one grande mocha frapp pls..

No Comments » August 27, 2006 » 1296 days ago
emo daw, homesickness

one grande mocha frapp

yan ang inorder ko dito sa Starbucks.. di ko rin alam kung bakit ako nagkakape, eh dapat sa akin, matulog agad, pagkauwi… hay naku, gising ako maghapon nito.. kumuha na rin ako ng biskwit para agahan ko na ‘to…

barista: GRANDE MOCHA FRAPP for carm..
lumapit na ko..
barista: how do you say your name?
ako: Carme
barista: oh, Carme.. that’s a nice name
ako: thank you

kinuha ko ang aking kape at lumabas na ako.. napagpasyahan kong tumambay muna sa labas.. isang oras pa kasi akong maghihintay dahil sa bus.. isang oras tutunganga.. tumingin ako sa paligid.. para akong tangang may hinahanap na wala naman talaga.. panay mapuputi at blonde ang buhok ang mga nakikita ko.. nasa Starbucks nga ako, pero di ito ung Starbucks ng Pinas.. hindi ito ung sa may Gateway, sa Podium, Megamall o Libis.. Starbucks San Antonio ito.. ang layo.. pareho lang naman ang lasa ng kapeng aking iniinom ngayon, sa iniinom ko dati sa Pinas.. pero bakit parang iba ang pakiramdam? bakit parang mas masarap ang iniinom ko dati?

tumingin-tingin ulit ako sa paligid habang nakapasak sa tenga ang aking iPOD at pinapatugtog ang ‘Tara Lets’ ng Imago.. alam ko na ang iba.. ang mga tao sa paligid ko, di sila nakikinig sa Imago, Sugafree, Hale at di nila kilala ang Eraserheads.. di nila alam kung anong pinagsususulat ko ngayon.. di nila ako maiintindihan kapag nagsalita na ko ng Tagalog.. naisip ko tuloy, pano kung sinagot ko ng ‘Salamat’ ung barista sa halip na ‘Thank you’? malamang eh tinitigan lang nya ako.. alam ko na kung ano ang kulang, kung bakit ganito ang nararamdaman ko.. ibang-iba ang lugar ko ngayon.. la man lang akong makitang kaibigan ko nung college.. mga dating crush at kaaway.. wala akong kasama at kakwentuhan.. nakakalungkot.. nakakamiss..

parang kelan lang, kasama ko ang aking mga kaibigan mag-Starbucks.. ang ingay namin.. kahit na isa lang naman ang bumili ng kape, feel at home pa rin kami sa loob ng Starbucks.. dati, worth it ang 150Php na kape dahil kasama ko ang mga kaibigan ko.. ngayon, parang nagtapon lang ako ng $4.. parang di pa masarap.. sayang ang pera ko..

ngayon ko na-realize, la naman sa lugar un eh.. kahit na saan, sa mamahaling restaurant, mall o sa bahay lang, ang importante, kasama ko ang mga taong mahalaga sa kin.. sila ang nagpapasarap sa bawat higop ng kape, nguya ng pagkain at inom ng beer..

nandito ako ngayon sa Stabucks.. pero ang isip at puso ko wala.. nangangarap na makauwi ulit at makasama ang mga kaibigan ko.. ang bumalik sa dati kong bahay.. dating buhay.. at baka, sa panahong iyon, sumarap na ang kapeng iniinom ko ngayon…

Wordpress Themes Design by NattyWP Wordpress Themes.
http://sudocode.net
Images by desEXign.