umuulan…

Post Info 2 years, 6 months ago by komski

ewan ko pero masarap sa pakiramdam kapag ganitong umuulan. siguro ay dahil malamig, at tanging mga patak lang ng ulan ang maririnig mo. alam ko na, gusto ko kapag umuulan dahil mas masarap mag-isip, magmuni-muni, at minsan,

mag-senti, hehe.

parang nakapagpapakalma ang tunog na likha ng pagpatak ng ulan sa bubong at kalsada, pero parang lang naman. parang masarap tumigil na lang muna sa ginagawa at magpahinga sandali habang pinapanood ang pag-agos ng tubig ulan sa alulod, kanal at kalye. pero meron namang walang magagawa kundi magpatila ng ulan dahil wala silang dalang payong, na tulad ko ngayon.

kelan ko lang naisip na siguro ay balewala lang tong mga tulang ginagawa ko. ni hindi ko na alam kung may nakakabasa nito o kung meron man ay kung may nakaintindi. Gusto kong marinig kung paano ito babasahin ng ibang tao, dahil tingin ko ay magiging iba to sa paraan ko ng pagbanggit sa mga linya ng mga inimbento kong tula.

medyo parang nakakatawa nga yung pagtula ko (medyo na nga, parang pa, hehe) kaya ginagawa ko lang kapag walang tao na malapit, o kaya mahina lang habang malakas akong nagpapatugtog ng mga kanta ng parokya o kamikazee.

Post a Response Comment icon Posted June 23rd, 2006 at 1:00 pm

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.
  •  

    June 2006
    S M T W T F S
    « May   Jul »
     123
    45678910
    11121314151617
    18192021222324
    252627282930  
  • Archives

  • Categories

    blabbers so random inlove blog update writings emo daw Litratong Pinoy homesickness heart-to-heart buhay SATown meme photoblog LSS ldr gadget and stuff starstruck pakulo maalaala ko kaya current events buhay bahay contest movie buff sports minded BridgeTheGap karaoke podcast vLog open letter pakisuyo post monochromeDay payper