sa wakas!!

Posted almost 6 years ago blog update, meme

hehehe.. labas na ang chapter 10 ng kwento na sinimulan ng isang dyosa.. :) nakakatuwa lang kasi naging parte ako nito.. sana lang ay magustuhan nyo ang ending..

salamat sa pagtatagay sa akin ni ate pipay.. medyo nahirapan ako, pero nakakaenjoy lang na gumawa ng kwento..

enjoy!!!!

CHAPTER 10

Posted almost 6 years ago meme

Eto na..Mechanics:
1. Nagsulat si Dyosa ng isang kwento, galing sa fairyland nya.
2. Itutuloy ko at kailangang hindi isulat ang naunang kwento.
3. Mag-tag ng iba pang bloggers para madugtungan ang kwento.
4. Sa mga na-tag, dudugtungan ang kwento base lamang sa sinulat ng nag-tag sa kanila.
5. Bawal hanapin at basahin ang mga naunang kwento.

CHAPTER 10

“PANCHO, pano mo ko nasundan? wala akong utang sayo. wala!” sambit ni Pan-doy.

“Alam kong hinahanap mo si Eden, pano kung sabihin ko sayong alam ko kung nasan sya, magbabayad ka na ba?” sabi ni Pancho na kamuha ni Paquito Diaz. Nagisip ng mabuti si Pan-doy. Matagal na rin nyang hinahanap si Eden. Baka nga matulungan sya ni Pancho. Pero pano kung niloloko lang pala sya nito. Mahirap na.

“Pano naman ako nakasisiguro na totoo yang sinasabi mo? Alam mo talaga kung nasan si Eden?”

Kinalabit ni Digna si Pan-doy. “Fafa, alis na muna ako dito at pupunta muna ako dun sa beauty parlor. Hiring daw kasi eh, matagal ko nang pangarap na maging kasing-galing ni Fanny Serrano. Pwede bang pakawalan mo na ko. Sakit na ng leeg ko eh.”

Binitiwan ni Pandoy si Digna. Sobrang namumutla na sya sa pagkakasakal sa kanya. “Salamat fafa. Pwede pa-kiss?” request ni Digna.

“Wag na. Baka masapak lang kita. Sorry, di ako pumapatol sa bakla eh. Goodluck na lang sa iyong karir. Pag nagpunta ako dyan para magpagupit, libre ha!” hirit ni Pan-doy. Malay mo nga naman makalibre pa.

“Hmmmp! Kung di ka lang gwapo. Sige na nga. Babay Fafa.” sabay takbo ni Digna na parang mahinhin na dalaga.

“O ano Pan-doy payag ka na ba?” alok ni Pancho.

“Sige payag ako, basta ba isasama nyo ako sa paghahanap kay Eden. Naninigurado lang. Mahirap na, baka niloloko nyo lang ako.” paninigurado ni Pan-doy. “Pangako, babayaran ko na ang utang ko sa inyo, makasama ko lamang si Eden.”

Sumama sa paghahanap si Pan-doy sa grupo nila Pancho. Hinanap nila sa kung saan-saan. Nagpunta sila sa mga lugar na dati’y tambayan nina Pan-doy at Eden, mga restawran, pasyalan, mall at sa paborito nilang puntahan ang mga TV stations. Pero wala. Wala ni isang nakakakilala kay Eden. Nawawalan na ng pag-asa si Pan-doy ng biglang….

“Pan-doy, Pan-doy! Gumising ka!” sigaw ng taong nasa labas.

“MMMMMMMM! ano kaaaa bbaaaa… inaaaaantok pa ko eh….” sabi ni Pan-doy sabay kusot sa mata.

“Manood ka ng TV. Parang kamukha ni Eden. Kumakanta sya.”

“Ha?” dali-daling binuksan ni Pan-doy ang TV.. Search for the Pinoy Pop Idol ang palabas. Guest nga ang “look-a-like” ni Eden. Maganda ang boses kaya naman, positibong si Eden un, naisip ni Pan-doy.

“Puntahan natin yang TV station na yan. Gusto ko syang makita ng personal. Gising na ba sina Pancho? Gisingin mo na.” pagmamadaling-sabi ni Pan-doy. Na-excite sya kaya naman di na sya nakaligo. Nagbihis na lamang sya ng damit na suot pa ata nya kahapon pero ok lang. Gusto lang nyang makita ang mahal nyang si Eden. Gustong-Gusto.

Pumasok sila sa ABS-GMA. Di naman masyadong madaming tao kaya naman nakita nya agad ang look-a-like ni Eden.

“Eden!” sigaw ni Pan-doy sabay lapit nito.

