tagay mula kay masterbentong

2 Comments » May 31, 2006 » 1387 days ago
meme

tagay muna! :)

Instructions:

Remove the blog in the top spot from the following list and bump everyone up one place. Then add your blog to the bottom slot, like so.

1. Superblessed

2. In My Pocket

3. Experimental ni jong

4. Masterbetong’s on-going journey

5. My Online Hub.

Next, select five people to tag:
1. ate pipay

2. sky

3. ola6uv

4. jaja

5. bestpolicy

And now the questions…

* What were you doing 10 years ago?

highschool pa lang ako eh.. la na ko masyadong maalalang alaala noong highschool.. ang alam ko, jologs pa rin ako tulad ngayon pero di nga lang masyadong addict sa computer at pagba-blog.

* What were you doing 1 year ago?

dito na ko sa tate.. gustong gusto kong umuwi..

* Five snacks you enjoy:

1. flat tops

2. kahit anong tsitsirya

3. sa ngayon, gustong-gusto ko ung double cheeseburger ng MCDO.. ewan ko ba kung bakit!

4. piaya (na dala namin galing pinas)

5. corndog

* Five songs to which you know all the lyrics:

1. alipin – shamrock

2. grow old with you – adam sandler

3. power of two – indigo girls

4. kahit anong kanta ng sugarfree dahil paulit-ulit na pinapatugtog ko un!

5. wag na wag mong sasabihin – kitchie nadal.. :)

* Five things you would do if you were a millionaire:

1. unang-una, uuwi muna ako ng pinas tapos dun ako magpapatayo ng bahay.. para sa akin at

2. bahay para kina mama…

3. negosyo? siguro..

4. shopping! hahaha….

5. shopping ulit….

* Five bad habits:

1. nagmumura ( ung tamang kapag nagugulat.. nasasabi ko “ay, p*ta!”)

2. kapag depressed ako, kain ng kain..

3. sobrang paranoid!

4. sobrang seryoso.. minsan..

5. maramdamin…

* Five things you like doing:

1. magpost sa blog ko

2. magtawag ng mga kaibigan

3. ayusin ng ayusin ang ayos ng kwarto ko

4. habang nagso-soundtrip

5. asarin ang mga kapatid ko

* Five things you would never wear again:

1. malalaking t-shirt na pang-lalaki

2. high-heeled shoes.. (once lang siguro un, at sobrang sumakita talaga ang paa ko!)

3. siguro ung, slacks ko na masikip na.. malamang! hhahaha..

4. sobrang fitted na shirts

5. di naman “never” ayoko lang ng mga bestida.. nung debut ko nga, naka-pants ako eh.. hehehe…

* Five favorite toys:

1. nemo stuff toy

2. my computer

3. iPOD

4. cellphone

5. TV!? hehehe

Episodes

No Comments » May 30, 2006 » 1388 days ago
Uncategorized

episode 1: dunkin lady

“bili ka na ng donut=)”

nakita niya ako bigla pagkalampas sa mga hilera ng mga nakasabit na bag at agad naman niya akong inalok ng matatamis na donut.

matamis na parang kanyang mga ngiti, na nakakahawa dahil hindi ko rin napigilang mapangiti nang makita siya,

si dunkin lady.

naalala ko ang tulang hinabi ko sa nalalanghap na asukal at gatas, ng strawberry filling at choco butternut toppings

“magkano ba ang isa?”

ang naitanong ko habang pinipilit maging palakaibigan sa dalaga

“dose lang ang isa=)”

“dose? kasama na ba dun ang pangalan mo?”

episode 2: koko crunch

hindi naman talaga kakailanganin ng isang joke para lang ako mangiti sa tuwing magtetext ka sa akin

makita ko lang ang pangalan mong lumitaw pagkabukas ko ng inbox ng phone ay agad nang gumuguhit ang ngiti sa aking mga labi=)

naaalala mo pa rin pala ako kahit paminsan-minsan=) ano pa kaya ang sumasagi sa isip mo’t tinitext mo pa rin ako.

baka wala.

episode 3: tawad naman

kahit medyo malayo ang kanilang pwesto sa maliit ng tianggian na ito, hindi ko pa rin maiwasang mapatingin sa iyo, kahit mapansin mo

o baka gusto ko talagang mapansin mo.

