dunkin lady 2

Add comments June 2, 2006 » 1387 days ago
Uncategorized

ang tingin ko sa ulan na ito’y
tila mga patak ng gatas
na nagiging milkshake
sa oras ng pagtama nito sa lupang
iyong kinapaliligiran

at ang bawat ihip ng hangi’y
may nakahalong powdered sugar

naglalakit tuloy ang tingin ko
sa mukha mong sugar-raised
at mga labing tila honey-dipped.

araw ko’y pinupuno mo
ng strawberry filling
sa tuwing makikita kang
nakangiti’t parang
nakatingin sa akin.

naiisip ko tuloy na ang paghalik
sa iyo’y parang pagdampi
ng labi ko sa kremang
malambot at matamis.

dunkin lady ako’y iyong pagbilan
ng dalawang choco butter nut
at isang bavarian

pwede rin bang pakisama na rin
ang iyong pangalan
at baka ang numero mo’y
ako’y iyo ring mararapat pagbigyan

dahil paulit-ulit akong bibili’t
mangungulit sa bawat pagdaan
hanggang sa mabusog sa donut at
ngiti mong inaasam-asam.

Mga Kahalintulad na Posts



One Response to “ dunkin lady 2 ”

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.