang naman, tatlo=) (excluded ang mga kasambahay ko siyempre)