“magkano to?”
“120 yan, yung mahaba”

“pwedeng 100 na lang?”
“gusto mo 80 na lang, pero kasamang pangalan mo”

“haha=)”
“seryoso”

hindi ba ako mukhang seryoso? o baka dahil sa hindi ko naman talaga nasabi ang mga katagang yun kaya hindi ko pa rin alam ang pangalan mo hanggang ngayon?

ano ba ang meron sa pangalan? e hindi naman kita makikilala sa iilang salita lamang

pero ibibigay nito ang pagkakataong matawag ka, ang masambit ang iyong ngalan, ang makuha ang iyong atensyon

ano ba ang dapat kong gawin para makilala ka?

episode 4: naaalala

“kayo pa rin ba?”
“oo”

“sana malaman ko kung hindi na kayo”
“hindi naman ata kailangan”

“pasensya na”
“pasensya na rin”

salamat at nakilala kita
akin ka na lang sana
pero ayaw mo pala talaga sa akin, [name]

adik sa piktur

1 Comment » May 30, 2006 » 1388 days ago
blabbers



hahaha! la lang.. :)

pare!

4 Comments » May 30, 2006 » 1388 days ago
inlove

naku, mukhang mahaba-haba ang post ko na ito! kahit one word lang ang title, ang dami kong kwento… pare.. pare.. pare…

sikat na ata ang pare ko.. :) kakaaliw lang dahil pati mga online friends ko eh kinikilig sa lab istory namin.. to think na hindi naman nila kilala ang pare ko.. siguro dahil na rin sa mga post ko dati.. siguro nga, nakilala na rin nila ang mahal ko….

isang pag-uusap sa celphone bago umalis….

ate jigi: o ano, nakapgimpake ka na ba? la ka na bang naiwan?

karmi: opo ate, la na.. naayos na rin ung mga bilin ni mina..

ate jigi: eh ung puso mo? baka maiwan mo ha…

karmi: *di nakasagot*

wow! di ako nakasagot… bakit ganon? ok na nga eh…. parang ayoko na tuloy umalis.. tama ung pinsan ko.. naiwan ko nga ung puso ko.. naiwan ko sa isang taong gusto ko na ring makasama habang buhay.. mahirap.. sobrang hirap pero di naman pwedeng pabigla-bigla.. gusto ko ring magpaiwan pero ano naman ang mangyayari? maganda pa rin ung may plano.. sabi na rin ng pare ko un.. 2008.. malay natin.. bahala na.. mahirap mangako, dahil di naman sigurado.. walang kasiguraduhan pero umaasa pa rin ako na kami ngang 2 ang magkasama…

sa 3 weeks na stay ko sa pinas, masasabi kong mas nakilala ko sya.. naging open, madaming kwento.. dahil na rin siguro, sobrang namiss ang isa’t-isa.. parating magkasama na parang kulang pa rin ang isang araw.. kulang.. sobrang kulang…. pero sabi nga ng pare ko, no regrets! ang saya! super duper saya! di ko rin akalain na magiging ganito kami ka-close.. akala ko, magkakailangan, magbabago.. pero hindi.. mabuti rin un! :)

hanggang sa last day ko, magkasama kami.. tamang kwentuhan, kulitan.. sa tuwing naaalala ko ung mga times na kasama ko sya, napapangiti na lang ako.. ung tipong gusto mong pumunta sa isang sulok, pumikit at ngumiti.. baka kasi pagkamalang baliw.. ang sayang alalahanin lahat.. lahat ng lugar na napuntahan, mga kwento, mga kulitan, mga problemang inisipan ng solusyon, mga pagseselos na di maiiwasan… wala akong itatapon…

sa ngayon, sobrang miss ko na pare ko.. ung tipong, di na sapat ang makausap lang sa telepono.. gusto ko na syang mayakap at mahalikan.. masabihan ng iloveyou sa tenga.. ang korny ko na nga eh.. pero aus lang, in lab naman kasi.. :) korny talaga kapag inlab!

alam ko, mababasa ng pare ko ‘to.. sasabihin na naman nun na “low profile” lang daw sya.. hehehe.. sorry ka pare ko, sikat ka na..:) iloveyou!!!!

