pare!

Post Info 2 years, 5 months ago by karmi

naku, mukhang mahaba-haba ang post ko na ito! kahit one word lang ang title, ang dami kong kwento… pare.. pare.. pare…

sikat na ata ang pare ko.. :) kakaaliw lang dahil pati mga online friends ko eh kinikilig sa lab istory namin.. to think na hindi naman nila kilala ang pare ko.. siguro dahil na rin sa mga post ko dati.. siguro nga, nakilala na rin nila ang mahal ko….

isang pag-uusap sa celphone bago umalis….

ate jigi: o ano, nakapgimpake ka na ba? la ka na bang naiwan?

karmi: opo ate, la na.. naayos na rin ung mga bilin ni mina..

ate jigi: eh ung puso mo? baka maiwan mo ha…

karmi: *di nakasagot*

wow! di ako nakasagot… bakit ganon? ok na nga eh…. parang ayoko na tuloy umalis.. tama ung pinsan ko.. naiwan ko nga ung puso ko.. naiwan ko sa isang taong gusto ko na ring makasama habang buhay.. mahirap.. sobrang hirap pero di naman pwedeng pabigla-bigla.. gusto ko ring magpaiwan pero ano naman ang mangyayari? maganda pa rin ung may plano.. sabi na rin ng pare ko un.. 2008.. malay natin.. bahala na.. mahirap mangako, dahil di naman sigurado.. walang kasiguraduhan pero umaasa pa rin ako na kami ngang 2 ang magkasama…

sa 3 weeks na stay ko sa pinas, masasabi kong mas nakilala ko sya.. naging open, madaming kwento.. dahil na rin siguro, sobrang namiss ang isa’t-isa.. parating magkasama na parang kulang pa rin ang isang araw.. kulang.. sobrang kulang…. pero sabi nga ng pare ko, no regrets! ang saya! super duper saya! di ko rin akalain na magiging ganito kami ka-close.. akala ko, magkakailangan, magbabago.. pero hindi.. mabuti rin un! :)

hanggang sa last day ko, magkasama kami.. tamang kwentuhan, kulitan.. sa tuwing naaalala ko ung mga times na kasama ko sya, napapangiti na lang ako.. ung tipong gusto mong pumunta sa isang sulok, pumikit at ngumiti.. baka kasi pagkamalang baliw.. ang sayang alalahanin lahat.. lahat ng lugar na napuntahan, mga kwento, mga kulitan, mga problemang inisipan ng solusyon, mga pagseselos na di maiiwasan… wala akong itatapon…

sa ngayon, sobrang miss ko na pare ko.. ung tipong, di na sapat ang makausap lang sa telepono.. gusto ko na syang mayakap at mahalikan.. masabihan ng iloveyou sa tenga.. ang korny ko na nga eh.. pero aus lang, in lab naman kasi.. :) korny talaga kapag inlab!

alam ko, mababasa ng pare ko ‘to.. sasabihin na naman nun na “low profile” lang daw sya.. hehehe.. sorry ka pare ko, sikat ka na..:) iloveyou!!!!

*kanta mode*

ALIPIN

by: Shamrock

di ko man maamin
ikaw ay mahalaga sa akin
di ko man maisip
sa pagtulog ikaw ang panaginip

malabo man ang aking pag-iisip
sana’y pakinggan mo
ang sigaw nitong damdamin

chorus:
ako’y alipin mo kahit hindi batid
aaminin ko minsan ako’y manhid
sana ay iyong naririnig
sa ‘yong yakap ako’y nasasabik

ayoko sa iba
sa yo ako ay hindi magsasawa
ano man ang yong sabihin
umasa ka ito ay diringgin

madalas man na parang
aso at pusa giliw
sa piling mo ako ay masaya

chorus:

ako’y alipin mo kahit hindi batid
aaminin ko minsan ako’y manhid
sana ay iyong naririnig
sa ‘yong yakap ako’y nasasabik

pilit mang abutin ang mga tala
basta sa akin wag kang mawawala…

ako’y alipin mo kahit hindi batid
aaminin ko minsan ako’y manhid
sana ay iyong naririnig
sa ‘yong yakap ako’y nasasabik
pagkat ikaw lang ang nais makatabi
malamig man o mainit ang gabi
nais ko sanang iparating
na ikaw lamang ang aking iibigin

pare…. alam mo ba na mahal na mahal kita? :)

Post a Response Comment icon Posted May 30th, 2006 at 3:25 am

4 Responses to “ pare! ”

  1. kuya kneeko

    wooow inlababo si mare ah…. hehehe

    di ka ba pinagod ni pare?

    swerte ni pare sau ah….

    hope kayo na sa huli…

  2. karmi

    kuya!!!! hmmmm.. oo nga eh inlababo.. hehehe..

    pinagod? hmmmm.. pinagod ko sya.. hehehe.. kasama ko kasi lagi sa mga lakad ko..

    swerte din ako sa knya! :)

    sana nga kuya.. :)

  3. KaDyo

    kaya nyo yan ni pare hehe nakikipare na rin ako, basta ninong ako ha hindi sa kasal sa baby hehe si kneeko ang bagay na nonong ala al capone nyehehe.
    goodluck sa inyong dalawa ni pare..sige na ng akantahan na lang kita para di ka malungkot

    With a smile by eraserheads.
    lift your head
    baby don’t be scared
    of the things that could go wrong
    along the way
    you’ll get by with a smile
    u can’t win at everything but u can try
    and baby u don’t have to worry
    coz there ain’t no need to hurry
    no one ever said that there’s no easy way
    and when they’re closing all their doors
    and they don’t want u anymore
    this sounds funny but i’ll say it anyway
    girl i’ll stay
    through the bad times
    even if i have to fetch u everyday
    i’ll get by if u smile
    u can never be too happy in this life
    coz in a world where everybody hates
    a happy ending story
    it’s a wonder love can make the world go round
    but don’t let it bring u down
    and turn ur face into a frown
    u’ll get along with a little prayer and a song
    lift yer head
    baby don’t be scared
    of the things that could go wrong along the way
    we’ll get by with a smile
    now it’s time to kiss away
    those tears goodbye

  4. kneeko

    ayan na naman…. ninong daw ako sa kasal nyo sabi ni kadyo wheeew… kakadyoten ko na to eh hehehe

    sige ok lang kahit ninong ako…

    inuunahan na kita.. kuripot ako magbigay… :)

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.