ilang taon ka na?
ilang taon ka na ba? 20? 30? 45? 12? ilang beses na akong tinanong ng ganito.. ano nga bang meron sa edad? at bakit kailangan pa itong itanong? alam ko may mga tao na naiinis kapag tinatanong ang kanilang edad.. lalo na kung halata naman sa itsura nila kung ilang taon na sila.. tamang may mga nangaasar lang kasi.. pero, eh ano naman kung 40 yrs. old ka na? di ba nga you don’t just grow older but wiser? at eh ano naman ngayon kung 21 na ako pero nanonood pa rin ako ng cartoons?
21 years old na ko, pero di raw ako mukhang 21.. mukha daw akong 22! hahaha.. no seriously, mukha daw akong bata.. sa tuwing may kausap ako, at itinatanong kung ilang taon na ako, iisa lang ang reaction nila.. di sila makapaniwala.. kaya kapag may mga tao akong nakikilala na nagugulat sa aking edad, eh di na bago sa akin.. di ko rin alam kung bakit ganito ako… sabi nga kapatid kong babae, mas matanda pang tingnan ang iba nyang kaklase.. (ang aking kapatid ay 12 yrs old) ang sabi ko naman ay ang OA naman kung ganon.. pero totoo daw dahil sa pagkilos.. mas “mature” daw kumilos ang mga kaklase nya.. mature? di ba ako mature? sa tanda kong to, di pa ba ako mature?
21 years old na ko, pero kilos 14 yrs old pa rin daw.. makulit, madaldal, magulo.. siguro kung may isang grupo ng mga babae, ako ung pinakamaingay parati! ganito na ako simula highschool.. mahilig maglaro, manood ng tv.. tamang walang pakialam.. siguro di ko na nabago ang ugali kong ganito dahil ito ako.. kung babaguhin ko man, naku! ibang karmi na un! :) 21 years old na ko, pero hilig ko pa rin ang mga cartoons.. dahil na rin siguro sa kapatid kong babae.. kaming 2 ang laging magkasama, kaya’t naimpluwensyahan na rin.. kahit na siguro 30 yrs. old na ko, manonood pa rin ako ng cartoons.. bakit? kasi naman, sa cartoons, walang problema, kung meron man, may mga super hero na will come to save the day.. o kaya bago matapos ang episode eh may solution kaagad ang mga bida.. kakaaliw dahil lahat posible sa mga cartoons..
medyo boyish din daw ako sabi nila.. sabi nila, 21 na daw ako kaya dapat naglalagay na ako ng make-up, nagsusuot ng maiiksing damit at gumigimik gabi-gabi.. naghahanap ng mga papa.. hmmmm… sabihin na nating hindi ako ganyan.. di pa ako marunong maglagay ng makeup – as in mascara, eyeliner, blush, eye shadow, concealer, at kung anik-anik pa na nagpapaganda ng mukha.. ayoko lang kasi unang-una, di nga ako marunong na baka magmukha lang akong clown at pangalawa parang ang bigat ng mukha ko.. un nga lang lipstick nung graduation ko nung elementary eh asar na asar na ko dahil di ako makakakain!! nagutom tuloy ako.. di rin ako mahilig magsuot ng palda.. nagsusuot naman ako kaso, di ung maiiksi na kulang na lang eh makita na ang *toot*.. gumigimik din ako pero di naman ung mga club… tamang tambay lang sa bahay ng kaibigan o kaya mall… un lang.. pero dahil 21 na raw ako, dapat iba na.. sabi nga ng mga tita ko..
dapat ngayon pa lang na bata ka, lumalabas ka na.. para naman may social life ka.. tapos, magsuot ka rin ng mga skirt.. habang maganda pa ang katawan mo.. kaming ngang mga tita mo, gustong-gusto kaya lang di na pwede.. sige, kaw rin.. pagtanda mo, di mo na magagwa yan..
na-appreciate ko naman ang sinabi ng tita ko.. tama nga naman sya.. habang bata pa ako.. habang maganda pang tingnan.. kaso, ayoko lang talaga.. mas gugustuhin ko pang mag-shorts o kaya pantalon na naka-rubber shoes at nakikipaghabulan sa mga kapatid ko.. o kaya ay ang magdesign ng webpages kesa sa lumabas ng gabi at makipaghalubilo.. loner? di naman… ganito lang talaga ako..
ilang taon ka na nga ulit? la naman sa taon un diba? kung sino at ano ka ay di nabibilang ng edad.. la dapat limitasyon dahil matanda ka na..
