oo dahil kay komski kaya ako gumagawa ng post ngayon.. hehehe.. talagang sinisi?! bisitahin nyo ung blog nya.. nakakahawa kasi ang pagdadrama at ang ganda pa ng tula…. medyo di naman pare-parehong ung pagdadrama namin pero dahil umuulan kaya ganon ang epekto…
umuulan.. may gusto kang yakapin pero wala naman sya.. nasa malayo.. ang tanging naririnig mo ay ang kanyang boses mula sa kabilang linya ng telepono.. wala kang magawa.. walang ibang magawa kundi ang sabihin na mahal mo sya.. sana lang nararamdaman nya..
bitin pa ang pag-uusap nyo.. dahil sa kulang ang minutes.. iniisip mo tuloy kung kelan mo ulit syan makakausap ng matagal.. makakausap na kaharap mo sya.. na mahahawakan mo.. kelan nga kaya mangyayari un? kelan? kelan? kelan?
pagkatapos nyong magusap, sa text naman.. pudpud naman ang daliri nyo sa kakasend ng mga message na sana’y personal nyong sinasabi.. ok lang maubos ang load, basta di maputol ang paguusap nyo.. makikitext na lang kung saka-sakaling maubusan ng load.. kahit na magkaiba ng time zone ay hindi iniinda ang pagkaantok.. ok lang mapuyat o ma-late sa trabaho basta makausap mo sya..
minsan tabi pa kayong matulog kahit alam mong imposible.. kahit sa text lang bakit hindi.. miss na miss mo na talaga sya.. pero wala ka pa ring magawa…
di pa rin tumitila ang ulan.. parang alam ng panahon ang nararamdaman mo.. sakto! parang kelan lang, magkasama pa kayo habang umuulan.. ok lang ung ulan noon eh.. pero ngayon.. iba na.. sa bawat patak ng ulan at pumapatak din ang luha mo.. malungkot ka dahil gusto mo syang makasama.. pero wala kang magawa… wala..
natapos na kayong magusap, di na rin kayo magkatext.. naisipan mong itulog na lang ang iyong problema.. at ika’y umaasang sana bukas, pagtila ng ulan, kasama mo na rin sya… sana nga…
*umuulan ngayon sa pilipinas.. siguro kung mababasa mo to, malalaman mo agad na ikaw tinutukoy ko.. mahal na mahal kita… dito lang ako…..




