ang rootbeer ba ay beer din?

Posted 5 years ago blabbers, homesickness

warning:

ang susunod ng entry ay para lamang sa mga mambasang may edad 18 pataas.. wag akong sisisihin kung matapos mong mabasa ang entry ko eh, bigla kang mag-aya ng inuman.. at kung kilala mo naman ako ng personal, PLEASE WAG MO AKONG ISUSUMBONG SA MGA MAGULANG KO! deal? o sige basa na..

nga pala, drink moderately…

matagal-tagal na rin akong di nakakainom.. di ko na tuloy alam ang lasa ng serbesa.. la na akong pulutang pinapapak at wala na ring maboteng usapan.. la rin naman kasi akong kainuman eh.. ayoko namang uminom mag-isa dahil baka magemo lang ako sabay gawa ng MTV tapos iu-upload pa sa youtube.. baka sumikat lang ako.. sa pagmumuni-muni (nuninuninuninuni) ko, at sa tuwing naaalala ang nakaraan, marami na rin pala akong naiinom.. anu-ano na nga ba ang nainom ko? san mig, ginebra, gilbey’s, colt 45, red horse, margarita, chivas regal, fundador at emperador.. kadalasan eh ginebrang may halo ang iniinom namin sabay inom ng san mig light na panghugas daw ayon sa aking mga kaibigan.. wow, nakakamiss.. naalala ko, pati pala ang simpleng pomelo juice na walang halong gin eh naglalasang may gin na rin.. hahaha! try mo…

kelan nga ba ako nagsimulang uminom? 4th year highschool ako, kasama ang mga kaklase ko at ang commandant namin sa CAT.. nakalimutan ko na kung anong okasyon noon.. 15 years old pa lang ako, nalagyan na ng alak ang aking tiyan.. simula noon eh, napadalas ang pag-inom ko.. kasama ang mga kaibigan, kapag may problema, kapag stressed o kaya kapag may celcebration.. hindi nawawala ang inuman, parang kapag nagkita-kita kami eh alam na.. babaha na ng alak.. sabayan mo pa ng gitara at walang katapusang kwentuhan.. di naman ako malakas uminom.. di rin ako madaling malasing.. alam pa rin ng utak ko na kailangang umuwi at papagalitan pa ko ni mama.. madalas nga akong biruin na may catheter daw ako, dahil kahit marami na akong nainom, di daw halata.. kaya rin siguro maraming nag-aayang makipaginuman sa akin..

sabi ng marami, umiinom daw ang isang tao para makalimutan ang problema, para magkaroon ng lakas ng loob, para magsaya.. tama sila.. kailangan ng espiritu ng alak para mailabas ang tunay na nararamdaman.. pero para sa akin, ginagawa lang itong dahilan.. ang totoo nyan, malakas talaga ang loob mo, kailangan mo lang kumbinsihin ang sarili mo.. dyan pumapasok ngayon ang alak.. pam-push kumbaga…

maraming advantages at disadvantages ang pag-inom.. isa sa mga advantages ay ang pagkakaroon ng maraming kaibigan.. dahil kayu-kayo ang magkakasama at nagkakausap, napapasarap ang kwentuhan at inom, di mo namamalayan umaga na pala… isa pang advantage eh nagpapalakas ng loob.. kung lalaki ka at may gusto ka sa isang babae na sakto eh kainuman mo, ayos lang na magtapat ka.. siguraduhin mo lang na kinabukasan eh maaalala mo ang iyong ginawa.. baka akalain lang nyang nasabi mo lang yun dahil lasing ka.. at syempre, may disadvantage din ang pag-inom.. ito ay ang pagkakaroon ng “beer belly”.. kaya rin siguro ako nagkabilbil.. ayan kasi, inom pa!

ayos lang naman ang uminom, basta’t moderate lang at siguraduhing magbabayad ka pa ng pamasahe sa jeep at makakauwi ka pa sa inyo.. kung hindi ka naman talaga umiinom, ok lang un.. normal ka pa.. inom ka na lang ng rootbeer, masarap pa…

*ang mga image na ginamit ay sinearch lang sa internet…

one grande mocha frapp pls..

