ayan, medyo nilalagyan ko na ulit ng palamuti ang aking bahay.. unti-unti na rin akong magiging at home dito..
di ko alam kung anong dahilan kung bakit nawala ung isa kong blog.. may nagawa ba akong mali? di ko alam.. basta kung ano man un, malalaman ko rin pagdating ng panahon…
madrama.. kung tutuusin, di naman talaga big deal ang nangyari sa akin.. naikwento ko nga lang sa mga kapatid ko ang sabi lang nila:
ate ok lang yan.. palitan mo na lang…
ano ka ba? blog lang yan.. di ka naman mamamatay…
oo nga, madaling palitan.. kayang-kaya mo ngang gumawa ng kahit ilang blog.. pero iba ang point of view nila tungkol dito.. para sa kanila, ang pagbo-blog ay pagaaksaya lang ng oras.. ung tipong bakit mo daw kailangang ikwento sa buong madla ang mga nangyayari sau.. di mo naman daw kaano-ano, binabasa nila.. di nila alam ang aking nadarama sa tuwing may mga taong nagbabasa at bumibisita sa aking lugar.. di kasi nila alam..
ah basta, pagagandahin ko ang bago kong bahay.. no turning backs.. sayang lang talaga ung iba kong post.. sayang na sayang…
ngayon ko napatunayan, NOTHING IS PERMANENT IN THIS WORLD BUT CHANGE….













kase naman…di nila alam na pag nawala ang blog…nawawala rin ang part of your memory… kaya mo ibalik ang mga post,oo. ( me back up kase ako sa hard disk) pero hindi ung mga comments nila kung saan mme napupulot kang maraming aral! at dun rin nakakulong ang ilang bagay na naghatid sau ng ngiti at pighati..
well, ganyan talaga ang buhay! just make a new one.tama ka there’s no turning back…
pero di ba napredict mo na to dati? na parang mawawala ang blog mo? sana inagahan mo na paglipat…
aus lang yan! cheer up!
go on…. don’t say the word “sayang” – wala sa bokabularyo ko yan.. :) ….
me purpose yun kung bat nawala… pagandahin mo pa lalo tong bahay na to…..