naging masaya naman ang selebrasyon ng kaarawan ng aking ina kahapon.. kahit na antok-antok portion ako dahil 2 hours pa lang ang tulog ko, ok lang.. kami-kami lang din ang mga nandun.. mga tito at tita ko, at mga pinsan.. may lobo, cake, ice cream, tsitsirya at manok.. children’s party ang kinalabasan ng birthday nya..
dalawa ang cake.. ang kyut lang kasi nung cake the bilog.. ilang taon na ang nanay ko? (5×10) + (3×10)… la kasi kaming makitang number candle eh.. di ko napicturan ang mga handa! hehehe.. nung naalaala kong may camera pala ako, medyo parang dinaanan na ng bagyo ung mga pagkain! para sa aking mga online berks, kain na tayo… :)
sa tuwing birhtday nya, di sya nagbo-blow ng candle.. ngayong taon, parang hirap na hirap pa ata nanay ko.. :) hehehe.. teka lang, tama bang sungayan ako?! pampam!!!
bored na ang mga pinsan ko.. hehehe.. yan nga pala ang sala namin.. la pang laman, kaya naman tinambakan ng laruan ng aking kapatid.. yan naman ang mga tito at tita ko.. mga busog na kaya may panahon nang ngumiti sa camera…
hala sige lafang! hehehe…
gusto mo ng ice cream? hmmmmm.. sarap… :)
natapos ang selebrasyon na may ngiti sa labi ang aking ina.. nakakatuwa dahil, dream come true daw para sa kanya ang magcelebrate ng birthday sa kanyang sariling bahay.. parang may nakita nga akong luha sa kanyang kaliwang mata (kaliwa lang ha)… tears of joy daw.. naka naman.. hehehe.. nagdrama pa ang nanay ko.. :)
nga pala, salamat daw sa mga bumati sa kanya dito sa WWW.. sana daw ay magustuhan nyo ung inihanda nya para sa inyo.. :)












![E[kwento]MO: bawat emo, may kwento.](http://kundiman.net/wp-content/uploads/2008/09/emo-5-small.png)







