kung avid reader ka ng aking blog, siguro’y alam mo na di talaga ako mahilig makialam sa mga politikal na issue ng ating bansa.. pero kung first time mo namang bumisita sa aking blog o ung tipong di ka naman nagbabasa ng mga nilalagay ko dito, ngyon alam mo na.. ayoko nang nakikialam sa politikal na problema ng ating bansa.. bakit pa? sino ba naman ako? at anong paki nila sa sasabihin ko? pero iba na ngayon, medyo napupuno na ko kaya heto na.. magsasalita na ko..ok, aminado ako na nung nasa Pilipinas pa ako, wala akong ibang ginawa kundi pumasok sa trabaho, gumala, umuwi ng bahay, manood ng tv, matulog, kumain at pumasok ulit ng trabaho.. nanonood ako ng TV pero di ako mahilig manood ng balita.. siguro nakakapanood lang ako dahil nanonood ang tatay ko.. bakit ko naman gugustuhing manood ng tv eh panay patayan, holdapan, mga pinuno ng bansa na corrupt at kung anu-ano pang kapintasan ng bansa ang naririnig ko.. bakit pa? manonood na lang ako ng ibang palabas.. nakakairita, nakakasawa.. wala akong pakialam.. wala…
nandito na ko ngayon sa amerika.. totoo, mas maayos ang buhay dito.. mas madami kang pera.. di ka maghihirap.. nasasa-iyo na lang kung gugustuhin mong maghirap.. pero kakabit ko pa rin ang pilipinas.. dahil nagpakabit kami ng TFc at GMA Pinoy TV.. siguro namiss ko rin kasi ung mga balita sa pinas.. hindi rin.. bakit? dahil walang pagbabago… kung ano ung balita noon, ganon pa rin ngayon.. la nang kasawaan..
isang issue na lang eh ung tungkol sa nakaraang eleksyon.. gudluck naman.. hanggang kelan nila sasabihing nadaya sila? matatapos na ang termino ng pangulo, gusto pa rin nilang patalsikin.. at bakit ganon? matapos umamin ng kasalanan eh nandyan pa rin sya? diba sinabi na rin nya na di na sya tatakbo? hay ang pulitika talaga parang showbiz na…. bumoto ako noong nakaraang eleksyon.. hindi na dapat dahil sobrang gulo ng mga kandidato.. di ko alam kung sinong iboboto ko.. baka masayang lang ang boto.. pero dahil mahal ko ang aking bayan, bumoto pa rin ako.. pero ewan ko lang kung may naitulong ang boto ko.. nasayang din kaya? bakit pa may eleksyon kung bawat matatalo ay sasabihin nilang nadaya sila? bakit kailangan pa ng taong-bayan kung kayang-kayang paikutin ang mga ito ng mga namumuno? teacher ang nanay ko.. tuwing eleksyon ay may parang kaba sa kanyang dibdib na baka may mangyaring masama.. di dapat ganon eh.. hindi… mula nung ako’y naging tao, sino-sino ba ang naging presidente? la pa ata akong naririnig na naging payapang eleksyon.. ung tipong, walang dayaan, walang namatay.. kung meron man, sabihin nyo na lang sa akin..
kala ko ba malaya na tayo? bakit ganon, katatapos lang ng araw ng kalayaan pero ang mga balita ay ganon pa rin.. tungkol pa rin sa dayaan noong eleksyon, walang budget na naipasa ngayong taon.. ano na ang nangyayari sa pilipinas? ano na ang nagyayari sa bayan natin?! sino ba ang dapat sisihin? sino ang dapat managot? sino ang nahihirapan? pare-pareho tayo… lahat tayo biktima.. isa lang naman ang kailangan natin eh, pagkakaisa.. wag na muna nating isipin ang sarili nating kapakanan.. isipin natin ang nakararami..
isipin mo na lang, kung isisipin mo ang magiging kapakanan ng ating bayan, hindi ba’t ikaw rin ang makikinabang dito?
matatalino ang mga Pilipino.. kaso di lang nila ginagamit sa tamang paraan… may pag-asa pa ang Pilipinas…
gumising ka na… oi gising!!!!!
*sensya na sa post.. nasobrahan lang ako sa pagbabasa ng libro ni bob ong, post ni ate melai at panonood ng tv..*












