tara na, sama ka

No Comments » July 1, 2006 » 1359 days ago
Uncategorized

“kamusta na? ok pa ba si komski?”

ang totoo ay hindi ako makakasagot ng mabilis sa tanong na yan. Ito ang isa mga araw na wala kong magawa kundi mag-isip sa kung anu-anong mga bagay na itinututing kong mga problema. Mga problemang kahit hindi ko pa nararamdaman ang bigat ngayon pero inaasahan ko na sa hindi nalalayong panahon ay makikita ko ang kahihinatnan. Pasensya na rin dahil hindi ko talaga masabi kung ano talaga ang tinutukoy ko. HIndi ko nga alam kung naguguluhan lang talaga ko o ano, kasi naman, depressed mode ako ngayon.

tara na, sama ka

ngumiti kang kahit sa maliit lang na dahilan
dahil ang masaya mong mukha ang siyang naiibigan
tumawa kang wala kahit konting pakialam
ito’y musika kapag aking napakikinggan

magbiro ka kahit sobrang korni naman
tatawa pa rin ako’t lubos na masisiyahan
umawit kang parang lasing sa bidyokehan
sintonado ma’y ikaw pa ring papalakpakan

problema mo’y isantabi mo na lang
kapag kasama ko’y lahat ay iyong kalimutan
alisin mo sa isipan ang hindi naman kailangan
para naman gumaan-gaan ang iyong pakiramdam

bawat oras natin ay huwag hayaang masayang
sa pag-iintindi ng mga walang katuturan
umindayog ka sa himig ng tadahana’t kapalaran
maging ito ma’y nakalilito’t mahirap sundan

tumingin ka sa hinaharap, ang iyong kinabukasan
anong mangyayari sa ‘yo kung magmumukmok ka lang
lahat ng pagsubok ay siguradong malalampasan
tutulungan pa kitang humanap ng paraan
huwag pasisindak sa mga sagabal o anumang harang
alam kong mga pangarap mo’y siya pa ring makakamtan

kaya’t ngayo’y ako’y iyong palaging samahan
sa tabi ko’y wala sa ‘yong makasasaktan
mamahalin kita’t habambuhay pakaiingatan
puso ko’y sa iyo lang buong-buong ilalaan

ngumiti kang parang isang monalisang larawan
lagyan mo ng kislap ang mga matang nanglalamlam
pasayahin mo ang pusong kanina pa nagdaramdam
sa nakalipas, ikaw na ay, sa wakas, magpaalam

tayo na dyan, tara na, hindi kita bibitawan.

 

( aaminin kong sa sarili ko sana sinasabi ang tulang yan )

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.