hindi ito isang tribute

Post Info 2 years, 4 months ago by komski

“ikaw lang nandito?”
“iniwanan nila ko lahat e”

“bakit naman?”
“ayun o, nanonood ng pacquiao”

Sabay turo sa kalapit na karinderya na nasa tabi lang ng bilihan ng isda na ngayo’y pinalilibutan na ng mga kalalakihan at mga bata na sa tingin ko ay hindi naman talaga pakay ang kumain. Laban nga pala ng people’s champ Manny Pacquiao kay Oscar Larios, Mano a mano, philippines vs. mexico. Ramdam na ramdam ang pacquiao fever dahil na rin sa kanta niyang kanina pa paulit-ulit na pinatutugtog ng muslim na nagbebenta ng pirated cd’s.

“Konti lang naman ang tao, di ba?”
“Hindi nga kami nakabenta e, kayo ba?”

“Nabili lang e yung sandong may mukha ni pacquiao, hehe”
“Merong ganun?”

“Joke lang=) Pero meron akong nakitang ganun sa divisoria”
“hehe… Nononood siguro mga tao ngayon sa mga bahay nila”

Sobrang konti lang talaga ang mga taong namalengke ngayon, siguro dahil hindi na sila makaalis sa harap ng kani-kanilang telebisyon at nakatutok sa kapanapanabik na laban. Kasama ang tatay ko sa mga nagsipagtambay sa karinderiang pinagmumulan ng malakas na hiyawan sa kada suntok na tumatama sa kalaban, kaya kahit hindi manood ay magkakaideya ka na kung sino ang nananalo. Makikita mong masaya silang lahat at kunwari pang magpupustahan kahit si manny naman talaga ang pinaniniwalaang mananalo sa pagtutuos.

“Ba’t ikaw? ayaw mong manood?”
“Uy, may bumibili sa inyo o..”

Biglang naputol ang aming usapan dahil sa dumating na istorbong kostumer. Agad naman akong umalis para puntahan ang nakabisikletang tineydyer na panigurado namang walang pera at nakikigulo lang. Tumitingin siya ng shorts na pambasketball na sana pala’y tinakpan ko na lang kanina para hindi na niya nakita.

“Anong hanap niyo?”
“Magkano ‘to?”

“Sikwenta isa… bibili ka?”
“… titingin muna ko”

“kulay lang naman ang pinagkaiba… kukuha ka?”
“sige, babalik na lang ako”

Sabi ko na nga ba’t isa lang siyang nakakabadtrip na istorbo. Minsan-minsanan ko na lang nga makakausap ang magandang tindera sa kabilang pwesto e nang-iistorbo pa. Agad naman akong bumalik sa aking tinutukoy na kanina ko pa tsinetsempuhan kausapin kaya buti naman at wala pa ring ang kaniyang mga kasama, lalo na ang nanay niya.

“kamusta?”
“Wala ka ring magawa no?”

“Hindi naman, naiistorbo ba kita?”
“hehe, ok lang”

Ngayon ay pinapanalangin ko na sana ay umabot hanggang 12 rounds ang laban para naman humaba-haba ang oras na makasama ko siya.

Post a Response Comment icon Posted July 2nd, 2006 at 1:00 pm

Leave a Reply

Get updates as often as we post! Subscribe to our full feed or comments feed.