nang dahil kay komski…..

Posted almost 6 years ago emo daw, writings

oo dahil kay komski kaya ako gumagawa ng post ngayon.. hehehe.. talagang sinisi?! bisitahin nyo ung blog nya.. nakakahawa kasi ang pagdadrama at ang ganda pa ng tula…. medyo di naman pare-parehong ung pagdadrama namin pero dahil umuulan kaya ganon ang epekto…

umuulan.. may gusto kang yakapin pero wala naman sya.. nasa malayo.. ang tanging naririnig mo ay ang kanyang boses mula sa kabilang linya ng telepono.. wala kang magawa.. walang ibang magawa kundi ang sabihin na mahal mo sya.. sana lang nararamdaman nya..

bitin pa ang pag-uusap nyo.. dahil sa kulang ang minutes.. iniisip mo tuloy kung kelan mo ulit syan makakausap ng matagal.. makakausap na kaharap mo sya.. na mahahawakan mo.. kelan nga kaya mangyayari un? kelan? kelan? kelan?

pagkatapos nyong magusap, sa text naman.. pudpud naman ang daliri nyo sa kakasend ng mga message na sana’y personal nyong sinasabi.. ok lang maubos ang load, basta di maputol ang paguusap nyo.. makikitext na lang kung saka-sakaling maubusan ng load.. kahit na magkaiba ng time zone ay hindi iniinda ang pagkaantok.. ok lang mapuyat o ma-late sa trabaho basta makausap mo sya..

minsan tabi pa kayong matulog kahit alam mong imposible.. kahit sa text lang bakit hindi.. miss na miss mo na talaga sya.. pero wala ka pa ring magawa…

di pa rin tumitila ang ulan.. parang alam ng panahon ang nararamdaman mo.. sakto! parang kelan lang, magkasama pa kayo habang umuulan.. ok lang ung ulan noon eh.. pero ngayon.. iba na.. sa bawat patak ng ulan at pumapatak din ang luha mo.. malungkot ka dahil gusto mo syang makasama.. pero wala kang magawa… wala..

natapos na kayong magusap, di na rin kayo magkatext.. naisipan mong itulog na lang ang iyong problema.. at ika’y umaasang sana bukas, pagtila ng ulan, kasama mo na rin sya… sana nga…

*umuulan ngayon sa pilipinas.. siguro kung mababasa mo to, malalaman mo agad na ikaw tinutukoy ko.. mahal na mahal kita… dito lang ako…..

umuulan…

Posted almost 6 years ago Uncategorized

ewan ko pero masarap sa pakiramdam kapag ganitong umuulan. siguro ay dahil malamig, at tanging mga patak lang ng ulan ang maririnig mo. alam ko na, gusto ko kapag umuulan dahil mas masarap mag-isip, magmuni-muni, at minsan,

mag-senti, hehe.

parang nakapagpapakalma ang tunog na likha ng pagpatak ng ulan sa bubong at kalsada, pero parang lang naman. parang masarap tumigil na lang muna sa ginagawa at magpahinga sandali habang pinapanood ang pag-agos ng tubig ulan sa alulod, kanal at kalye. pero meron namang walang magagawa kundi magpatila ng ulan dahil wala silang dalang payong, na tulad ko ngayon.

kelan ko lang naisip na siguro ay balewala lang tong mga tulang ginagawa ko. ni hindi ko na alam kung may nakakabasa nito o kung meron man ay kung may nakaintindi. Gusto kong marinig kung paano ito babasahin ng ibang tao, dahil tingin ko ay magiging iba to sa paraan ko ng pagbanggit sa mga linya ng mga inimbento kong tula.

medyo parang nakakatawa nga yung pagtula ko (medyo na nga, parang pa, hehe) kaya ginagawa ko lang kapag walang tao na malapit, o kaya mahina lang habang malakas akong nagpapatugtog ng mga kanta ng parokya o kamikazee.

naririnig mo ba ako?

Posted almost 6 years ago Uncategorized

naririnig mo ba ako?

may nasabi ba akong masama
at hindi ka na nagsalita
may mali ba akong nabanggit
ba’t makausap ka’y pinagkait

nagalit ka ba sa mga salita
nainis kaya sa mga narinig
hindi ba iyon ang iyong ibig?
sabihin mo naman…
ang nais mo’y sa aki’y iparinig

ang sinabi ko lang naman
ay ang lahat ng nilalaman
nitong puso kong itong
ikaw ang ang minamahal

huwag naman sanang maging matagal
ako ngayon ay nahihirapan
naghihintay, nag-aabang
niloloob mo’y gusto kong malaman

ayaw mo bang ikaw ay aking mahalin?
hindi mo gustong sa puso ko’y ika’y dalhin?

ninais ko lang naman na sa iyo’y ipaalam
masakit ba sa loob mo, ito na ba’y katapusan?

sana.. sabihin mo naman…

holding on

Posted almost 6 years ago inlove


im holding on.. no matter what..
im holding on.. coz i want you..
im holding on.. i promise..
im holding on.. coz I LOVE YOU…i wanna wake up and see your face…
i wanna be beside you til our dying days..
i wanna hold you tight and kiss your lips..
i wanna be with you, the one i truly miss..

I LOVE YOU with all my heart
I’VE LOVED YOU right from the start
I LOVE YOU and this is so true
I LOVE YOU and i don’t want anybody but you…

ILOVEYOU.. ILOVEYOU..

I MISS YOU… I LOVEYOU….

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.