dire-diretso ko papuntang admin office ng math department at dire-diretso rin sa hindi ko maikakailang kakilala.
nasa hagdan pa lamang ay napansin at namukhaan ko na ang horizontally-striped blue shirt niya.
“siya… si ano”
ang nasabi ko. at hindi pa man nakakailang sandali ay sunod na napansin ang kasama niya, isang lalaki. pero hindi naman masyadong nabigla dahil madalas naman talaga siyang kasamang lalaki.
pero iba ito, kung tama ang napapansin ko.
wala lang. medyo hindi ko lang inaasahan na ganun ang mangyayari, na sa ganun mapupunta ang sitwasyon. magkakaboyfriend na ata siya.
hindi ko lang talaga inaasahan pero nangiti na lang ako nang makita siya. hindi niya ako ngayon binati ng nakasanayan niyang itawag sa akin.
pero napansin kong napansin niya ako sa kanilang likuran. pero wala lang naman talaga.
hindi na ulit makikita pa
sa isang mahabang panahon
ng walang humpay na paghihintay
at malungkot na pag-iisa
hindi na kita makakapiling pa
sa bawat araw na darating at lilipas
may halaga pa bang mabuhay
kung kamatayan na lang ang aabangan
naglaho na ako sa iyong alaala
at tuluyang ipinagkait ang ligaya
ang walang kapantay na ligayang madarama
kung makakasama’t mamahalin ka
sana’y maging masaya ka
sa piling niya, aking sinisinta
dahil wala naman rin lang hihilingin pa
kundi makitang nakangiti ang iyong mga labi
at maging mahimbing ang tulog sa gabi
hindi man ako ang kayakap sa iyong paghimbing
mananatili ka sa aking mga panaginip
at lilipas ang magdamag na may tuwa
na mabubura’t maglalaho sa pagdilat
ng mga matang hindi ikaw ang masisilayan
mangangarap akong wala ka
at hindi na magbabago pa
ang bawat umagang hindi kita nakakasama


![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







