sa loob ng Bahay ni Kuya

3 Comments » June 6, 2006 » 1374 days ago
writings

Picture this: You will live in a house where TV, radio,
newspapers, phonelines and mobile phones are non-existent. Will you survive this
lifestyle? Discover why the Pinoy Big Brother house is extraordinary! Take a
peek at the house rules that the 12 housemates will need to strictly
follow
in order not be booted out of Pinoy Big Brother! Welcome to the House…

Pinoy Big Brother Principles

1. The lifestyle in the house is “back to basics.”
2. Housemates will have no information about or from the outside world.
3. Housemates will be cut-off completely from friends, families and loved ones.
4. Complete strangers come together to live as Housemates and to create a unique family unit.
5. The nomination process evicts people from the house.
6. Everything that happens in the house and garden is filmed. This is 24 hours a day, 7 days a week.

wow… habang binabasa ko ito at ung iba pang “house rules” na mababasa nyo rin dito, eh napaisip ako, kaya ko kaya un? kaya ko kayang mag-stay sa loob ng Bahay ni Kuya?

nandito na ko sa tate nang mauso ang Pinoy Big Brother.. bago ata kami umalis, mga May last year, may commercial na sya.. sabi ko na lang, panibagong gameshow siguro.. di ko alam.. tapos, nagka-TFC kami.. aun, nababalita na sila Kumander Nene at iba pang housemates.. tanong ko rin agad, sino si Big Brother? halos lahat ng kaibigan ko ay napupuyat sa uplate, dumarami ang hits ng kanilang website at lalong sumikat sila Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez.. ano ba ang Pinoy Big Brother?? ano na un? di na ko in sa pinas.. la na akong alam… ahhh, di naman ako sobrang walang alam, alam ko namang sayawin ung theme song nila! :)

natapos ang Pinoy Big Brother Season 1, may pumalit, Celebrity Edition naman.. inabangan din ang mga artistang titira sa loob ng Bahay ni Kuya.. teka, sino nga ba talaga si Kuya? maraming na-tsismis, mga kwento.. ang saya! patok na naman ang PBBCE.. nanalo si Keanna, umamin si Rustom na sya ay “gay” *hands down nga pala ako kay Rustom dahil dito*, na-intriga sila Roxie at Rico, pati sina Bianca at Zanjoe.. dito na ko nagsimulang magtanong.. ano ba ang nangyayari sa loob ng bahay? bakit may natatanggal? pano? ano ung mga task? ano ang naitutulong nito sa ekonomiya ng bansa na patuloy ang pagbagsak?

isang kaibigan noong kolehiyo ang aking nakausap sa YM.. itatago ko sya sa pangalang ira.. tinanong ko sya..

cutecarme: shobe, ano ba ang meron sa bahay ni Kuya? bakit may natatanggal? ano ung ginagawa nila? bakit may voting? pano nalalaman ung nanalo?

ira: ahhh.. ganito kasi un.. 12 housemates silang papasok, di sila magkakakilala.. magkakasama sila sa loob ng bahay ni kuya for days.. tapos, everyday may task..

cutecarme: ahhh, ok…

ira: tapos, every friday may pipiliin na bottom 3..

cutecarme: so dun papasok ung text votes ng tao? kung sino ung gusto nilang matira?

ira: oo.. tapos, saturday na ung tanggalan…

cutecarme: aus ahh.. hehehe.. salamat..

ira: :) la un…

aun naman pala… naliwanagan na ko.. :) pero di ko pa rin ma-gets, kung sino si Kuya! at bakit Kuya? bkit hindi Ate? hehhe.. korny!!!!! korny ng sarili kong joke.. next!!!!!

natapos din ang PBBCE at heto na ang PBBTE.. mga teenager naman.. naglolokohan kaming magkakapatid, sakto uuwi kami ng pinas why not sumali! hahaha.. nah! wag na lang.. PBBTE ang napanood ko talaga.. kakaaliw pala, pati uplate eh tututukan mo.. nakakaaddict! tunay na tao un eh.. pinapanood mo kung pano sila magreact.. walang script, wala lahat.. natural na reaction ang makukuha mo.. pero di kaya nakakailang un? pano sila naliligo? walang privacy.. parang di ko ata kaya un.. ung nga lang mga magulang ko na 24/7 eh di ko na kaya, un pa kayang milyong-milyong pilipino, san mang sulok ng mundo? *kanta mode* …makakasama nyo, ito’y para sa inyo, sa kinabukasan nyo ang ibibigay naming papremyo.. (ok kung di ka nanonood ng wowowee, malamang di mo mage-gets ang joke ko na un!)

anyways, masaya nga pla ako dahil nanalo si kim.. :) sya ang gusto kong manalo eh… kaso sino kaya ang pipiliin nya? si mikee o si gerald?? apektado?! hhhehe…

ok, sa hinaba-haba ng post ko na to, isa lang ang masasabi ko, bilib ako sa mga taong naglakas loob na pumasok sa bahay ni kuya! kaw ba kaya mong makisama sa 11 pang-tao na di mo naman kilala? everyday eh may task na ipapagawa na mailalabas ang tunay mong ugali? nakatutok 24/7 ang mga camera sa iyo at nagaabang ang libu-libong tao sa kung ano kaya ang susunod na kabanata sa bahay ni kuya? na hindi kasama ang iyong pamilya? walang telepono, at celphone? walang internet? wala lahat???

kaya naman hands down talaga ako sa lahat ng housemates mula season 1 hanggang PBBTE.. salamat din kay Kuya dahil nadidisiplina na ang bawat isa sa atin..

Big Brother: Carme, pwde bang tapusin mo na ang post mo na to? masyado nang mahaba

Carme: yes, Big Brother.. patapos na po.. :)

Big Brother: mabuti naman… tinatamad nang magbasa ang mga avid readers mo eh…

Carme: talaga po? naku…. teka, may avid reader(s) po ako?

Big Brother: magkakaroon pa lang sana.. kaso ang haba nga ng post mo.. makulit kang bata! sabit tapusin mo na eh… evictee ka this week..

Carme: kuya naman… sige po the end na….

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.