kundiman

karmi. komski. parehong 20-something. frustrated writer. rockstar wannabe. madrama. naruto fanatic. mahilig kumanta. cam-whore. charmed addict. loves twitter. writer kuno. isip-bata. idol si BO. mastermind ng komski quotebox. makulit. computer geeks. pero mas geek pa din si komski. mababaw ang kaligayahan. 14.

Chat with: karmi | komski | komski
*plugoo chat (opens in new window)

  • Aira Bongco: Wow cute contest. Very nice idea. May questions po ako. Kailangan po ba matagal na yung blog? And also,...
  • enday: waaah… haba ng mechanics.. gusto kong sumali… haha.. hanap nga ako ng problema para madrama...
  • LJ: parang masaya ito! at parang ang galing mo ring mag-market :)) EMO nga ‘tas masaya hahaha. Pero oo, masaya...
  • jeniffer: ang sweet.. malayo man.. mararating din.. parang globe lang.. piniktyur pa talaga hehehe.. :) adik nga raw...
  • pmonchet: Ito na ang pagpapakalat ng contest. ang problema lang baka walang magbasa ng blog ko....
  • Rob: hindi man ako madrama, sadyang malungkot ang buhay ko. hindi nakakapagtaka na sa edad kong ito, hindi ko pa alam...

Subscribe to my feed




“ikaw lang nandito?”
“iniwanan nila ko lahat e”

“bakit naman?”
“ayun o, nanonood ng pacquiao”

Sabay turo sa kalapit na karinderya na nasa tabi lang ng bilihan ng isda na ngayo’y pinalilibutan na ng mga kalalakihan at mga bata na sa tingin ko ay hindi naman talaga pakay ang kumain. Laban nga pala ng people’s champ Manny Pacquiao kay Oscar Larios, Mano a mano, philippines vs. mexico. Ramdam na ramdam ang pacquiao fever dahil na rin sa kanta niyang kanina pa paulit-ulit na pinatutugtog ng muslim na nagbebenta ng pirated cd’s.

“Konti lang naman ang tao, di ba?”
“Hindi nga kami nakabenta e, kayo ba?”

“Nabili lang e yung sandong may mukha ni pacquiao, hehe”
“Merong ganun?”

“Joke lang=) Pero meron akong nakitang ganun sa divisoria”
“hehe… Nononood siguro mga tao ngayon sa mga bahay nila”

Sobrang konti lang talaga ang mga taong namalengke ngayon, siguro dahil hindi na sila makaalis sa harap ng kani-kanilang telebisyon at nakatutok sa kapanapanabik na laban. Kasama ang tatay ko sa mga nagsipagtambay sa karinderiang pinagmumulan ng malakas na hiyawan sa kada suntok na tumatama sa kalaban, kaya kahit hindi manood ay magkakaideya ka na kung sino ang nananalo. Makikita mong masaya silang lahat at kunwari pang magpupustahan kahit si manny naman talaga ang pinaniniwalaang mananalo sa pagtutuos.

“Ba’t ikaw? ayaw mong manood?”
“Uy, may bumibili sa inyo o..”

Biglang naputol ang aming usapan dahil sa dumating na istorbong kostumer. Agad naman akong umalis para puntahan ang nakabisikletang tineydyer na panigurado namang walang pera at nakikigulo lang. Tumitingin siya ng shorts na pambasketball na sana pala’y tinakpan ko na lang kanina para hindi na niya nakita.

“Anong hanap niyo?”
“Magkano ‘to?”

“Sikwenta isa… bibili ka?”
“… titingin muna ko”

“kulay lang naman ang pinagkaiba… kukuha ka?”
“sige, babalik na lang ako”

Sabi ko na nga ba’t isa lang siyang nakakabadtrip na istorbo. Minsan-minsanan ko na lang nga makakausap ang magandang tindera sa kabilang pwesto e nang-iistorbo pa. Agad naman akong bumalik sa aking tinutukoy na kanina ko pa tsinetsempuhan kausapin kaya buti naman at wala pa ring ang kaniyang mga kasama, lalo na ang nanay niya.

“kamusta?”
“Wala ka ring magawa no?”

“Hindi naman, naiistorbo ba kita?”
“hehe, ok lang”

Ngayon ay pinapanalangin ko na sana ay umabot hanggang 12 rounds ang laban para naman humaba-haba ang oras na makasama ko siya.

July 2nd, 2006 | starstruck

dahil wala naman akong masyadong ginagawa, naghanap ako ng mga video sa youtube… kung anu-ano lang.. mga shows sa pinas, mga artista.. nasabi ko na bang die-hard fan ako dati nila jolina and marvin? at ng GIMIK? yup.. 2nd yr highschool ata ako nun.. kaaway ko ang mga kaklase ko na mahilig sa TGIS.. korny oo, pero nakakamiss din pala..

tinype ko ang pangalan ni jolina magdangal.. ang dami ring lumabas na mga video.. naalala ko tuloy kung gaano ako ka-fanatic sa kanilang 2 ni marvin agustin.. may scrapbook akong ginawa.. bumibili ako ng mga magazine, ginugupit ko ang mga pictures nila.. sayang nga lang at nawala na ung ginawa ko.. gusto ko sila ang magkatuluyan dahil bagay naman sila eh.. happy ending ang gusto ko sa kanila.. kaso, tumanda rin ako, at nawalan ng interes sa kanila.. lumipat din si jolina sa channel 7, naiwan si marvin sa channel 2..

maraming nagsasabi na magkakaroon sila ng bagong pelikula.. inabangan ko rin un.. papanoorin ko syempre! hehehe.. pinanood ko ata lahat ng pelikulang pinagbidahan nila! FLAMES The Movie; Kung Ayaw Mo, Wag Mo; Labs Kita, OK Ka Lang; at Hey Babe.. kaya ko rin sinubaybayan ang GIMIK dahil sa kanilang 2… nakakamiss talaga! hehehe..

kaya naman, naaliw lang ako sa mga video na nakuha ko… enjoi! :)


ASAP - Jolina Magdangal, Rico Yan, Diether Ocampo, Bojo Molina - hahaha.. naaliw ako dito! mega-kanta talaga sila.. sayang nga lang at kulang sila..


Jolina Magdangal and Marvin Agustin - Kapag Ako ay Nagmahal - waahahahaha… halatang lipsync pero ok lang.. :) ang jologs ko talaga!!!


Labs Kita, OK ka Lang - famous lines.. ewan ko ba, sobrang naka-relate ako dati sa mga linya ni Jolina..
Budjoy: Kaibigan mo lang ako.. and i made the biggest mistake of falling in love with my bestfriend

hay.. nakakamiss talaga!!! nakakaaliw, balik-balikan ang nakaraan.. :) ang jologs ko pa rin talaga!!!!

July 2nd, 2006 | so random

parang magkakasakit ako eh.. (x_x)ano bang pwedeng gawin para maging busy?

para di masyadong mag-isip? hmmmmmm….

ang sakit na talaga ng ulo ko….

siguro nga oras na para may gawin naman akong kapaki-pakinabang..

kaso ano naman?

la rin akong mai-post na matino…

hay….

makatulog na nga…

ay kaso, nasa trabaho pala ako.. :)
back to work na nga…