
sa bawat paglubog ng araw na aking nakikita, ako’y napapangiti at nagpapasalamat sa panibagong araw na aking nalagpasan.. marami mang problema, ok lang, dahil alam ko, paglubog ng araw kasama nitong lulubog ang mga problema ko, at sa muling pagsikat ng araw bukas, ay may panibagong pag-asa ang naghihintay para sa akin…
ano daw?
aba.. medyo poetic ang banat ko ah.. hmmm.. inspired? pwede.. ang ganda lang kasi ng picture na nasa itaas.. kinunan ko sya habang nasa labas kaming magkakapatid.. nagandahan lang ako.. ang ganda kasi ng kulay.. nakakarelax.. habang tinititigan ko ang paglubog ng araw, di ko maiwasang hindi antukin, lalo na at papasok pa ko ng gabing iyon.. kakaiba.. ang sunset ang nagsisilbing sunrise para sa akin..
lumubog na naman ang araw.. sisikat naman sa inyo.. ramdam ko ang layo nating dalawa.. gising ka, tulog ako.. kelan kaya ulit magiging pareho ang araw at gabi natin? kelan natin sabay makikita ang paglubog ng araw? kelan nga kaya?
di rin maiwasang magsenti mode.. buti na lang at walang radyo akong katabi at baka nagpatugtog na ko ng “Your Love”, lalo lang akong magsenti-sentihan.. baka bukas eh umuwi ako ng pinas ng wala sa oras.. ansaya lang isipin na kasama mo ung taong mahalaga sau, habang pinapanood ang paglubog o pagsikat ng araw.. how romantik! hay.. alam ko namang darating din ung panahon na un…. willing akong maghintay…
sunset.. paglubog ng araw.. dalay mensahe na wag nang mag-alala.. oras na para magpahinga.. para bukas paggising, may lakas na harapin ang bagong umaga…












