hindi ko na ata kaya to

No Comments » July 30, 2006 » 1327 days ago
Uncategorized

i need to see your face. the one that made my eyes melt the first time i saw it. the one that made my heart beat like it never did before and made my thinking stop for a while for my mind can’t immediately grasp the thought that you are real. i need to hear your voice. the voice that that made my ears hear an indescribable melody, incomparable to anything that i ever heard before. let me have this chance to listen as you speak my unworthy name. may i take every word that you say as a song that will forever be strung by the mellow breeze of your breath. may it be a whisper, a hum or a sigh, for even in your silence, i could still heed the blissful tune that your eyes chant. i need to feel your touch. the very touch that my skin have long dreamt of. the feeling that i could only imagine, will your feeble hands be so soft like cream or as smooth as silk, or more likely to be both and maybe even more. i need feel your presence, how your sweet scent sweeps me of my feet for you are all that i breath and you are all the i live for. i need to see you face, hear your voice, know your name. i need feel your touch, to smell your hair and i need you. please let me fall in love with you all over again.

ako? Pamilyado?

No Comments » July 29, 2006 » 1329 days ago
blabbers, buhay bahay

habang ginagawa ko ito ay nagpi-prito ako ng manok, nakikinig ng radyo at nagbabasa ng libro ni Bob Ong.. kung pano ko ito nagawa ay di ko rin alam kaya’t wag mo nang itanong..

.. yan malapit nang matapos ang niluluto ko.. isang batch na lang ng manok pwede nang kumain.. kung bakit ako ang nagpiprito eh dahil na rin wala ang mga magulang ko ngayon dito. naglilipat pa kasi kami ng gamit eh. kahit na sinabi ng nanay ko na sya na lang daw ang magpiprito pagdating nya, naisipan ko pa ring ako na lang ang gumawa.. tutal bored na ko dito sa bahay at para naman magkasilbi ako..

habang tumutugtog ang spongecola sa background at naririnig ko ang tilamsik ng mantika, bigla kong naisip, handa na kaya akong mag-asawa? kaya ko na kaya? di ko pa rin masasabi ngayon.. syempre naman, sooner or later, maga-asawa ako (sana!), iniisip ko kung pano kaya akong maybahay? kayanin ko kaya ang ginagawa ng nanay ko na may trabaho tapos paguwi eh, magluluto, maglalaba at kukulitin pa ng kanyang apat na anak at asawa?

nakakapagod siguro un pero dahil na rin sa pagmamahal nya sa amin eh nakakayanan nya.. ako kaya? madalas akong tanungin kung may balak na raw ba akong lumagay sa tahimik.. ang sagot ko lagi.. “kung sarili ko nga di ko pa maalagaan, un pa kayang mga anak at asawa ko?”

bata pa naman ako kung tutuusin.. di pa ako dapat nagiisip ng mga ganitong bagay pero di na rin ako bumabata.. 2-3 years from now, nasa “marrying stage” na rin ako.. kelan pa ko matututo ng mga dapat gawin kapag may pamilya na ko? ngayon na diba? … siguro start na itong pagluluto ko ngayon.. tama!!!

…. pero sana lang hindi masunong ung piniprito ko… hehehehe..

iyong likha

No Comments » July 25, 2006 » 1333 days ago
Uncategorized

umaasa ako sa pag-ibig na hindi pwedeng mangyari. gising akong nananaginip sa mundong nililikha ng aking imahinasyon. masaya akong binubulag ng pangarap kong nananahan sa huwad na mundong hindi mo sinasadyang mabuo, dahil ang liwanag mo ang siyang nagpapadaloy sa nananalaytay kong dugo. binubuhay ako ng naiwan mong alaala, mga mumunting bakas na naipon sa ating naglaho nang nakalipas. napako ako sa kahapong pilitin ko man ay hindi ko malimutan. nakulong ang puso kong hindi makausad sa kasalukuyan, pagkat ito’y bigo sa kwentong hindi na muling nasundan, kaya’t nakuntento sa mga pilas na pahinang walang sawang binabalik-balikan. Hindi mo man batid na ang pagmamahal mo ang siyang aking matagal nang ninanais na makamtan. Isang imposibleng damdaming higit pa sa laan mong pagkakaibigan na alam kong hindi kailanman mo ako kayang pagbigyan. lingid man o hindi sa kaalaman mong ang paghahangad na ito’y wala pa ring patutunguhan. Hindi ko masisilayan ang mga ngiti mong idudulot ng inaasam kong pagsasama natin habambuhay. Madarama pa ba ang init ng paglalambing mo sa kinabukasang hindi ko inaasahang darating? kakapit akong mariin sa panandaliang ilusyon na ito habang unti-unting kumakawala sa aking kamalayang tangan.

Nagdadrama-dramahan na naman

No Comments » July 24, 2006 » 1334 days ago
Uncategorized

Kanina ko pa sinusubukang i-send ang message na naglalaman ng aking nadarama para sa yo. “Minamahal kita, sana malaman mo” ang sabi ko, tas sunod-sunod kong pipindutin ang options… send… search… 5… down… down… down… down… ok… ok. sending message….

check operator services.

Ewan ko ba bakit kung kailan wala na akong load tsaka ko pa sinusubukang i-send ang ganitong mensahe, lagi na lang. Siguro ay ayaw ko rin namang matanggap mo ito galing sa akin dahil hindi ko rin naman alam kung anong mangyayari kung sakali ngang malaman mo.

Ang makapagsend kapag walang load, imposible di ba? Pero kasing-imposible rin kaya ito ng pagmamahal ko sa iyo? Mararanasan ko ring bang makatanggap ng parehong text message mula sa iyo?

Imposible rin.

Magkataon mang magsend ang text message kahit wala akong load ay hindi nangangahulugang mamahalin mo na rin ako.

When you finally find your ‘everything’, I know, by then I would be ‘nothing’, to you. But I hope that you’d remember that as soon as you lose ‘everything’, you’ll be left with, what else but ‘nothing’.

Makaapat na beses ko nang binuksan ang pc ko dahil gusto kong magsulat tungkol sa nararamdaman ko, iniisip kita. Hindi na nga kita maialis sa isipan ko. Ni hindi nga ako makapagsulat nang maayos ngayon dahil natutulala na lang ako bigla, iniisip ka.

Wala akong nagawa ngayong araw dahil dito.

Likod ng notebook

No Comments » July 23, 2006 » 1335 days ago
Uncategorized

igagapos ko ang mga kamay ng relo
kung mapipigilan nito ang oras sa pagtakbo
ikakadena ko ang buong mundo
nang hindi na lumipas pa
itong saglit na ako’y kasama mo

sa aking paggising ay ikaw ang nasa isip
bago pa man mamulat ang aking mga mata
pagkat kasama kita sa aking panaginip
ngunit pagdilat ko’y wala ka naman pala

hindi ko mabitawan ang iyong alaala
buhay ko’y naiwan sa ating nakalipas
ikaw pa rin ang siyang nais kong makita
larawan mo sa isip ko’y hindi kumukupas

boses mo sana ay muli kong marinig
ngalan mo ang siyang sana sinasambit
mula noon ay ikaw lang ang iniibig
dito sa puso ko’y ikaw ang nakaukit

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.