ang aking paglalakbay….

Posted 6 years ago blabbers, homesickness

hmmmmm…. kakaaliw lang isipin na nakauwi talaga ako ng pinas.. nakabalik sa buhay ko dati.. la namang nagbago.. actually, la naman talaga.. siguro, dumami lang ang mga mall, dumami ang tao, lumiit ang mga kalsada, tumaas ang pamasahe pero ganon pa rin.. di ko inisip ang problema ng bansa… parang di ako umalis ng matagal na panahon…

airport pa lang, ramdam mo na nasa pinas ka na.. dati rati, sa TV ko lang napapanood ung mga balikbayan, ngayon, isa na ko sa mga un.. iba talaga ang feeling.. sobrang saya! tapos, may mga kumakanta pa.. ung tamang harana! hehehe.. di mawala sa aking labi ang ngiti.. nasa pinas na naman ako.. makakagala na naman, makikita ang mga kaibigan.. kahit 1 taon pa lang akong nawawala, feeling ko, ang tagal na nun.. sobrang hindi!

naging maayos naman ang pag-stay ko sa pinas.. tamang araw-araw ang gala.. sinulit.. laging umaga umaalis tapos gabi na uuwi.. napapagalitan, pero aus lang… minsan lang naman ako makakauwi.. saka sobrang na-miss ko rin ung mga tao, lugar.. na-miss ko ang pinas!!!! isang araw lang ata ako tumambay lang sa bahay.. sakit-sakitan portion pa kasi nun.. sabi nga ng kapatid ko, wag ko daw damdamin ung sakit, minsan lang daw uuwi ng pinas.. tama nga naman sya.. sobrang limitado ng oras at araw.. parang ayoko nang matapos bawat araw.. pero syempre, di naman pwedeng ganon..

bawat simula ay may wakas.. bawat saya ay may lungkot.. walang pagsisisi.. sobrang saya ko sa aking muling paguwi… finally im home ang drama!

walang iyakan.. bakit?

dahil uuwi rin naman ako next year… :)

sa wakas! :)

Posted 6 years ago blog update, so random

guess who’s back.. back again!!! :)

im so glad to be back..

and daming kwento..

sorry ate neng, panay kwento ang pasalubong ko! hehehe…

dito pa ako work, o diba, workaholic, pagkarating, work agad! kailangan eh.. dahil mahirap na.. baka magdrama lang…

babaguhin ko na rin ang itsura ng aking bahay… sana lang magka-oras… pero babaguhin ko talaga.. at piplitin kong kouanti lang ang typo errrors!!! :)

post lang ako ng pictures namin ng pare ko.. madilim kasi camera phone lang ni sheila.. nasa ortigas kami.. la lang…. :) love you pare!!!!

pare!! pare ko.. pare ko

anino?! hahaha.. hay pare ko…

tapos may slideshow pa si thea nung nagswimming kami.. view nyo na lang.. :)

http://theyz.myphotoalbum.com/slideshow.php?set_albumName=album06

update na lang ako ulit mamaya.. :)

after 10 years….

Posted 6 years ago blog update

after 10 years, nakapag-update din! hehehe..

tinatamad! hahaha.. kulang kasi sa oras.. tamang sa halip na mag-update, gala na lang…

sa 27 na balik ko ng tate.. mabubuhay na naman ang aking onlyn life…

pramis!!!! :)

dahil sa nalalapit na pag-alis..

Posted 6 years ago blog update

di ko alam kung makakapag-internet ako pagdating ng pinas.. aking pipilitin.. pero kung hindi man, sobrang mami-miss ko ang buhay ko dito sa WWW.. marami akong nakilala.. naging kaibigan.. kaya’t habang di ako nakakapagupdate, bisitahin nyo na lang muna sila.. :)

salamat……

habang ako’y wala… bat di ka, makipagkwentuhan sa sirenang naka bakya.. o kaya naman makipagsentihan kay lojika.. makipagkulitan kay ate melai, sabay makikanta kay kukote.. pwede ka ring makisayaw sa shoutbox ni major.. alamin kung sino ang best policy.. makinig sa iPOD este iPOB pala.. bisitahin ang reyna ng mga jologs na may bagong layout.. makipagbasketball kay kneeko kung magaling na ang kanyang pilay.. magbasa ng mga kwento ni kadyo.. bisitahin ang beach ni komski.. makikain sa mga handa ni kuya jlois na ang tagal magupdate dahil “busy” daw.. (peace tau kuya! hehehe.. ) makitambay lang kay lukin.. makibasa sa mga nais isulat ni mistyjoy sa kanyang blog.. bisitahin mo rin sila ola6uv at 19tanQ.. bumili ng fishballs kay alan.. dumalaw sa tsoknatworld ni ghe.. magcomment sa mga post ni jhay sa kanyang four-eyed jornal… maki-tralala kay jinxedgeness.. dumalaw rin sa tahanan ni ate pipay at iyong malalaman na family matters… para wala nang sariling munod si ruthing, puntahan mo na rin… wag umabsent at baka magalit si mam tekla.. ma-inlove sa mga post ni thea.. alamin kung ano ang nangyayari sa araw-araw na buhay ni masterbentong… ma-inform sa mga post ni malaya..

excited na talaga ako.. pansin ba? dahil pangatlong post ko na ata to tungkol sa paguwi ko? tama ba? hehehe.. pangalawa lang ata..

o pano, hanggang dito na lang muna… :)

ito nga pala para sa inyong lahat…

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.