nilalaro

Posted almost 6 years ago Uncategorized

ikaw ba yan o ang alaala mong
nananatili pa rin sa aking isipan?
naririnig ko ba ang boses mong
nililikha ng aking guni-guni?

ang mapaglarong imahinasyon
ko lang ba ang nakikita
ko sa aking harapan ngayon,
o baka naman isa lamang itong
mapanlilang na panaginip?

hawakan mo nga aking mga kamay
nang baka madama ko ang siyang tunay
at hindi na sana pa mabulag
nitong aking kawalang malay.

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.