kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with Us

Plugoo: karmi | komski: 1, 2
Y! Messenger: karmi | komski

  • glesy the great: ahehe… kaw naman.. di naman ineng… basta ba may nakakacarry pang magbasa ng post mo okay...
  • joshmarie: isan-libo at isang tears i mean 3 tears para sa Lamentations of a Withered Tin Can ni ron. :) hindi pwede...
  • joshmarie: 3 tears for longing by ice :) hindi pwede na dalawang entry ang bigyan ng 3 tears.
  • dzerom: 2 tears for enday…
  • rio: 3 tears for yods 2 tears for teresa 1 tear for ice gudluck sa lahat ng sumali=)
  • andeng: i vote for enday =) vote counted.

Thank you!

Subscribe to my feed




June 29th, 2006 | inlove

mahal kita dahil iba ka
mahal kita dahil ako’y iyong napapatawa
mahal kita yan ang sabi ng puso ko
mahal kita at di yan magbabagomahal kita di alam kung bakit
mahal kita, puso’y di pinilit
mahal kita dahil yan ang alam ko
mahal kita, mahal kita yan ang totoo

mahal kita at sana’y iyong ramdam
mahal kita, pangako’y di mamamaalam
mahal kita sabi ng puso’t isip ko
mahal na mahal kita, pare ko…

ito ang nangyayari kapag GY shift ka, walang tulog, di makatulog, bored, inaantok, gutom, may hawak na digital camera, at may last song syndrome.. tsk..tsk..tsk… mahirap pala!!! nyahahahaha…

nag-trip na naman.. salamat nga pala sa kanta ng juana.. ang title ay “pansinin mo”…

*babala: wag tularan ang babaeng nasa bidyo.. sya’y kulang lamang sa tulog at gutom.. wag mag-alala, sya naman ay harmless at di nangangagat.. wala rin namang nasaktan habang ginagawa ang nasabing bidyo..*

bagong bahay? sana….

noong nakaraang sabado, pinuntahan namin ung subdivision kung saan nandun ung “bahay” namin.. sana lang ma-approve.. :) picture taking ito!!

*from left to right:

row 1: syempre ako muna! hehehe.. hala ngiti!
house number namin..
row 2: ang aking pamilya.. la nga lang si melo..
lakad-lakad sa subdivision

row 3: mama ko.. THE RIDGE AT LEON VALLEY
kami ni mina.. yan ang aming bahay..

sana lang talaga maging amin na ung bahay!!!! :)

********************

graveyard shift

graveyard shift aka GY ako sa trabaho.. 12:15am-8:45am.. weird nga ung oras eh, pero tinanggap ko pa rin.. dahil tungkol sa computers eh.. kahit anong trabahao basta tungkol sa computer tatanggapin ko.. kaya heto ako ngayon, tulog sa umaga at gising ng gabi.. nung nasa pinas ako, nakapagtrabaho na rin ako ng GY.. medyo natuwa ako dahil pwedeng-pwede akong gumala kahit saan.. uuwi ng 7am tapos matutulog ng 4 na oras tapos gising na maghapon.. pwede pang pumunta ng mall bago pumasok ng trabaho.. in short, mula noong nalaman ko na may GY shift pala, nagustuhan ko na.. isa pa, mas malaki rin ang sweldo!!! :)

kaso may disadvantages din pala ang GY.. dahil nga tulog ka maghapon, la ka nang nagagawa.. parang dumaan lang ang isang araw na tulog ka.. lang kwenta! kung magigising man ako, gabi na rin.. kakain lang, manonood ng tv tapos papasok na.. paulit-ulit lang ang ginagawa ko araw-araw.. kakasawa rin pala.. la nang oras gumala.. pwedeng gumala pero hihikab-hikab ako dahil nga kulang sa tulog.. minsan naman, nasosobrahan na ko sa tulog.. 10 hours! hahaha.. daig ko pa ang isang lumalaking bata.. kaya rin siguro ako lumalaki…

pero kahit na ganito ang schedule ko, masaya pa rin naman.. dahil masaya naman sa trabaho.. saka sabay din sa pilipinas ang oras ko.. parang 2pm-10pm shift din.. kahit na aantok-antok ok lang, at least di naman masyadong mainit kapag papasok at uuwi.. kahit na minsan kulang sa tulog, ok lang.. ok lang.. ok lan… zzzzzzzz…… *pasensya na nakatulog na ung nagty-type..*

********************

u can dance

u can dancelast sunday, nakapanood na rin ako ng U Can Dance.. nung last week kasi, tulog na tulog daw ako sabi ng kapatid ko, kaya di ako magising.. ok naman ung show.. Dancing with the Stars nga ang dating pero ok na rin.. ganda ni Iya.. hehehe.. kahit naman saan sya dalhin maganda pa rin.. :) ok rin si Derek.. kaso, kelan kaya sya sasayaw?

ung sa celebrities, di nga lang ako nasiyahan dahil natanggal si Alwyn.. hmm.. di rin kasi masyadong magagaling ung mga sumayaw.. pero ok na rin.. hehehe.. tamang ok lang.. tapos sumayaw pa si bayani.. hahaha! aliw!!! :) ang kulit.. all in all, ok lang.. di ako masyadong na-WOW! mahilig lang kasi ako talagang sumayaw kaya na-curious ako sa show..

speaking of, na-mimiss ko na rin kasi ang pagsasayaw.. mahilig ako.. as in! kahit ano sinasayaw ko.. idol ko nga dati Sexbomb dancers eh.. (get, get aw!) sumali rin ako noong collage sa isang dance contest.. kaso, natalo kami.. :( hanggang room lang talaga! hehehe…

iniisip kong bumalik sa pagsasayaw.. kahit mag-dancing school, kaso baka makatulugan ko lang.. saka di ko alam kung kakayanin ng katawan ko.. pero gusto ko talaga! siguro way na rin un para pumayat ako..

********************

masyado nang mahaba…

masyado nang mahaba, la pang sense.. :)

nga pala.. Isulong Seoph!