kahapon sobrang sakit ng ulo ko… medyo busy pa kasi after ng aking trabaho, sinamahan ko ang kapatid na mag-enrol.. pang-gabi ako kaya’t pagkalabas ko ng ospital ay tinagpo ko na lang sya sa sakayan ng buas.. sobrang antok na talaga ako kaya naman naisipan kong bumili ng starbucks.. pagkainom, nawala na ang aking antok.. ung tipong parang “high” ka.. di rin naman sya nakapagenrol dahil di pa tapos ung ibang papeles.. sabi eh bumalik na lang daw kami sa biyernes..
pagkatapos sa iskul, ay tumambay kami sa library.. nakakatawa dahil, computer agad ang aking pinuntahan eh samantalang, buong magdamag na akong nakatitig sa computer monitor.. parang tuwang-tuwa pa rin ako dahil makakapaginternet ako.. iba talaga kapag addict..
pagkatapos mag-surf at magbasa ng libro, kumain kami.. gutom.. kaya medyo marami ang nakain.. tapos umuwi na…
pagtungtong ng bahay, nagbihis lang ako at natulog na.. ala-una ata nun.. bandang alas-dos, ginising ako ng aking kapatid.. may problema daw sa iPOD nya.. di kasi nagu-update.. kumplikado.. syempre, to the rescue naman si ate.. nagmagaling pero la pa ring nagawa.. sabi ko na lang na pumunta sya sa Apple Store para ma-check kung ano talaga ang problema.. maga-alas kwatro na nun.. nakapanood na ko ng wowowee, dumating ang aking isa pang kapatid.. di na ko dinatnan ng antok.. pumasok na ako ng kwarto para humiga pero nakita ko ung maleta ko.. kaya naman inayos ko ito.. nilagay ko ung iba pang damit na aking dadalhin.. kaso may problema, ung mga tita ko kasi eh may ipapadala rin para sa kanilang mga anak.. ang bigat tuloy ng dala ko.. bakit ba kasi ang hirap tumanggi?! hay.. pero di naglaon, nagawan naman ng paraan.. alas-sais, nakahiga ako pero di makatulog.. dahil na rin siguro may ka-txt ako at kinukulit ako ni Mina sa kanyang assignment.. sabi ko na lang sa sarili ko, kakain na lang muna ako ng gabihan tapos matutulog na…
la pang alas-siyete, tapos na akong kumain.. sobrang gusto kong matulog pero di talaga ako dapuan ng antok.. parang ang daming laman ng aking isip na feeling ko ang bigat-bigat nito.. pinikit ko ang aking mga mata at sabay iniisip ko na nawawala ang laman ng aking utak.. ung tipong parang balde ng tubig na unti-unting nawawalan ng laman.. walang iniisip na iPOD, computer, maleta.. wala… walang kahit ano ang makakagambala sa akin.. ni kahit tunog hindi ako magigising..
ilang oras ang lumipas…
nakatulog ako.. ang sarap ng tulog.. di ko man lang namalayan na dumating ang aking ina..
tapos, nimulat ko ang aking mata, narinig ko ang pamilyar na boses.. tatay ko.. bakit kaya? sabi na lang nya..
papasok ka ba?
hala! sa sobrang himbing ng tulog ko.. sa kagustuhang makalimutan ang lahat.. muntik na akong ma-late pagpasok sa trabaho….