*kanta mode*

ALIPIN

by: Shamrock

di ko man maamin
ikaw ay mahalaga sa akin
di ko man maisip
sa pagtulog ikaw ang panaginip

malabo man ang aking pag-iisip
sana’y pakinggan mo
ang sigaw nitong damdamin

chorus:
ako’y alipin mo kahit hindi batid
aaminin ko minsan ako’y manhid
sana ay iyong naririnig
sa ‘yong yakap ako’y nasasabik

ayoko sa iba
sa yo ako ay hindi magsasawa
ano man ang yong sabihin
umasa ka ito ay diringgin

madalas man na parang
aso at pusa giliw
sa piling mo ako ay masaya

chorus:

ako’y alipin mo kahit hindi batid
aaminin ko minsan ako’y manhid
sana ay iyong naririnig
sa ‘yong yakap ako’y nasasabik

pilit mang abutin ang mga tala
basta sa akin wag kang mawawala…

ako’y alipin mo kahit hindi batid
aaminin ko minsan ako’y manhid
sana ay iyong naririnig
sa ‘yong yakap ako’y nasasabik
pagkat ikaw lang ang nais makatabi
malamig man o mainit ang gabi
nais ko sanang iparating
na ikaw lamang ang aking iibigin

pare…. alam mo ba na mahal na mahal kita? :)

ang aking paglalakbay….

No Comments » May 30, 2006 » 1388 days ago
blabbers, homesickness

hmmmmm…. kakaaliw lang isipin na nakauwi talaga ako ng pinas.. nakabalik sa buhay ko dati.. la namang nagbago.. actually, la naman talaga.. siguro, dumami lang ang mga mall, dumami ang tao, lumiit ang mga kalsada, tumaas ang pamasahe pero ganon pa rin.. di ko inisip ang problema ng bansa… parang di ako umalis ng matagal na panahon…

airport pa lang, ramdam mo na nasa pinas ka na.. dati rati, sa TV ko lang napapanood ung mga balikbayan, ngayon, isa na ko sa mga un.. iba talaga ang feeling.. sobrang saya! tapos, may mga kumakanta pa.. ung tamang harana! hehehe.. di mawala sa aking labi ang ngiti.. nasa pinas na naman ako.. makakagala na naman, makikita ang mga kaibigan.. kahit 1 taon pa lang akong nawawala, feeling ko, ang tagal na nun.. sobrang hindi!

naging maayos naman ang pag-stay ko sa pinas.. tamang araw-araw ang gala.. sinulit.. laging umaga umaalis tapos gabi na uuwi.. napapagalitan, pero aus lang… minsan lang naman ako makakauwi.. saka sobrang na-miss ko rin ung mga tao, lugar.. na-miss ko ang pinas!!!! isang araw lang ata ako tumambay lang sa bahay.. sakit-sakitan portion pa kasi nun.. sabi nga ng kapatid ko, wag ko daw damdamin ung sakit, minsan lang daw uuwi ng pinas.. tama nga naman sya.. sobrang limitado ng oras at araw.. parang ayoko nang matapos bawat araw.. pero syempre, di naman pwedeng ganon..

bawat simula ay may wakas.. bawat saya ay may lungkot.. walang pagsisisi.. sobrang saya ko sa aking muling paguwi… finally im home ang drama!

walang iyakan.. bakit?

dahil uuwi rin naman ako next year… :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.