maligayang bati

Add comments July 9, 2006 » 1343 days ago
blabbers

nanay ko nga pala... maligayang bati sa babaeng pinakaimportante sa aking buhay.. kung wala sya, wala siguro kaming magkakapatid ngayon dito…

happy birthday mama!!!!!

wow, birthday na naman ng nanay ko.. panibagong taon, panibagong buhay.. sobrang thankful talaga ako dahil sya ang naging nanay ko.. kahit na lagi ko syang inaaway, (sorry po!) nandyan pa rin sya, handang magmahal at alagaan kami.. :)

tuwing birthday nya, laging may ganitong paguusap…

ako: ma, anong gusto nyong regalo sa birthday nyo?

mama: wala naman.. kaw na lang bahala..

ako: eh ma, di ko nga alam ung gusto nyo eh.. sabihin nyo lang kung ano nga…

mama: hmmm.. pakabait ka na lang kaya…

ako: *speechless*

ako: ma, pwede bang ibang regalo na lang?

di naman sa di ko kayang magpakabait.. hehehe, tinatry ko naman.. taon-taon kasi, hirap na hirap akong maghanap ng regalo para sa nanay ko.. kahit ung mga kapatid ko.. napaka-simple lang kasi nya.. lang masyadong kaartehan sa katawan.. kahit anong ibigay mo, ok lang.. basta galing sa puso.. naalala ko noon, nagbigay lang kami ng card, tapos kumain sa labas.. masaya na nun ang nanay ko.. basta magkakasama kami… ok na kay mama un..

pero ngayong taong to, gusto ko naman maiba.. actually, sumakto sa kanyang kaarawan ang pagkakaroon namin ng bagong bahay.. kaya naman tuwang-tuwa ang mama ko.. di pa rin talaga sya makapaniwalang may sariling bahay na kami.. gusto ko, kami namang magkakapatid ang magasikaso sa kanya.. gusto ko, relax lang sya ngayon.. gusto ko, maging masaya sya…

kaya sayo aking ina, maligayang bati!!! mahal na mahal namin kayo.. malay natin, matupad ung birthday wish nyo… :)

Mga Kahalintulad na Posts



17 Responses to “ maligayang bati ”

  • Mmy-Lei says:

    maligayang kaarawan sa nanay mo!!!

  • ninong says:

    “magpakabait ka huh”… grabe nanay mo ano ambait pala.. swerte ni parekoy sa kanyang magiging biyenan hehehe..

    sana mahigitan mo pa ang iyong nanay sa pagiging simple pag ikaw ay naging ina na rin…

    ipaabot mo na lamang ang aking pagbati… maligayang kaarawan kay kumare…. ano nga pala pangalan hahahah

  • jhay says:

    Maligayang kaarawan sa iyong ina! :D

  • Ann says:

    Ganun talaga ang mga nanay, masaya na sa mga bagay na magandang nangyayari para sa mga anak nila, just simply say “I Love You”. mas higit sa anumang gift na pwede mong ibigay.

    Pero bakit di mo ibigay yung gusto nya…na magpakabait ka..hehehe..joke lang ha..Happy birthday sa mama mo.

  • karmi says:

    @mmy-lei – makakarating mmy-lei.. slamat! :)

    @ninong – reme po ang pangalan ni mama.. :) swerte? hehehe.. oo naman po.. sana lang eh maging biyenan nga…

    @jhay – maraming salamat jhay.. makakarating ang iyong pagbati…

    @ann – its the thought that counts naman diba ate ann? :) try ko nga po this yr eh.. ibibigay ko na ung regalo na gusto nya.. :) hehehe

  • rex says:

    haha! may tendency ngang ganyan ang mga nanay natin, yung pakipot pa kapag tinatanong kung ano gusto nilang gift.
    feeling ko kasi, kahit simpleng greeting lang, ok na sa kanila. deep inside, ang wish nila, ginagamit nila para sa atin.. =p

  • karmi says:

    @rex – tama ka.. sobrang kahit simpleng pagbati lang eh pwede na.. basta ang importante eh magkakasama kaung lahat… ang gusto lang nila ay ang kabutihan natin.. :)

    naku, kailangan na talagang magpakabait!!! hehehehe…

  • racky says:

    ^^ alles gute zum geburtstag ^^ kay mommy reme :)

    o, iha … panahon na nga na magpakabait ka … alang-alang kay mahal na ina! wait … baliw ka na pala, paano yan? hahahah

    may keyk, ice cream at balloon ba para sa amin?

  • karmi says:

    @ate neng – salamat sa pagbati.. tanggap na ni nanay na baliw na ko.. hehehe, la na ata syang magagawa..

    cge ate, papadala ako ng mga pagkain.. :)

  • masterbetong says:

    saan nabibili yung “pakabait ka?” yan din gustong regalo ni nanay sa bersdey n’ya e.

  • lojik says:

    huwaw ang sweet naman ni mareng jolens! totoo ba ito.heheh! joke lang. peace out.

    sana masama ng mama mo to. ara lam nia na proud ka sa kanya. heheh! kaya lang di niya pwedeng matuklasan tong blog mo!
    hahah

    hapi bertdey sa nanay mo! thank God for her. wala sana akong kumareng makulit sa blogosphere!

    hoy, pinagpalit na nga pala ang entrance at exit sa PUP. normal na siya.hehehhe!

  • melai says:

    happy birthday kay mama sabihin mo from me :)
    nakimama e no :)

  • karmi says:

    @masterbentong – di ko nga rin po alam master eh.. kung meron man, sabihan mo po ako ha.. baka buy one take one pa!!! :)

    @lojik – sa ibang paraaan ko na lang sasabihin na proud ako sa kanya.. hehehe, off-limits ang blog ko na to sa nanay ko at baka isipin nyang kailangan ko nang magpatingin sa doctor.. :) hehehe.. oo nga kung di dahil sa aking mahal na ina, di wala sanang nanggugulo sa mga bahay nyo.. :)

    @te melai – cge ate, makakarating.. hayaan mo, closeness na kau nun!!! :)

  • JoLoGs QuEeN says:

    < ==jologs wave==>
    aba. belated hapi bday sa iyong mudra.

    sakin b walang babati?

    hahaha \m/

  • karmi says:

    @jologs – maraming salamat po sa mga bumati sa aking inay.. :)

  • KaDyo says:

    chamachamachamachama-chameleon you come & go you come go hoo hehehe

    happy bersday sa nanay mo, many many more to come.

    “..pero ngayong taong to, gusto ko naman maiba…” bigyan mo kaya ng round the world vacation para maiba hehehe

  • karmi says:

    @KD – salamat kuya..

    hmm.. pagiisipan ko kuya.. hehehe, di pa kaya ng budget eh,., :) baka sa next years to come.. :)

Leave a Reply

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Give your voice a face! This blog uses Gravatars, or thumbnail-sized pictures that's linked up with the email address you use in commenting.

Spam protection by WP Captcha-Free

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.