2 years, 5 months ago by komski gusto kong kunin ang panulat sa aking mga kamay
at simulang iguhit ang dibuho ng iyong mukha
sa papel o kahit na anong kardbord na makita
gusto kong subukang iguhit ang masaya mong ngiti
at mga mata mong ubod ng ganda
nang maitago ko sa isang pahina ang iyong kagandahan
at madala saan man ako mapunta
nang makita’t maalala ang lahat ng dahilan
at sa iyo ako’y may ganitong nararamdaman
gusto sana kitang makilala
gusto kong bigyan ng buhay ang tinta ng bolpeng
hinahanap ko ngayon sa paggamit nito sa bawat guhit
ng iyong hubog na hindi ko mapigilang titigan.