post na di tungkol sa love..
bagong bahay? sana….
noong nakaraang sabado, pinuntahan namin ung subdivision kung saan nandun ung “bahay” namin.. sana lang ma-approve.. :) picture taking ito!!
*from left to right:
row 1: syempre ako muna! hehehe.. hala ngiti!
house number namin..
row 2: ang aking pamilya.. la nga lang si melo..
lakad-lakad sa subdivision
row 3: mama ko.. THE RIDGE AT LEON VALLEY
kami ni mina.. yan ang aming bahay..
sana lang talaga maging amin na ung bahay!!!! :)
********************
graveyard shift
graveyard shift aka GY ako sa trabaho.. 12:15am-8:45am.. weird nga ung oras eh, pero tinanggap ko pa rin.. dahil tungkol sa computers eh.. kahit anong trabahao basta tungkol sa computer tatanggapin ko.. kaya heto ako ngayon, tulog sa umaga at gising ng gabi.. nung nasa pinas ako, nakapagtrabaho na rin ako ng GY.. medyo natuwa ako dahil pwedeng-pwede akong gumala kahit saan.. uuwi ng 7am tapos matutulog ng 4 na oras tapos gising na maghapon.. pwede pang pumunta ng mall bago pumasok ng trabaho.. in short, mula noong nalaman ko na may GY shift pala, nagustuhan ko na.. isa pa, mas malaki rin ang sweldo!!! :)
kaso may disadvantages din pala ang GY.. dahil nga tulog ka maghapon, la ka nang nagagawa.. parang dumaan lang ang isang araw na tulog ka.. lang kwenta! kung magigising man ako, gabi na rin.. kakain lang, manonood ng tv tapos papasok na.. paulit-ulit lang ang ginagawa ko araw-araw.. kakasawa rin pala.. la nang oras gumala.. pwedeng gumala pero hihikab-hikab ako dahil nga kulang sa tulog.. minsan naman, nasosobrahan na ko sa tulog.. 10 hours! hahaha.. daig ko pa ang isang lumalaking bata.. kaya rin siguro ako lumalaki…
pero kahit na ganito ang schedule ko, masaya pa rin naman.. dahil masaya naman sa trabaho.. saka sabay din sa pilipinas ang oras ko.. parang 2pm-10pm shift din.. kahit na aantok-antok ok lang, at least di naman masyadong mainit kapag papasok at uuwi.. kahit na minsan kulang sa tulog, ok lang.. ok lang.. ok lan… zzzzzzzz…… *pasensya na nakatulog na ung nagty-type..*
********************
u can dance
last sunday, nakapanood na rin ako ng U Can Dance.. nung last week kasi, tulog na tulog daw ako sabi ng kapatid ko, kaya di ako magising.. ok naman ung show.. Dancing with the Stars nga ang dating pero ok na rin.. ganda ni Iya.. hehehe.. kahit naman saan sya dalhin maganda pa rin.. :) ok rin si Derek.. kaso, kelan kaya sya sasayaw?
ung sa celebrities, di nga lang ako nasiyahan dahil natanggal si Alwyn.. hmm.. di rin kasi masyadong magagaling ung mga sumayaw.. pero ok na rin.. hehehe.. tamang ok lang.. tapos sumayaw pa si bayani.. hahaha! aliw!!! :) ang kulit.. all in all, ok lang.. di ako masyadong na-WOW! mahilig lang kasi ako talagang sumayaw kaya na-curious ako sa show..
speaking of, na-mimiss ko na rin kasi ang pagsasayaw.. mahilig ako.. as in! kahit ano sinasayaw ko.. idol ko nga dati Sexbomb dancers eh.. (get, get aw!) sumali rin ako noong collage sa isang dance contest.. kaso, natalo kami.. :( hanggang room lang talaga! hehehe…
iniisip kong bumalik sa pagsasayaw.. kahit mag-dancing school, kaso baka makatulugan ko lang.. saka di ko alam kung kakayanin ng katawan ko.. pero gusto ko talaga! siguro way na rin un para pumayat ako..
********************
masyado nang mahaba…
masyado nang mahaba, la pang sense.. :)
nga pala.. Isulong Seoph!











wow… frst honor yata ako…
hai, ate karmi, buti ka pa, ako parehas kaliwa ang paa ko… matagal ko ng gustong matuto pero tlagang hindi umiindayopg ang katawan ko… kahit anong gawin ko ay hindi makasabay sa kalabog ng tunog…
gusto mo yun huh?! hehehe!
ingat!!!
WOW! ganda ng lola! =)
Uy! ok yan dancing school ako nag dadancing school din ako ngayon ala e… kumakapal taba ko eh.. pag d ako nag kikikilos. hahahah
di kaya dapat pag-aralan mo na ballroom dancing para sa ehem… heheh!
hoy mare! gusto ko rin pumasok ng dancing skul! wish ko lang…namimiss ko na rin talaga magsayaw!
forever graveyard shift ka na ata mare! gudluck sau!
Gusto ko rin dati yung graveyard shift, kakaantok lang minsan.Pero totoo yung wala ka nga nagagawa maghapon, kasi tulog ka sa araw. Maganda lang ang kita kasi nga iba yung rate.
masaya nga ang graveyard eh.
ok yung hauz nyo, dinescribe sabay sigaw ng isulong…hehe!
tnx girl..
p.e. ko tap dancing. mahirap lalo na pag matabang tulad ko, hehe=)
@lucedodelara – may pagkakataon pa para matutong magsyaw.. :) madali lang naman.. basta’t isabay mo lang sa tugtog ang iyong katawan.. :) lang tama o maling istep.. :)
@-k- – talaga? anong klaseng sayaw naman k? tagal ko nang balak magdancing school eh.. hanggang ngayon balak pa rin!! nyahahaha…
@neng – marunong naman ako magballroom ate neng.. kaso, si pare ata di marunong eh.. hehehehe.. tuturuan ko pa..
@lojik – habang ginagawa ko nga tong post na to, naalala kita.. kasi diba, napagusapan lang ntin dati na dancer ka rin pala!!! :) sana nga mare, wag naman forever eh!!!
@ann – i second the motion ate ann!!!
@major – masaya naman talaga GY eh.. la masyadong ginagawa.. aus ba ung bahay? hehehe.. naisngit syempre major!!!
@komski – talaga? tap dancing? aus un!! :) so bumili ka pa talaga ng sapatos para dun? madali lang un.. :) saya nga eh,,,
kamusta naman? sobrang nakaka-relate ako sa GY shift post mo dahil ganun din ang shift ko. nakakatawa nga e. parang hindi umuusad. bawat araw, pare-pareho. parang kahapon.
saan ka na ngayon? mukhang magkaka-sundo tayo dahil cybrarian din ako. that is, adiktus sa computer. gusto ko nga maging hacker eh.
i appreciate your blog. stylish. iba ang dating.
:3
===