made in the philippines

Post Info 2 years, 6 months ago by karmi

made in the philippines

may nakita akong ruler na made in the philippines.. un ung kahoy na ruler.. natuwa lang ako.. naging proud na galing ito sa bansa ko.. naalala ko tuloy nung nagtatrabaho pa ako sa isang country store.. nung pasko, maraming mga christmas ornaments kaming binebenta.. at dahil ako ang naatasan na magayos nito sa mga estante at display, napansin ko na panay Made in China halos karamihan ng mga ornaments.. mura lang 99 cents.. tapos, natuwa ako dahil may Made in the Philippines.. wow! ang ganda nga eh.. gawa ito sa capiz.. at take note ang mahal ah, $1.99 without tax pa un! simula nun, lagi na akong naghahanap ng Made in the Philippines na gamit..

ilan pa sa nakita ko ay:

– mga shell na naka-plastic, sa Corpuz Christi.. un ung mga shell na pwedeng ilagay sa aquarium.. made in the philippines

– mga t-shirt ng Tommy Hilfiger sa isang mall dito.. made in the philippines

– ung ibinigay kong regalo sa aking inaanak dyan sa pinas.. ang gusto kasi ng nanay nya eh regalo galing dito.. nung nasa pinas na ko, saka ko lang nabasa na made in the philippines pala ito! disney naman eh..

nakakatuwa na may export goods din pala tayo.. nakikilala ang Pilipinas sa ibang bansa..

pumunta ako ng isang Asian Store, intsik ang may-ari.. may isang Amerikano na pumasok, may hinahanap.. magiihaw ata.. ang narinig ko lang ay sorry sabi nung tindera, dahil di sya nakakaintindi ng ingles.. umalis na ko pagkatapos nun.. pumunta naman ako ng Filipino Store para bumili ng phone card.. nandun na din ung Amerikano.. sinusundan ako? hahaha.. di no.. akala nga nya nung una ay tindera ako dun dahil tinanong nya ako.. agad ko syang itinuro sa tindera.. nagtanong sya.. at nagulat ang kano na marunong mag-ingles ung tindera.. matagal-tagal din silang nagusap medyo nainip ako.. buti hindi naubusan ng ingles ung tindera.. medyo nainip na ako.. pero nagintay pa rin akong matapos sila dahil bibili pa ako ng phonecard..

kung sa mga gamit pa lang eh proud na ako na made in the philippines, lalo na kung tao na.. ung mga half-Filipino at mga Filipino na talaga namang namamayagpag sa iba’t-ibang larangan.. si Apl ng Black Eyed Peas, Nicole ng Pussycat Dolls, ung nanalo sa Dancing with the stars (sensya nakalimutan ko ung name), Vanessa aka Gabriella ng Highschool Musical (Disney Movie), mga animators ng Pixar, mga ballerina, mga doctor, nurse, teacher, mga OFW.. lahat sila pilipino.. proud ako!

made in the philippines.. madaming pilipino ang nagiging proud na pinoy sila kapag lumalabas na sila ng bansa.. marami din naman ang itinatakwil ito.. ewan ko ba, may mga tao na simula’t-simula ata ay ayaw ng maging Pilipino.. pero siguro kung naging mayaman lang tayo tulad ng Japan, magaganda’t gwapo tulad ng mga taga-Europe, at kasinggagaling mag-ingles tulad ng mga taga-America, eh gugustuhin na rin nilang mag-stay sa Pilipinas.. nakakaawa sila.. di man lang nila na-appreciate ang kanilang lahi.. oh, well, may mga bagay talaga na di na mababago…

pansin ko lang, 2 sunod na post ko eh, parehong tungkol sa aking bayang sinilangan.. haha! goodluck! :) tama na nga ‘to!!!

nga pala, sabi ni major isulong seoph.. hehehe.. :)

Post a Response Comment icon Posted June 19th, 2006 at 12:08 am

6 Responses to “ made in the philippines ”

  • kisses says:

    marami talaga ang gawa sa atin, tatak na lang ang ikinakabit pagdating sa ibang bansa (e.g. di na ako magpa-plug … jeans, rubber shoes, etc.) kahit mga xmas decor nga na tinda sa amin galing pinas, mura kc ang labor cost)!

    kalat na ang mga Pinoy kahit saang lupalop ng mundo kaya darating ang araw tayo ang maghahari!!! MABUHAY! hehehe

    homesick ka na naman kaya ganyan mga posts mo :D

  • KaDyo says:

    proud to be PINOY!!!

  • jhay says:

    Ganyan talaga kapag wala ka sa sarili mong bayan. Para bang “Alam kaya ng isda na nasa tubig siya?” Malalaman mo lang ang sagot kapag inalis mo ang isda sa tubig. Ganoon din ang mga Pinoy o kahit sino pa mang tao. Nakikita at nakikilala lamang niya kung sino at ano ang kanyang kultura kapag siya ay inalis mo na sa sarili niyang bansa.

  • komski says:

    masaya nga yun pakiramdam na ganyan

  • malaya says:

    hoy Pinoy ako!
    buo aking loob
    may agimat ang dugo ko!
    NoyPi si Karmi!

  • karmi says:

    proud to be pinoy! :)

    iba talaga ang mga pinoy!!!

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.
  •  

    June 2006
    S M T W T F S
    « May   Jul »
     123
    45678910
    11121314151617
    18192021222324
    252627282930  
  • Archives

  • Categories

    blabbers so random inlove blog update writings emo daw Litratong Pinoy homesickness heart-to-heart buhay SATown meme photoblog LSS ldr gadget and stuff starstruck pakulo maalaala ko kaya current events buhay bahay contest movie buff sports minded BridgeTheGap karaoke podcast vLog open letter pakisuyo post monochromeDay payper