balik eskwela

No Comments » May 2, 2006 » 1160 days ago
blabbers

nandito ako ngayon sa library.. sinamahan ko kasi ang aking kapatid na mag-enrol.. sakto, may katapat na library, kaya’t naisipan naming tumamabay muna habang naghihintay ng bus.. namiss ko tuloy ang dati kong paaralan..

sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ay grumaduate, 2 taon na ang nakalipas.. at nang tumungtong ako sa paaralang papasukan ng aking kapatid, di ko mapigilang magbalik-alaala.. ang dami kong naalala.. mga kaklase, mga gurong masipag magturo, mga gurong di naman tamad pero tamang makwento lang para maubos ang oras, mga dating tambayan at kung anu-ano pa.. ito’y mga alaalang di na mawawala sa aking isipan… di ko rin mapigilang ikumpara ang dati kong eskwelahan sa eskwelahan dito…

oo nga’t maganda ng eskwelahan nila dito, air conditioned ang mga kwarto, malalaki ang mga silid, siguro ay masisipag magturo ang mga teacher.. malaking kaibahan sa aking pinasukan.. pero parang mas masaya pa rin ako dahil sa PUP ako nakapagtapos.. pano kaya kung itinuloy ko ang kolehiyo ko dito.. parang hindi masaya.. parang kulang… naiisip ko pa lang na kailangang mag-english ka dahil mga kano ang kaklase ko eh natatakot na ko.. hehehe.. ewan ko ba..

isa lang ang naisip ko.. buti na lang naka-graduate na ko sa pinas.. :) buti na lang at pinatapos muna ako bago ako pumunta dito.. buti na lang.. :)

pag-aayos ng bahay…

2 Comments » May 2, 2006 » 1160 days ago
blog update

ayan, medyo nilalagyan ko na ulit ng palamuti ang aking bahay.. unti-unti na rin akong magiging at home dito..

di ko alam kung anong dahilan kung bakit nawala ung isa kong blog.. may nagawa ba akong mali? di ko alam.. basta kung ano man un, malalaman ko rin pagdating ng panahon…

madrama.. kung tutuusin, di naman talaga big deal ang nangyari sa akin.. naikwento ko nga lang sa mga kapatid ko ang sabi lang nila:

ate ok lang yan.. palitan mo na lang…

ano ka ba? blog lang yan.. di ka naman mamamatay…

oo nga, madaling palitan.. kayang-kaya mo ngang gumawa ng kahit ilang blog.. pero iba ang point of view nila tungkol dito.. para sa kanila, ang pagbo-blog ay pagaaksaya lang ng oras.. ung tipong bakit mo daw kailangang ikwento sa buong madla ang mga nangyayari sau.. di mo naman daw kaano-ano, binabasa nila.. di nila alam ang aking nadarama sa tuwing may mga taong nagbabasa at bumibisita sa aking lugar.. di kasi nila alam..

ah basta, pagagandahin ko ang bago kong bahay.. no turning backs.. sayang lang talaga ung iba kong post.. sayang na sayang…

ngayon ko napatunayan, NOTHING IS PERMANENT IN THIS WORLD BUT CHANGE….

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.