dahil wala naman akong masyadong ginagawa, naghanap ako ng mga video sa youtube… kung anu-ano lang.. mga shows sa pinas, mga artista.. nasabi ko na bang die-hard fan ako dati nila jolina and marvin? at ng GIMIK? yup.. 2nd yr highschool ata ako nun.. kaaway ko ang mga kaklase ko na mahilig sa TGIS.. korny oo, pero nakakamiss din pala..
tinype ko ang pangalan ni jolina magdangal.. ang dami ring lumabas na mga video.. naalala ko tuloy kung gaano ako ka-fanatic sa kanilang 2 ni marvin agustin.. may scrapbook akong ginawa.. bumibili ako ng mga magazine, ginugupit ko ang mga pictures nila.. sayang nga lang at nawala na ung ginawa ko.. gusto ko sila ang magkatuluyan dahil bagay naman sila eh.. happy ending ang gusto ko sa kanila.. kaso, tumanda rin ako, at nawalan ng interes sa kanila.. lumipat din si jolina sa channel 7, naiwan si marvin sa channel 2..
maraming nagsasabi na magkakaroon sila ng bagong pelikula.. inabangan ko rin un.. papanoorin ko syempre! hehehe.. pinanood ko ata lahat ng pelikulang pinagbidahan nila! FLAMES The Movie; Kung Ayaw Mo, Wag Mo; Labs Kita, OK Ka Lang; at Hey Babe.. kaya ko rin sinubaybayan ang GIMIK dahil sa kanilang 2… nakakamiss talaga! hehehe..
kaya naman, naaliw lang ako sa mga video na nakuha ko… enjoi! :)
ASAP – Jolina Magdangal, Rico Yan, Diether Ocampo, Bojo Molina – hahaha.. naaliw ako dito! mega-kanta talaga sila.. sayang nga lang at kulang sila..
Jolina Magdangal and Marvin Agustin – Kapag Ako ay Nagmahal – waahahahaha… halatang lipsync pero ok lang.. :) ang jologs ko talaga!!!
Labs Kita, OK ka Lang – famous lines.. ewan ko ba, sobrang naka-relate ako dati sa mga linya ni Jolina..
Budjoy: Kaibigan mo lang ako.. and i made the biggest mistake of falling in love with my bestfriend
hay.. nakakamiss talaga!!! nakakaaliw, balik-balikan ang nakaraan.. :) ang jologs ko pa rin talaga!!!!













Dumadaan yata talaga sa ganyan ang lahat, hindi sa pinas lumaki yung anak ko pero avid fan din sya ng mga nakikita nya sa TFC. Ngayon pa lang isama raw namin sa skedyul sa bakasyon ang pagpunta sa abs-cbn.
hai… akala ko ay first honor ako… hohumm…
jologs ka?! oo nga at jologs ka= jolina+organization= jologs!
hehehe… kakaaliw ka naman…
parang pwede ka yatang consultant ng iMDB page ni jolina… talk about marvinm and jolinas filmography!!! hahaha!
miss you ate karmi!!!
meron ba kayong gma pinoy tv? kasi kakatuwa sobra yung show na i love new york. grabe katuwa ang loveteam na jolina+marvin. kapag scene na nila sakit ng tiyan ko sa kakatawa. d best si jolens! ^__^
interesting blog hehe… i’ve made a pinoy entertainment blog nga pala hope makavisit u.. http://markzchannel.blogspot.com tnx!
@ate ann – talaga ate? pupunta kau ng abs-cbn? hehehe.. lam mo ba, nagbalak kaming magkakapatid na pumunta ng wowowee o kaya eat bulaga! nyahaha.. kaso, nung nasa pinas na kami, medyo naisip namin na korny.. :) kaya di na namin natuloy… sayang din nga eh, kasi gusto ko ring makita ung mga host.. :)
@jude – pwede na ba? hehehe.. pwede na bang presidente ng fans club?! nyahahaha…
miss na rin kita!!!
@maureen – meron din kaming GMA Pinoy TV.. :) dapat meron pareho.. minsan ko lang napapanood ung ILoveNY kasi may pasok ako ng gabi.. eh gabi ung timeslot.. pero masaya ako dahil may show sila na magkasama!! :) d best talaga un! hehehe
@markzchannel – thanks for the visit.. :) sige daan ako sa bahay mo.. :)
hindi ko na nga napapanood yung i luv ny mnsan, kasi may classes din kasi ako sa gabi or nakakaligtaan ko lang :( basta kakilig tlg clang 2!! at si jolina grabe kakatawa xa tlg, d best ^___^
omg! hahaha kaka aliw naman.