21 years old na ko, pero isip-bata pa rin.. aus lang.. at least i look at life in a different way.. malay natin, baka bukas, magising na lang ako na mature at seryoso na… malay lang natin un… :)





hai… siguro ako ang first honor ngaun… hihihi! :D
oo nga naman… para saan pa ba ang edad… pag kumpetisyon at maglalaban ang mga mas matanda sa mga bata, sasabihin ng mga bata: “age aint nothing but a number”. oo nga naman, may point sila…
masarap manuod ng cartoons, favorite ko si popeye!!! hehehe! pero hindi na nga ako nakakapanood nun, hindi ko na kasi alam kung anong oras siya ngaun sa cartoon network… nilipat kasi mula sa dti niyang 3.30 na timeslot…
hindi ka pala girly girly… aios yan… ung iba kasi pag sumobra sa kilos at itsura, nababastos na…
ingat ate karmi! :D
ako? hmmm seklet hehehe, gayun pa man mahilig pa rin akong manood ng cartoons, mahilig pa rin akong magbasa ng comik books at maglaro ng mga toys like RC’s, ako isip bata? Just wanna enjoy my self, siyempre sa buhay dapat balanse may panahon na serious me panahon ng weather weather hehehe
Hay nako, I can so relate to this post! =)
Nung 16 ako, napagkakamalan akong 12 tapos ngayong 19 na ko napagkakamalan naman akong 14-16 y/o.imbis nga na dapat eh tawagin
na kong “miss”, minsan “ne” pa rin ang tawag saken. hehehe. pati tuloy ako nalilito na sa sarili ko kung minsan kung paano ba ko kikilos. pero wala, go lang at nagpapakatotoo pa rin. mas gusto ko pang mapagkamalang mas bata sa edad ko kesa naman mapagkamalang mas matanda sa edad ko. at oo ako rin, feeling ko kahit tumanda na ko, ganito pa rin ako kumilos.
besides, hindi naman sukatan ng maturity ang itsura o pagkilos eh. it’s so so sooo much more dava?
kalabaw lang ang tumatanda, kahit tanungin mo iyang mama na nasa itaas ko! alam na alam niya di bah? hehehe
kanya-kanyang personalidad naman yan, kung saan ka maligaya yon ang gagawin mo!
ala din akong hilig sa mga make-up, nightlife, etc. at nakikitawa din ako sa mga kids ko habang nanonood ng spongebob & co.
plus factor mo nga iyang babyface mo lalo na kapag nagkaedad ka na, mga mas bata sa iyo magkakandarapa papunta kay doktor …
ako proud 14 years old!! hehe wala ako paki kahit pagtabuyan nyo ko dahil usapang pangmatatanda ang ibang blogistang malayo sa age ko..satingin ko naman kasi age doesn’t matter….at all! kasi na sa pag-iisip lang naman ng tao yan hindi ba…
basta ako 19! sabi nila muka daw akng 16, sabi naman ng iba tama lang daw muka ko sa age ko, sbi ng others matured daw ako tignan. Hala! musta namn yun dba?! hindi namn sila magulo… pero 8 out of ten people nagsabi muka daw akong bata! praise the Lord! hehe…
baby face tayo! apir!
sa kabilang dako, pagpapakita lang yan ng tunay na ikaw. kung nakahiligan mo man manood ng cartoons kahit na ba senior citizen ka na eh, ok lang yun! ikaw ay ikaw! =)
salamat sa mga koment.. :)
@lucelodelara – talaga? peborit mo c popeye? hehehe.. pareho tau!!! ingat din!!
@kadyo – tama ka kuya.. dapat balanse.. mahirap ang seryoso masyado.. mahirap din ang di nagseseryoso..
@stellar – di talaga nasusukat sa itsura ang maturity.. :) and feeling ko lahat ng kabataan ngyon mas mature pa sa inaakala nila when in comes to decision making..
@ate neng – salamat kung ganon.. hehehe.. plus factor nga daw un eh.. mukha daw akong bata..
@ruth – yup! its all in the mind.. hehehe.. :)
@sky – magpakatotoo!! tama.. :)
heya.. sabi nga nila, nasa isip lang yan… if you want to think matanda ka na, then yun ang mag-rereflect, if you want to stay young, just think young, di va?
nung akoy mag 16 taon…hahaha..nagpakamaln akong 10 yrs old..alam nyo kung bakit??coz of my hight..hehehe..minsan naiinis ako…paulit-ulit lng kce akong “di na ako bata”hahaha..but if you can see me…pati ikaw makakasabi ng bata pa ako…hehehe cute daw ako sabi ng mga karamihan hehehe di nman cguro..hahaha…?