siguro kanina ko lang talaga nasabi sa iyo ng diretso ang nararamdaman ko, nang itext kong pinasaya mo ang araw ko nung magtext ka sa akin.
pero hindi ka naman ata naniwala.
“asus 22o ba yan?”
sana’y masabi ko sa iyo ang ngiting nililikha ng pagtext mo sa akin, dahil yun lang naman ang maaasahan ko, malayo ka, wala kaming landline hindi naman kita nakikita (matagal na), kaya makita ko lang ang pangalan mo sa inbox ko, ay anong saya na ang nadarama.
ikaw pa rin ang pinapangarap ko.












