episode 1: dunkin lady
“bili ka na ng donut=)”
nakita niya ako bigla pagkalampas sa mga hilera ng mga nakasabit na bag at agad naman niya akong inalok ng matatamis na donut.
matamis na parang kanyang mga ngiti, na nakakahawa dahil hindi ko rin napigilang mapangiti nang makita siya,
si dunkin lady.
naalala ko ang tulang hinabi ko sa nalalanghap na asukal at gatas, ng strawberry filling at choco butternut toppings
“magkano ba ang isa?”
ang naitanong ko habang pinipilit maging palakaibigan sa dalaga
“dose lang ang isa=)”
“dose? kasama na ba dun ang pangalan mo?”
episode 2: koko crunch
hindi naman talaga kakailanganin ng isang joke para lang ako mangiti sa tuwing magtetext ka sa akin
makita ko lang ang pangalan mong lumitaw pagkabukas ko ng inbox ng phone ay agad nang gumuguhit ang ngiti sa aking mga labi=)
naaalala mo pa rin pala ako kahit paminsan-minsan=) ano pa kaya ang sumasagi sa isip mo’t tinitext mo pa rin ako.
baka wala.
episode 3: tawad naman
kahit medyo malayo ang kanilang pwesto sa maliit ng tianggian na ito, hindi ko pa rin maiwasang mapatingin sa iyo, kahit mapansin mo
o baka gusto ko talagang mapansin mo.
“magkano to?”
“120 yan, yung mahaba”
“pwedeng 100 na lang?”
“gusto mo 80 na lang, pero kasamang pangalan mo”
“haha=)”
“seryoso”
hindi ba ako mukhang seryoso? o baka dahil sa hindi ko naman talaga nasabi ang mga katagang yun kaya hindi ko pa rin alam ang pangalan mo hanggang ngayon?
ano ba ang meron sa pangalan? e hindi naman kita makikilala sa iilang salita lamang
pero ibibigay nito ang pagkakataong matawag ka, ang masambit ang iyong ngalan, ang makuha ang iyong atensyon
ano ba ang dapat kong gawin para makilala ka?
episode 4: naaalala
“kayo pa rin ba?”
“oo”
“sana malaman ko kung hindi na kayo”
“hindi naman ata kailangan”
“pasensya na”
“pasensya na rin”
salamat at nakilala kita
akin ka na lang sana
pero ayaw mo pala talaga sa akin, [name]