“Eden! Ikaw nga.” sabay yakap kay Eden. “Ang tagal na kitang hinanap. Dito lang pala kita makikita. Ang ganda pa rin ng boses mo. Miss na miss na kita.” Niyakap ulit ni Pan-doy si Eden. Bakas sa mukha ni Pan-doy ang pagkatuwa, subalit naguguluhan naman ata ang look-a-like ni Eden.

“Teka, di kita kilala.” sagot ni Lavinia. “Hindi ako si Eden. Lavinia ang pangalan ko. Sino ka ba?”

“Lavinia? Nasan si Dorina este, ikaw si Eden. Kamukha mo kasi sya eh. Ikaw un.. ikaw un!”

“Di nga ako un, bakit ba ang kulit mo? lumingon si Lavinia sa kanyang ina. “Ma! Tumawag ka nga ng security. May fan dito na makulit.” Humarap ulit si Lavinia kay Pan-doy, “Umalis ka nga dyan.” sabay irap ni Lavinia.

Naiwan si Pan-doy na umiiyak. Akala nya’y nakita na nya si Eden pero di pa pala.. Kamukha lang pala nya ito. Kahit na nangyari ito kay Pan-doy, di pa rin sya sumuko. Hinanap pa rin nya si Eden. Napadalas ang pagtambay nya sa ABS-GMA dahil baka nagpupunta rin dun si Eden.

Sumikat na si Lavinia. Nandun pa rin si Pan-doy. Naging fan na nga ata sya ni Lavinia. Eh sa araw-araw ba namang nandun sya eh la na syang magagawa kundi manood ng live. Nagperform si Lavinia sa isang noontime show at syempre, nandun si Pan-doy. Natapos ang pagkanta ni Lavinia, nang may ipakilalang baguhang singer.

“Ladies and Gentlemen, introducing the new star Ms. Eden Pineda”

Palakpakan ang mga tao. Si Pan-doy nama’y nahulog sa kanyang kinauupuan. “Eden?” sambit nya. “Eden! Eden! Ako to, si Pan-doy.”

Lumingon-lingon si Eden habang kumakanta. Hinahanap ang pamilyar na boses. “Si Pan-doy un.” sabi sa sarili. Nakita nya ang mukha ni Pan-doy. Ngumiti sya. Di sya makapaniwalang makikita pa nya ang kanyang mahal matapos ang 5 mahahabang taon.

Natapos ang performance ni Eden. Pinalakpakan sya ng mga tao. Mas malakas pa kesa sa noong si Lavinia ang nagperform. Di iyon kinatuwa ni Lavinia. Ayaw nya ng may aagaw sa kanyang trono. Kaya naman sa backstage…

“Eden” sabi ni Lavinia habang may hawak itong baso ng tubig.

“Lavinia, idol. Nagustuhan mo ba? Alay ko sayo ang kanta kong iyon.” tuwang sambit ni Eden sabay yakap kay Lavinia.

Tinitigan lang ni Lavinia si Eden. “You’re nothing but a second rate, trying hard copycat” galit na sabi ni Lavinia. Nang tatapunan na nya si Eden. Biglang dumating si Pan-doy.

“Wag na wag mong babasain ang mahal ko. Wala syang ginagawang masama, mas magaling lang sya sayong kumanta. Tanggapin mo na un! Wag kang sore loser” sabi ni Pan-doy.

Nagulat si Lavinia sa sinabing iyon ni Pan-doy. “Bading ka ata kasi pumapatol ka sa babae eh. waaaaaaaa… mommy!!!!” umiiyak na sabi ni Lavinia, dahil sa napahiya, tumakbo na lang sya papunta sa kanyang dressing room.

“Pan-doy aking mahal. Akala ko’y di na kita makikita muli.” sabi ni Eden sabay yakap kay Pan-doy.

“Ako rin mahal pero ako’y may tiwala sa ating pagiibigan. Tunay at wagas ang aking nadarama para sayo. Ikaw na ang gusto kong makasama habambuhay…” sambit ni Pan-doy.

Dumating sina Pancho. “Ayan, Pandoy. Nakita mo na si Eden. Siguro nama’y mababayaran mo na ako.”

“Maraming salamat Pancho. OO naman babayaran na kita.” Dinukot ni Pan-doy sa pantalon ang isang gintong kwintas. “Heto, iyo na ang medalyon. Di ko na kailangan yan. Nakita ko na ang aking mahal.”

