nang dahil kay karmi ay napiga tuloy ang utak ko sa kaiisip ng mga salitang nagtatapos sa “it”. salamat naman at nakabuo ako ng apat na taludtod.
malungkot, sobrang lungkot. parang isang kantang kahit ayaw mo’y kinakanta mo pa rin, pinakikinggan ag himig nito’t sinasambit/sinisigaw ang mga lyrics. isang alaala, ang masayang alaalang bawat saglit mong ninanais manumbalik…
(tama na nga, corny ko magdrama, hehe)
minsan pa
minsan mo pa sanang mabanggit
ang ngalan ko’y muli mong masambit
kahit minsan pa’y sana ito’y maulit
ang makasama ka sa bawat saglit
mabawasan sana ang nadaramang sakit
nang mawalay ka sa aking pilit
maging tamis itong puro pait
ang iyak ko ay gawin mong isang awit
sana ay madama ang yakap mong mahigpit
mga kamay nati’y sa isa’t-isa kumapit
ating mga labi’y muling magkalapit
sa tabi mo’y siyang aking langit
tadhana man sa ati’y sadyang malupit
mamahalin pa rin kitang walang hapit
puso ko’y ikaw lang ang tanging bitbit
tignan mo’y ikaw ang siyang dito nakaukit
ngayon lang ako gumawa ng tulang na todo ang rhyme, hehe. mahirap pala talaga, mahirap na parang bawat sandaling hindi ka kasama. hindi ko malaman ang susunod.. na gagawin.. na iisipin.. walang mangyayari kung wala ka sa aking piling.











