unaffected

Posted almost 6 years ago Uncategorized

nakita ko si maala nung linggo, sa may lolomboy. Ang galing,siguro mga dalawang taon na kaming nagtitinda doon pero ngayon ko lang siya nakita. pero parang wala lang.

parang hindi niya ako kilala, o baka nakalimutan na niya ako. Dahil kahit man lang konting lingon ay wala akong natanggap=) ewan ko kung bakit ganun. parang hindi niya ako kakilala o baka nakalimutan na niya ako, hehe.

hindi naman aasahan na ako ang unang babati dahil hindi naman ako ganuon. hindi naman ako ganun pero bakit kahit tingin man lang ay wala.

wala naman ata kaming atraso sa isa’t-isa. hmm, o baka tinuturing niya na atraso ang mga nagawa ko dati. dati, sabi ko nga, dati. at wala akong maisip kaagad na dahilan para hindi kami magpansinan.

isa’t kalahating taon ko siyang hiindi nakita. mahigit pa don ang panahong hindi ko siya nakausap ng harapan. pero masyado na bang matagal yon para makalimutan na niya ako?

o baka dahil hindi pa niya ako nakakalimutan kaya hindi kami nagpansinan? hmmm. wala lang, naikwento ko lang na nakita ko si maala nung linggo, sa may lolomboy.

habang nagtitinda ako sa may tiangge at kumakanta pa ng narda ng kamikazee.

pero parang wala lang, parang hindi kami magkakilala. medyo tinignan pa nga ako ng tatay ko kasi baka namukhaan niya si maala, kakilala kasi niya yun, kasi naisama na sa kwento dati, hehe=) pero buti na lang, buti na lang talaga at sinarado niya ang kanyang bibig nung linggo. buti na lang talaga, dahil baka mamya ay tawagin niya bigla kunwari at alokin na bumili sa amin.

dumaan pa siya sa aking harapan pero parang wala lang. mahaba na ang kanyang buhok na naka-ponytail, naka-stripes na blue at off-white ata na pantalon, kasama ang kanyang mame (ganun ata ang tawag niya sa mommy niya) at mukhang galing sa simbahan. linggo kasi. pero parang wala lang.

ewan ko rin kung bakit. o baka sinasabi ko lang na hindi ko rin alam, o baka hindi ko alam talaga, ewan. magulo nga talaga ata ako, hehe=) pero medyo hindi nakakatuwa.

holy week

Posted almost 6 years ago Uncategorized

kailangang magpakabait na..

sorry po sa mga kasalanan ko..

thank you po sa lahat ng blessings..

ay lab yu!

Posted almost 6 years ago inlove

katatapos lang nating magusap. syempre, dahil 8am pa lang sa pinas, binulabog na naman kita. kahit walang kakwenta-kwenta ang mga pinaguusapan natin, ok lang. basta makausap kita. basta marinig ko lang boses mo. ang babaw pero yan ang totoo. mula nung magkahiwalay tayo, tanging telepono na lamang ang tanging nagbubuklod sa atin. mas maging close pa nga ata tayo ngayon diba? ang dami mo na rin kasing kwento di tulad noon.kanina habang kausap kita, pansin ko tawa ka ng tawa. syempre, tuwang-tuwa ka na naman dahil nakausap mo ko. ako rin naman, masaya ako. parang nawawala na ung pagod ko sa buong araw. parang kumpleto na. sa bawat minutong kausap kita, wala akong pakialam sa ibang tao, sa paligid ko. ikaw lang at ang boses mo ang tanging mahalaga. sa isang oras na kausap kita, tumitigil ang mundo. kung pwede lang na lagi kitang kausap, pero di naman.

marami din tayong mga pag-uusap na medyo nagaway tayo. medyo di tayo nagkaintindihan, pero di natin hinahayaang lumipas ang araw na di ito naaayos. salamat. salamat dahil hanggang ngayon ay nandyan ka pa rin para sa akin. natatagalan mo ang mga kadramahan ko sa buhay. mahal mo nga ako. mahal na mahal. ramdam ko naman kahit na malayo ka sa akin. at ganon din ako sayo, mahal na mahal kita.

at sa nalalapit nating pagkikita, di na talaga maitago ang kasiyahan ko. kahit na “in denial” ka pa rin hanggang ngayon, alam ko namang masaya ka rin, ayaw mo lang na umasa masyado tapos di naman ako makakauwi. naiintindihan kita. mahirap talagang umasa. mahirap din mangako pero ito lang, gagawin ko! mamahalin kita.. ng buong puso.. at alam mo yan. tiwala lang diba?

tapos na tayong magusap, pero may ngiti pa rin sa aking labi. masaya na naman ako. alam ng mga tao dito kung sino ung kausap ko ng 1 oras. kilala ka na nila. isang buwan na lang makikita na kita. at sa pagkikita nating muli, di ko na kailangan ng telepono para ipadama ang pagmamahal ko sayo.

ang daldal!