Posted 5 years ago emo daw, homesickness

one grande mocha frapp

yan ang inorder ko dito sa Starbucks.. di ko rin alam kung bakit ako nagkakape, eh dapat sa akin, matulog agad, pagkauwi… hay naku, gising ako maghapon nito.. kumuha na rin ako ng biskwit para agahan ko na ‘to…

barista: GRANDE MOCHA FRAPP for carm..
lumapit na ko..
barista: how do you say your name?
ako: Carme
barista: oh, Carme.. that’s a nice name
ako: thank you

kinuha ko ang aking kape at lumabas na ako.. napagpasyahan kong tumambay muna sa labas.. isang oras pa kasi akong maghihintay dahil sa bus.. isang oras tutunganga.. tumingin ako sa paligid.. para akong tangang may hinahanap na wala naman talaga.. panay mapuputi at blonde ang buhok ang mga nakikita ko.. nasa Starbucks nga ako, pero di ito ung Starbucks ng Pinas.. hindi ito ung sa may Gateway, sa Podium, Megamall o Libis.. Starbucks San Antonio ito.. ang layo.. pareho lang naman ang lasa ng kapeng aking iniinom ngayon, sa iniinom ko dati sa Pinas.. pero bakit parang iba ang pakiramdam? bakit parang mas masarap ang iniinom ko dati?

tumingin-tingin ulit ako sa paligid habang nakapasak sa tenga ang aking iPOD at pinapatugtog ang ‘Tara Lets’ ng Imago.. alam ko na ang iba.. ang mga tao sa paligid ko, di sila nakikinig sa Imago, Sugafree, Hale at di nila kilala ang Eraserheads.. di nila alam kung anong pinagsususulat ko ngayon.. di nila ako maiintindihan kapag nagsalita na ko ng Tagalog.. naisip ko tuloy, pano kung sinagot ko ng ‘Salamat’ ung barista sa halip na ‘Thank you’? malamang eh tinitigan lang nya ako.. alam ko na kung ano ang kulang, kung bakit ganito ang nararamdaman ko.. ibang-iba ang lugar ko ngayon.. la man lang akong makitang kaibigan ko nung college.. mga dating crush at kaaway.. wala akong kasama at kakwentuhan.. nakakalungkot.. nakakamiss..

parang kelan lang, kasama ko ang aking mga kaibigan mag-Starbucks.. ang ingay namin.. kahit na isa lang naman ang bumili ng kape, feel at home pa rin kami sa loob ng Starbucks.. dati, worth it ang 150Php na kape dahil kasama ko ang mga kaibigan ko.. ngayon, parang nagtapon lang ako ng $4.. parang di pa masarap.. sayang ang pera ko..

ngayon ko na-realize, la naman sa lugar un eh.. kahit na saan, sa mamahaling restaurant, mall o sa bahay lang, ang importante, kasama ko ang mga taong mahalaga sa kin.. sila ang nagpapasarap sa bawat higop ng kape, nguya ng pagkain at inom ng beer..

nandito ako ngayon sa Stabucks.. pero ang isip at puso ko wala.. nangangarap na makauwi ulit at makasama ang mga kaibigan ko.. ang bumalik sa dati kong bahay.. dating buhay.. at baka, sa panahong iyon, sumarap na ang kapeng iniinom ko ngayon…

sunset

Posted 5 years ago emo daw, ldr

sa bawat paglubog ng araw na aking nakikita, ako’y napapangiti at nagpapasalamat sa panibagong araw na aking nalagpasan.. marami mang problema, ok lang, dahil alam ko, paglubog ng araw kasama nitong lulubog ang mga problema ko, at sa muling pagsikat ng araw bukas, ay may panibagong pag-asa ang naghihintay para sa akin…

ano daw?

aba.. medyo poetic ang banat ko ah.. hmmm.. inspired? pwede.. ang ganda lang kasi ng picture na nasa itaas.. kinunan ko sya habang nasa labas kaming magkakapatid.. nagandahan lang ako.. ang ganda kasi ng kulay.. nakakarelax.. habang tinititigan ko ang paglubog ng araw, di ko maiwasang hindi antukin, lalo na at papasok pa ko ng gabing iyon.. kakaiba.. ang sunset ang nagsisilbing sunrise para sa akin..

lumubog na naman ang araw.. sisikat naman sa inyo.. ramdam ko ang layo nating dalawa.. gising ka, tulog ako.. kelan kaya ulit magiging pareho ang araw at gabi natin? kelan natin sabay makikita ang paglubog ng araw? kelan nga kaya?

