prends poreber
july 12, 2001 – 5 taon na ang nakakalipas ng maging official “es2pidas” sina thea, sheila, esel, love at carme.. naging magkakaututang-dila.. laging magkakasama sa lahat ng mga gala.. sa hirap at ginhawa.. naging groupmates din sa lahat ng mga thesis at projects para may dahilan para magovernight at maginuman.. nagkaroon ng mga jowa, nagbreak, nainlab ulit pero nanatili ang kanilang pagkakaibigan.. kahit na nagkaroon ng kaunting tampuhan na di naman maiiwasan, nanaig ang pagmamahal nila sa isa’t-isa..
2004 - official graduates na sila.. malungkot.. nagiyakan.. natakot na baka di na maging tulad ng dati ang samahan.. natakot sa mundong kanilang lalabasan.. maraming panibagong pagsubok, maraming bagong mukhang makikilala pero nangakong di mababago ang pagkakaibigan.. nagkaroon ng sari-sariling trabaho pero pinilit pa ring magkita-kita.. naging mas masarap ang bawat pagkikita dahil sa pananabik sa yakap ng kaibigan.. nananabik sa mga kwento ng bawat isa.. lahat ng mga litrato noon ay pinagtatawanan.. ang laki na pala ng pinagbago pero wala pa ring pagbabago sa samahan..
ngunit, dahil na rin sa sobrang hectic ng mga schedules, parang napakahirap na magkita-kita.. kaya’t sa pamamagitan ng celphone at telepono, nakakapagusap pa rin.. nagsasabihan ng problema sa lalaki, sa trabaho at kung anu-ano pa.. di pa rin nawala ang komunikasyon.. nagkikita-kita pa naman pero un ay kung may okasyon lamang.. o kaya isang buwan bago magkita-kita, nagpaplano na…
2005 - umalis si carme patungong ibang bansa.. panibagong pagsubok sa pagkakaibigan.. sobrang layo na nun.. di na pwedeng biglaang magkita-kita.. limitado na rin ang tawag dahil long distance.. buti na lang at may email at YM.. napuno ang mga email ng mga messages na “i miss you” at “sana nandito ka/kayo”.. pero di pa rin natitinag ang pagkakaibigang nabuo na ng panahon at pagmamahal… wala nang makakasira nito…
july 12, 2006 – 5 years na ang pagkakaibigan ng es2pidas.. ang dami nang pinagdaanan.. masasabing matatag na ang samahan… nananatili ang komunikasyon sa bawat isa.. hindi man magkakasama sa araw na ito, naiparamdam naman ang pagbati sa ibang paraan… es2pidas.. prends poreber!!!!
i love you mga tol!!!! miss ko na kayo…..







ganyan talaga ang magkakaibigan, kahit nasaang lupalop pa, kaibigan pa rin!!!
goodluck and more power sa inyo. sana magtagal pa!!!
ej mga es2pidas (ganda pakinggan, hehehe) … hapi anniversary!!!
mabuhay ang mga estupidas!!!!
mabuhay!!!!
kampay mga estupidas!!!!!!
Ang sarap ng may mga kaibigan…wala sa layo at dalang nang pagkikita yung friendship na andyan sa bawa’t isa.
malayo man, malapit din
magkaibigan pa rin
saan man makarating.
may sagot na yung quiz ko! :D