Posted almost 6 years ago Uncategorized

ice age 2ICE AGE 2: The Meltdown

Another sequel… another movie that I really loved..

after how many months na di nakapanood ng sine, sa wakas.. at least may ilalagay na ako sa surveys kapag may tanong na LATEST MOVIE YOU’VE WATCHED..

nanood kami ngayon ng mga kapatid ko ng Ice Age 2.. inabangan namin talaga ni Mina kasi napanood namin ung Ice Age..  kakatawa.. kakaaliw.. it was worth every penny.. dapat nga di pa kami manonood dahil sa magaling kong kapatid na lalaki.. sinundo kasi namin sya sa trabaho, eh anong petsa na, di pa rin nago-out.. pero buti na lang at umabot pa rin kami.. :) ganda talaga.. panay bata ung mga nanonood.. english ng english! hahaha.. ang iingay nga eh.. nakiingay naman kami dahil ang lakas naming tumawa at nagtatagalog pa kami.. feeling ko nga nagtataka na ung mga katabi namin.. baka akalain nilang minumura na namin sila..

naalala ko tuloy ung Ice Age.. napanood ko rin un sa sinehan.. kasama ko sila Raych at Carlo.. may EB si Raych nun with Bettina and another girl.. im so sorry, nakalimutan ko ung name nya! nakalimutan ko na rin kung saang cinema.. kaaliw lang.. :)

********************

ang taba ko na daw! :( di na nga ako kumakain ng marami, mataba pa rin? ano na ang gagawin ko? well, i admit, i gained 20 lbs. since we moved here in San Antonio.. di ko nga alam kung anong meron dito.. bakit ang lalaki ng mga tao! kailangan nang magpapayat! kailangan!

********************

tapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition.. I knew Keanna Reeves will win.. sayang, gusto ko pa namang manalo si John.. di namin napapanood dito sa TFC ang Pinoy Big Brother.. kaya’t di ko alam kung anong meron sa show na un.. ano bang ginagawa nila? bakit may votes? di ko talaga alam! tapos, may nagsabi pa na, may Pinoy Big Brother daw ulit.. mga teenager naman?! makasali nga! hehehe.. para maging katulad ni Sam Milby.. hehehe.. kaso, feeling ko di ako magiging magaling na artista at di ko rin alam kung magiging maganda ang labas ko sa telebisyon.. wag na lang..

nakita ko to sa pinoybigbrother.com… conversation nila Zanjoe at Bianca, saka si Budoy.. naguluhan ako!

Zanjoe ask Bianca: “GUSTO MO O AYAW MO?”

Zanjoe ask: AYAW MO O GUSTO MO?…

Budoy kulit, TAMA BA O MALI…. MALIIT BA O MALAKI?… MAGASPANG O MAKINIS?…

Bianca: NAGTATANONG KA BA? SINABI KO NA AH… ALAM MO ANG SAGOT SA SARILI MONG TANONG?…

Zanjoe: ANO NGA?

Zanjoe: GUSTO?…

Bianca: KUNG ANO MAN ANG FEEL MONG SAGOT?…

Zanjoe: inulit ulit tanong, GUSTO MO AYAW MO?…

Bianca: ALAM MO NA ANG SAGOT SA SARILI MONG TANONG… WAG KA NG MAKULIT…

Zanjoe: GUSTO?…

Budoy kulit, sing GUSTO GUSTO GUSTO GUSTO!…

ano ba talaga? sila na ba? intrigera no? hehehe..

*******************

1:40am na… actually, dapat eh 12:40 pa lang.. well, dahil sa daylight saving time, nag-adjust ng isang oras.. hanggang ngayon, di ko pa rin alam ang tunay na dahilan nito.. kapag spring, one hour ahead.. kapag naman fall, babalik naman ng isang oras.. i did some research at ito ang nakuha ko..

Daylight saving time (DST), often referred to as daylight ’savings’ time, is a widely used system of adjusting the official local time forward, usually one hour, from its official standard time for the duration of the spring and summer months. This is intended to provide a better match between the hours of daylight and the active hours of work and school. The “saved” daylight is spent on evening activities which get more daylight, rather than being “wasted” while people sleep past dawn.

DST is most commonly used in temperate regions, due to the considerable variation in the amount of daylight versus darkness across the seasons in those regions.

Governments often tout it as an energy conservation measure, on the grounds that it allows more effective use of natural sunlight resource in summer time. (People go to bed and wake up earlier, which reduces use of electric lights.)

energy conservation pala.. ahhhh… ganon? di ko pa rin ma-gets kung bakit nila ginagawa un.. hay, may mga bagay talaga na hinahayaan na lang.. at isa ito sa mga iyon..

****************

abril na.. next month, MAY na.. :) yehey!!! im going back home!!!!! :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.