…just one of those days…

No Comments » April 10, 2006 » 1573 days ago
emo daw

naramdaman mo na ba na parang wala kang silbi sa mundong ito? ung tipong, kahit mawala ka naman eh patuloy pa rin ang takbo ng buhay ng ibang tao.. na di ka naman kawalan kaya ok lang na mawala ka.. ung tipong ganon.. naramdaman mo na ba?nandito ako ngayon sa trabaho, naka-online sa YM, nagbabaka-sakaling may mga kaibigan akong pwedeng makausap.. meron naman akong nakausap.. pero parang wala lang.. di na katulad ng dati.. nalungkot tuloy ako.. pano pala kung paguwi ko eh parang wala lang.. na nagbago na lahat.. baka umasa lang ako na magiging masaya pero di naman pala..

malungkot ako.. gusto ko lang ng kausap.. saka bakit ganon sila? di ako mayaman para magexpect sila ng kung anu-ano galing sa akin.. nagpumilit lang akong umuwi.. pasalubong.. pasalubong.. obligado ba ko? di naman diba? bakit ako nagiisip ng ganito? siguro dahil gusto ko rin silang bigyan pero imposible naman dahil ang dami nila.. gudluck naman! elementary friends, highschool friends, college friends, bestfriends.. ang dami.. kung lahat sila bibigyan ko, sana di na lang umuwi..

bakit nga ba ako uuwi? para makasama sila.. ung maibalik man lang ung dating samahan.. sobrang miss ko na sila!!! pero parang nagbago na.. sila ung nagsasabi na ako raw ang magbabago eh feeling ko sila tong nagbago.. hay.. sa halip na maging maganda ang paguwi, ganito naman.. just one of those days talaga…….

*sensya po sa post.. kailangan lang ng outlet.. sensya….*

ayoko..

No Comments » April 9, 2006 » 1574 days ago
Uncategorized

aba.. aba.. aba..

himala.

matagal-tagal na rin akong di nakakapagpost.. nakakamiss din pala talaga ang buhay ko dito sa WWW.. ano bang bago? hmmmm….

masaya ako dahil after 11 months (tama ba?) eh makakauwi ako ng pinas! parang ang tagal ko na dito eh no.. la lang, just the thought na makakagala ulit ako kasama ang mga kaibigan ko, na makakaranas ulit ako ng trapik, makakasakay ng jeep, at kung anu-ano pa eh parang gusto ko nang hilahin ang kalendaryo para MAY na! buti na lamang at napakabait ng aking bossing.. sobrang thankful talaga ko.. kahit na 3 weeks lang, ok na rin.. hay.. excited!!! kahit mga kaibigan ko sobrang masaya.. sa wakas makakapunta na ko ng Tagaytay! (opo, di pa ko nakakapunta ng Tagaytay) kaso lang, may nabasa akong message sa friendster.. and ito ang sabi..

Date: Saturday, April 08, 2006 11:11:00 PM

Subject: hi

Message: ikaw ba yung nasa pic??ang taba mo nman!!!
musta??anong balita???sino n ba sa batch ntin ang happily married???balita ko meron daw ah..
mis u and take care!!

ang mensahe ay galing sa isang kaklase noong highschool.. di ko alam kung anong ire-reply ko o kung magrereply pa rin ba ako.. tumaba talaga ko.. hiyang ata dito eh, pero ang sakit lang lalo na ung mga linyang “ikaw pa ung nasa pic? ang taba mo naman!!!” talagang 3 exclamation point? expected ko na yan galing sa mga kaibigan ko.. pero bakit naman ganon? feeling ko tuloy parang sobrang taba ko na, na sobrang pangit.. ung tipong ganon.. ok, exaggerated lang pero may puso naman ako.. nasasaktan.. hay aun.. kailangan na talagang magpapayat….

unaffected

No Comments » April 7, 2006 » 1576 days ago
Uncategorized

nakita ko si maala nung linggo, sa may lolomboy. Ang galing,siguro mga dalawang taon na kaming nagtitinda doon pero ngayon ko lang siya nakita. pero parang wala lang.

parang hindi niya ako kilala, o baka nakalimutan na niya ako. Dahil kahit man lang konting lingon ay wala akong natanggap=) ewan ko kung bakit ganun. parang hindi niya ako kakilala o baka nakalimutan na niya ako, hehe.