Natuwa si Pancho. Sa sobrang katuwaan nahalikan nya si Pan-doy. Masaya na rin sina Pan-doy at Eden. Sa wakas, matutuloy na ang naudlot nilang honeymoon. At anong nangyari kay Digna? Sya na ngayon ang personal alalay at beautician ni Eden. Watch out Fanny Serrano!

prends poreber

Posted almost 6 years ago heart-to-heart

july 12, 2001 – 5 taon na ang nakakalipas ng maging official “es2pidas” sina thea, sheila, esel, love at carme.. naging magkakaututang-dila.. laging magkakasama sa lahat ng mga gala.. sa hirap at ginhawa.. naging groupmates din sa lahat ng mga thesis at projects para may dahilan para magovernight at maginuman.. nagkaroon ng mga jowa, nagbreak, nainlab ulit pero nanatili ang kanilang pagkakaibigan.. kahit na nagkaroon ng kaunting tampuhan na di naman maiiwasan, nanaig ang pagmamahal nila sa isa’t-isa..

2004 - official graduates na sila.. malungkot.. nagiyakan.. natakot na baka di na maging tulad ng dati ang samahan.. natakot sa mundong kanilang lalabasan.. maraming panibagong pagsubok, maraming bagong mukhang makikilala pero nangakong di mababago ang pagkakaibigan.. nagkaroon ng sari-sariling trabaho pero pinilit pa ring magkita-kita.. naging mas masarap ang bawat pagkikita dahil sa pananabik sa yakap ng kaibigan.. nananabik sa mga kwento ng bawat isa.. lahat ng mga litrato noon ay pinagtatawanan.. ang laki na pala ng pinagbago pero wala pa ring pagbabago sa samahan..

ngunit, dahil na rin sa sobrang hectic ng mga schedules, parang napakahirap na magkita-kita.. kaya’t sa pamamagitan ng celphone at telepono, nakakapagusap pa rin.. nagsasabihan ng problema sa lalaki, sa trabaho at kung anu-ano pa.. di pa rin nawala ang komunikasyon.. nagkikita-kita pa naman pero un ay kung may okasyon lamang.. o kaya isang buwan bago magkita-kita, nagpaplano na…

2005 - umalis si carme patungong ibang bansa.. panibagong pagsubok sa pagkakaibigan.. sobrang layo na nun.. di na pwedeng biglaang magkita-kita.. limitado na rin ang tawag dahil long distance.. buti na lang at may email at YM.. napuno ang mga email ng mga messages na “i miss you” at “sana nandito ka/kayo”.. pero di pa rin natitinag ang pagkakaibigang nabuo na ng panahon at pagmamahal… wala nang makakasira nito…

july 12, 2006 – 5 years na ang pagkakaibigan ng es2pidas.. ang dami nang pinagdaanan.. masasabing matatag na ang samahan… nananatili ang komunikasyon sa bawat isa.. hindi man magkakasama sa araw na ito, naiparamdam naman ang pagbati sa ibang paraan… es2pidas.. prends poreber!!!!

i love you mga tol!!!! miss ko na kayo…..

Photobucket - Video and Image Hosting

Photobucket - Video and Image Hosting

http://www.freewebs.com/es2pidas

math instructor

Posted almost 6 years ago Uncategorized

sa pagtuntong mo sa ating silid-arala’y
hindi ko na maialis sa iyo aking mga mata.
sabihin man nilang mahirap ang math ay
magiging paborito ko, pagkat ika’y makikita.
mali man itong dahilan sa pagpasok ngayo’y
sadya naman akong walang magagawa,
dahil kahit walang credits ‘tong subject na to’y
mag-eenrol pa rin ako’t magkakandahirap pumila.

kahit madugong triple integral ang nakasulat
ay magiging maaliwalas pa rin ang pisara
dahil nasasapawan ang magugulong mga equations
ng natatangi mong ganda, sobra.
kahit ilang unknowns pa ang ipasolb mo sa aki’y
tamang sagot ay sisikapin ko pa ring makuha,
kung idudulot nito’y isang matamis na ngiti
sa iyong mukhang nakabibighani… sinta

uupo ako malapit sa harap nang baka ang hanging
umihip sa iyo’y sa akin mapatungo’t
malanghap ang samyo ng iyong pabango.
pakikinggan ko ang tinig mong itatanim ko sa
aking isipan, na kahit isang lesson na hindi
ko naman maintindiha’y alalahanin pa rin
sa buong araw’t magdamag.

ituturing kong mga loveletters ang mga exam
na iyong nang natsekan, kahit puro ekis, minus,
at pulos pasang-awa’y itatago ko ito sa
aking kwartong silid-tulugan,
nang baka sa aking pag-idlip ay lecture
mo pa rin ang siyang mapanaginipan.

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.