di rin maiwasang magsenti mode.. buti na lang at walang radyo akong katabi at baka nagpatugtog na ko ng “Your Love”, lalo lang akong magsenti-sentihan.. baka bukas eh umuwi ako ng pinas ng wala sa oras.. ansaya lang isipin na kasama mo ung taong mahalaga sau, habang pinapanood ang paglubog o pagsikat ng araw.. how romantik! hay.. alam ko namang darating din ung panahon na un…. willing akong maghintay…

sunset.. paglubog ng araw.. dalay mensahe na wag nang mag-alala.. oras na para magpahinga.. para bukas paggising, may lakas na harapin ang bagong umaga…

sana sinabi

Posted 5 years ago emo daw
Sana Sinabi – Soapdish
Balita ko ay meron ng iba…
Kaya ako’y wala na talaga…
At ang sakit isipin…
Ang dali mo lang limutin…
Napagod na sa’king paghihintay…
Mga pangako’y d na rin naibigay…
Pero kaya namang limutin…
Na kakulangan sa akin…
Sana sinabi mo na kaagad!
Para kung pde d na naglakad!
Patungo sa iyong mundong gus2 nang balikan…
At pangakong d na rin iiwanan…
Mga luhang natuyo na sa mukha…
Mga pangarap na bigla nalang nawala…
Pasulyap-sulyap nalang sa langit…
At nangangarap na ito’y maulit…
Sana sinabi mo na kaagad!
Para kung pde d na naglakad!
Patungo sa iyong mundong gus2 nang balikan…
At pangakong d na rin iiwanan…

ilang beses ko ring binuksan ang e-mail ko.. nagbabakasakaling, may e-mail ka na.. 2 ung email address ko, sa tuwing walang dun sa isang e-mail add, bubuksan ko naman ung isa pa.. baka meron dun.. pero wala.. tatahimik na lang ako at magiisip.. wala na ba talaga?
matapos i-check ang email, pati celphone tiningnan ko.. baka may text ka.. o di kaya baka naman tatawag ka.. no message received.. ayos.. pero heto pa rin ako, nagiintay.. di kita matawagan dahil sabi mo, wag na muna.. space.. wow! space pa ba? ang layo na nga natin sa isa’t-isa..

pano ba nagsimula ang lahat? di ko na rin malaman kung mali ba ang ginawa ko.. kung ako ba ang may kasalanan.. eh ako na nga ang nasaktan.. mali ba na malaman ko lahat ng nangyayari sayo? mali ba na kulitin kita? may mali ba akong nagawa? feeling ko, sobra pa nga eh.. baka sobrang nasakal ka na.. pasensya na ha.. di ko sinasadya…

tiwala.. ikaw na rin nagsabi na mahirap ibigay ang full trust.. pero ginawa ko un.. tanong mo, bakit ako ngayon nagiisip ng kung anu-ano kung pinagkakatiwalaan kita? dahil kahit ung mga simpleng bagay eh di mo na sinasabi sa akin.. eh ano ang gusto mong isipin ko? demanding.. aaminin ko, demanding ako sa oras at sa lahat ng bagay.. pero alam mo na simpleng message lang sau eh masaya na ko.. mababaw lang ako..

sana sinabi.. sana sinabi mo na lang.. ok lang naman sa akin eh.. di mo na kailangang maglihim.. at di mo na kailangang magdahilan.. di ko naman sinasadyang malaman un eh.. pero iniintay pa rin naman kitang magexplain ng side mo.. heto pa rin ako, umaasa na pede pang maayos.. kaso, kapag naayos, ano nang mangyayari? back to zero ba? baka di na bumalik sa dati.. mas mahirap ata ung ganon..

karamihan sa mga kaibigan at kakilala ko eh sinasabing tigilan na.. meron din namang ang sabi eh kaya natin.. sa huli, tayong 2 pa rin naman ang makapagsasabi kung anong pwedeng mangyari.. di sila ang magde-desisyon kundi tayo.. dahil tayong 2 ang involve..
kung ano man ang maging desisyon…

… salamat sa lahat-lahat..

… sorry sa mga pagkukulang at sa mga sama ng loob na ibinigay ko sayo…

alam kong mababasa mo to ngayon.. sana maging bukas ang isipan mo.. di lang ikaw ang nahihirapan.. ako rin.. intindihin mo na lang ung kanta.. at sana marinig ko na ung side mo…

dito pa rin ako.. naghihintay…

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
Images by desEXign.