hindi naman aasahan na ako ang unang babati dahil hindi naman ako ganuon. hindi naman ako ganun pero bakit kahit tingin man lang ay wala.

wala naman ata kaming atraso sa isa’t-isa. hmm, o baka tinuturing niya na atraso ang mga nagawa ko dati. dati, sabi ko nga, dati. at wala akong maisip kaagad na dahilan para hindi kami magpansinan.

isa’t kalahating taon ko siyang hiindi nakita. mahigit pa don ang panahong hindi ko siya nakausap ng harapan. pero masyado na bang matagal yon para makalimutan na niya ako?

o baka dahil hindi pa niya ako nakakalimutan kaya hindi kami nagpansinan? hmmm. wala lang, naikwento ko lang na nakita ko si maala nung linggo, sa may lolomboy.

habang nagtitinda ako sa may tiangge at kumakanta pa ng narda ng kamikazee.

pero parang wala lang, parang hindi kami magkakilala. medyo tinignan pa nga ako ng tatay ko kasi baka namukhaan niya si maala, kakilala kasi niya yun, kasi naisama na sa kwento dati, hehe=) pero buti na lang, buti na lang talaga at sinarado niya ang kanyang bibig nung linggo. buti na lang talaga, dahil baka mamya ay tawagin niya bigla kunwari at alokin na bumili sa amin.

dumaan pa siya sa aking harapan pero parang wala lang. mahaba na ang kanyang buhok na naka-ponytail, naka-stripes na blue at off-white ata na pantalon, kasama ang kanyang mame (ganun ata ang tawag niya sa mommy niya) at mukhang galing sa simbahan. linggo kasi. pero parang wala lang.

ewan ko rin kung bakit. o baka sinasabi ko lang na hindi ko rin alam, o baka hindi ko alam talaga, ewan. magulo nga talaga ata ako, hehe=) pero medyo hindi nakakatuwa.

holy week

No Comments » April 5, 2006 » 1578 days ago
Uncategorized

kailangang magpakabait na..

sorry po sa mga kasalanan ko..

thank you po sa lahat ng blessings..

ay lab yu!

No Comments » April 3, 2006 » 1580 days ago
inlove

katatapos lang nating magusap. syempre, dahil 8am pa lang sa pinas, binulabog na naman kita. kahit walang kakwenta-kwenta ang mga pinaguusapan natin, ok lang. basta makausap kita. basta marinig ko lang boses mo. ang babaw pero yan ang totoo. mula nung magkahiwalay tayo, tanging telepono na lamang ang tanging nagbubuklod sa atin. mas maging close pa nga ata tayo ngayon diba? ang dami mo na rin kasing kwento di tulad noon.kanina habang kausap kita, pansin ko tawa ka ng tawa. syempre, tuwang-tuwa ka na naman dahil nakausap mo ko. ako rin naman, masaya ako. parang nawawala na ung pagod ko sa buong araw. parang kumpleto na. sa bawat minutong kausap kita, wala akong pakialam sa ibang tao, sa paligid ko. ikaw lang at ang boses mo ang tanging mahalaga. sa isang oras na kausap kita, tumitigil ang mundo. kung pwede lang na lagi kitang kausap, pero di naman.

marami din tayong mga pag-uusap na medyo nagaway tayo. medyo di tayo nagkaintindihan, pero di natin hinahayaang lumipas ang araw na di ito naaayos. salamat. salamat dahil hanggang ngayon ay nandyan ka pa rin para sa akin. natatagalan mo ang mga kadramahan ko sa buhay. mahal mo nga ako. mahal na mahal. ramdam ko naman kahit na malayo ka sa akin. at ganon din ako sayo, mahal na mahal kita.

at sa nalalapit nating pagkikita, di na talaga maitago ang kasiyahan ko. kahit na “in denial” ka pa rin hanggang ngayon, alam ko namang masaya ka rin, ayaw mo lang na umasa masyado tapos di naman ako makakauwi. naiintindihan kita. mahirap talagang umasa. mahirap din mangako pero ito lang, gagawin ko! mamahalin kita.. ng buong puso.. at alam mo yan. tiwala lang diba?

tapos na tayong magusap, pero may ngiti pa rin sa aking labi. masaya na naman ako. alam ng mga tao dito kung sino ung kausap ko ng 1 oras. kilala ka na nila. isang buwan na lang makikita na kita. at sa pagkikita nating muli, di ko na kailangan ng telepono para ipadama ang pagmamahal ko sayo.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.