dahil naaliw ako sa post ni ate melai.. ginaya ko.. hehehe.. lamon lang! kaya naman pala tumaba ako.. sige kain.. sarap!!! sarap ng fries, ng FANTA orange at ng sourdough melt.. ang sarap! hmmmmmmm.. sige kain lang, parang wala nang bukas…
habang kinukunan ko ang aking sarili habang kumakain, ang dami kong naiisip.. mukha pala akong ewan kumain.. ang laki ng bibig ko.. at pano kaya ginagawa ang isang hamburger? at bakit sya tinawag na hamburger eh wala namang ham.. kadalasan eh bacon ang meron.. bakit di sya bacon-burger? lang kwentang tanong.. hehehe..
naubos ko na ung sourdough melt, fries naman ang inubos ko… naisip ko rin bakit kaya french fries ang tawag dun? dahil ba galing ito sa mga French, at naisipan lang ng isang French cook na magprito ng mga patatas at dahil wala syang maisip na pangalan dito eh naisipan nyang ipangalan na lang sa lahi nila? ang galing..
hay, busog na ko.. walang kwentang post diba? hehehe.. naubos ko ang isang $5.08 meal sa Jack in the Box, na kung ico-convert mo in Php eh 250Php un.. makapanood na ko ng sine nun!!! waaaaaaa.. o well, gutom na ko eh…
hay, kakabusog.. kaya naman oras na para…..
pano ka nga naman hindi tataba nyan!!!! :)
singit lang.. bigay nga pala ni pare.. ganda ba? hehehe *kilig*
isa pang singit.. isulong seoph!!!













![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







