Likod ng notebook

Posted almost 6 years ago Uncategorized

igagapos ko ang mga kamay ng relo
kung mapipigilan nito ang oras sa pagtakbo
ikakadena ko ang buong mundo
nang hindi na lumipas pa
itong saglit na ako’y kasama mo

sa aking paggising ay ikaw ang nasa isip
bago pa man mamulat ang aking mga mata
pagkat kasama kita sa aking panaginip
ngunit pagdilat ko’y wala ka naman pala

hindi ko mabitawan ang iyong alaala
buhay ko’y naiwan sa ating nakalipas
ikaw pa rin ang siyang nais kong makita
larawan mo sa isip ko’y hindi kumukupas

boses mo sana ay muli kong marinig
ngalan mo ang siyang sana sinasambit
mula noon ay ikaw lang ang iniibig
dito sa puso ko’y ikaw ang nakaukit

bakit hindi

Posted almost 6 years ago Uncategorized

sa pagmulat lang
ng iyong mga mata
mo ako makikita.

sa pagtikom lang
ng iyong bibig
mo ako maririnig.

sa paglapit lang
ng iyong mga kamay
mo ako madarama.

sa paglaya lang
ng iyong puso
ka muling iibig.

uulan sabi e

Posted almost 6 years ago Uncategorized

“aybin, uulan! uulan!”
“ha?”

Nasa harap ako ng computer, isang umaga, at bigla na lang pumasok sa aming bahay ang anak ng pinsan ko na siguro ay wala pang limang taong gulang. Medyo hindi ko pa nga maintindihan ang sinasabi niya.

“uuyan, uulan!”

Iniisip ko ay kauulan lang kaya hindi ko alam kung bakit niya sinasabi sa aking uulan raw. At bigla na lang akong tinamaan ng ideyang kaya pala niya ko sinasabihan na uulan ay dahil kanina pa ako kumakanta.

naasar ako kagad, hehe.

pinapalabas ko siya ng bahay kasi nga asar ako pero pumasok pa rin siya hanggang sa tabi ko at kung anu-ano na ang sinasabi. Nagtanong tungkol sa litrato ng kasal ng nanay at tatay ko na nakasabit sa may dingding, hindi daw kamukha ng nanay ko. Syempre dahil matagal na yung litrato.

“uwi ka na”

At buti naman at lumabas na rin siya ng bahay namin pero bago pa man siya mawala sa aking paningin ay inulit na naman niya ang paalala niya sa akin kanina.

“uulan!”

walang hiyang bata, naisip ko.

emo

Posted almost 6 years ago emo daw

naramdaman mo na ba na parang minsan sobra na ung pagmamahal na binibigay mo? ung parang ikaw na lang ang laging nagbibigay? na wala nang natitira sau.. na kulang na lang eh ialay mo ang mga planeta sa taong mahal mo? pero wala ka namang nakukuhang kapalit? meron naman pero panay sakit lang sa ulo ang nakukuha mo.. naramdaman mo na ba na parang nata-take for granted ka na? na tinatanong mo na sa sarili mo kung mahal ka ba talaga nya?

bakit nga kaya may mga taong ganon? isang araw ramdam mo na sobrang mahal ka nya, tapos matapos ang sobrang sweetness, bigla na lang maglalaho na parang bula.. ano un, may expiration ba ang sweetness ng isang tao? at bakit ganon ang nangyayari? diba dapat hindi ito nawawala, kundi habang tumatagal dapat ay lalong lumalalim ang pagmamahal sa isa’t-isa?

minsan gusto ko nang sumuko, mag-giveup pero sa tuwing dumarating ang mga panahon na yon, iniisip ko na lang ang pinagsamahan namin.. sayang kasi, saka ayoko nang maghanap ng iba.. nakakapagod.. kasi bakit naman ganon, minsan parang ok lang sa kanya na di kami magusap.. parang ok lang na di ako magparamdam.. kaya nya na di kami naguusap kahit isang linggo,… eh ako?! gudluck! isang araw pa lang na di sya magparamdam, napapraning na ko.. waaaaaaa….

ayoko syang mawala sa akin.. pero di kasi maiiwasan ang magexpect.. kapag sumingit na ang expectations, patay na.. lalo na kapag di nami-meet ang mga expectations na un.. gulo na.. hay.. kumplikado talaga ang pag-ibig.. pero kahit na ganito ang mga nangyayari, mahal ko pa rin sya.. mahal na mahal…

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.