maghihintay nang matagal

Posted almost 6 years ago Uncategorized

“oh my”

ang expression ko sa isip kapag may nakikita ako bigla na isang babaing natitipuhan ko. at ilang beses ko rin yang nabanggit ngayong araw na ito.

frustration talaga kita, simula nang araw na nagkagusto ako sa iyo. ang maganda mong mukha, ang masaya mong ngiti, ang kanais-nais mong katawan at mga mata mong hindi ko maiwasang titigan. haay, frustration talaga kita simula nang magkagusto ako sa iyo.

“isang tingin lang”

ang paulit-ulit kong binabanggit sa tuwing tinitignan kita dahil baka sa kung anong pilit pinaniniwalaan kong natatagong pwersa ay marinig mo ito at malay mo tumingin ka nga bigla at makita’t mapansin mo ako na mukhang tangang nakasulyap sa iyo sa lahat ng pagkakataon.

“…”

sa wala. nauuwi lang sa wala ang lahat ng pinaggagagawa ko sa damdaming nararamdaman ko para sa iyo. gusto kitang makilala, gusto kitang makilala, gusto kitang makilala, at hindi ako titigil sa pag-aasam na makilala ka hanggang sa makita ka na lang na malaki na ang tiyan at duon ay masisigurado kong wala na akong pag-asa.

pero hindi ko naman alam kung anong hinihintay kong mangyari. alangan namang humiling ako ng isang milagrong lalapit ka na lang bigla sa akin at sabihing gusto mo kong makilala, dahil alam kong imposible yun (pero ok lang din kung ganun nga).

hindi ko naman maaasahan ang sarili kong lumapit sa iyo at kausapin ka na walang ibang matinong dahilan kaysa sa makipagkaibigan kunwari. kaya wala ring pag-asa dun.

kaya siguro ay wala talaga akong hinihintay dahil naniwala na ako na hindi talaga pwedeng hayaan ng panahon at pagkakataon na maging malapit tayo sa isa’t-isa.

pero sana man lang ay malaman ko ang pangalan mo. siguro ay makukuntento na ako dun at wala nang iba pa kundi ang maghapunang pagtitig sa iyo, sa maganda mong mukha, sa masaya mong ngiti, ang kanais-nais mong katawan at ang mga mata mong ninanais kong mapansin ako kahit konti.

“kanina pa nakatingin kin yun, mukhang timang”

ok na ko dun, kasi nga, frustration talaga kita.

dibuho

Posted almost 6 years ago Uncategorized

gusto kong kunin ang panulat sa aking mga kamay
at simulang iguhit ang dibuho ng iyong mukha
sa papel o kahit na anong kardbord na makita
gusto kong subukang iguhit ang masaya mong ngiti
at mga mata mong ubod ng ganda

nang maitago ko sa isang pahina ang iyong kagandahan
at madala saan man ako mapunta
nang makita’t maalala ang lahat ng dahilan
at sa iyo ako’y may ganitong nararamdaman

gusto sana kitang makilala

gusto kong bigyan ng buhay ang tinta ng bolpeng
hinahanap ko ngayon sa paggamit nito sa bawat guhit
ng iyong hubog na hindi ko mapigilang titigan.

LDR

Posted almost 6 years ago movie buff

THE LAKE HOUSE…. nang mapanood ko ang trailer ng pelikulang ito, wow.. kakainlab! kaya naman talagang papanoorin ko talaga to.. sobrang long-distance relationship.. to think na di naman sila magkakilala.. they fell in love.. sabi nga ni keanu, in this house, its all about connection… may point sya, but then again, parang iba pa rin kasi ung nakikita mo at nahahawakan ung taong mahal mo.. siguro kaya rin ako na-touch sa story eh dahil im actually in a long distance relationship..

napakahirap talagang malayo sa taong mahal mo.. di sapat ang mga tawag, text.. parang gusto mo sya laging makasama at makita.. di sapat ang masabi mo lang na mahal mo sya.. action speaks louder than words ika nga.. parang laging kulang.. iniisip ko na, ganito na lang ba talaga? parang ung sa kwento ng the lake house, 2 years apart.. is it even posible to fall in love with someone you hardly even knew? na hanggang sulat lang? hanggang kelan sila parehong titingin na lang sa kawalan at mangangarap na sana kasama nila ang isa’t-isa?

we all make decisions in life.. and with each decision we make, ginusto natin un.. ginusto natin ang bawat mangyayari sa buhay natin, kahit na alam nating masasaktan tayo o kaya aasa.. kasi, we are still hoping na in the end happily ever after pa rin ang mangyayari.. parang ako, i’m still holding on kasi, i know deep in my heart na sya na talaga.. sya na ang gusto kong makasama.. sya na ang prince charming ko..

hay naku, kaya ayoko na nang nanonood ng TV eh.. ang dami kong naiisip.. mahirap ito! madrama na naman.. hay.. pero ok na rin ung paminsan-minsan eh nagda-drama.. :)

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.